Nagtulak na naman ako at hanggang sa malayo-layo na rin ang natulak ko. Ang bigat-bigat talaga parang akong hihimatayin. Mabigat na nga ang buhay ko dadagdag pa ito. Ano ba yan?

"Sige pa! Malayo pa ang gasoline station". Pag-utos talaga nito sa akin.

"Yes Boss". As if I had that so called  choice. Nagtulak na ako ng nagtulak hanggang sa narating namin ang finish line. Ang gasoline station at laking pasasalamat ko naman dahil nakayanan kung lampasan ang unos ng buhay ko sa mga palad ng lalaking ito. Salamat naman.

Hindi ko na ramdam na may mga paa pa ako. Ang sakit-sakit na at ang mga kamay ko ay parang mababali.

Pinalagyan na niya ng gasolina ang kotse niya at habang naghihintay na mapuno ito. Tumabi ito sa kinauupuan ko.

"Ang lakas mo pala? Body builder ka ba?" Tanong nito sa akin na may pang-iinis sa boses niya.

"Tubig naman, please lang". Hinihingal kong sambit.

Hingal na hingal na hindi ko na maramdaman na may hangin pa pala akong nalalanghap sa sitwasyon kong ito.

"Tubig? Wait lang". Wika niya at napatakbo sa may store ng gasoline station.

Sa ilang sandaling paghihintay sa pagdating niya.

"O heto". Pag-abot niya sa akin ng mineral water.

"Salamat". Sabi ko sa kanya at kinuha ang mineral water na inabot niya. Pero di pa niya ito binibitiwan. "Bakit?" Pagtataka kong sambit.

"Bayad". Wari pa nito.

Jusmiho! Pagkatapos nang lahat-lahat kung ginawa sa kanya. Nagtulak ako ng kotse niya na napaka-sobrang bigat, di ko maramdaman ang mga paa, ang mga kamay ko ay parang mababali at hindi ko maramdaman ang hangin sa hininga ko. Parang sa tubig kailangan ko pa ng bayad. Ang lalaking talaga to o.

Kumuha ako ng pera sa wallet na nasa bag ko at ibinigay sa kanya ang bayad ng tubig na binili niya.

"O!" Pag-abot ko sa kanya at kinuha na ang tubig at ininom agad ito.

Hai! So refreshing. Ngayon, parang nawala ang pagod na nararamdaman ko sa tubig na ito.

"Salamat". Tanging wika nito sa akin at nang marinig na nagpasalamat siya sa akin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Wala yun". Ani ko at marunong din pala magpasalamat ang mokong na to. Akala ko masama na talaga ang nito dahil ang lakas ngang mam-bully sa akin pero may kagandahan pa pala sa puso nito at marunong itong magpasalamat.

Pagkatapos mapuno ng gasolina ang kotse niya. Agad na niyang pinaandar ito.

"Saan ang bahay mo? Hatid na kita". Pagpapaunlak niya sa akin.

"Hindi na. Baka maabala pa kita. Ako nalang ang uuwi". Pagtanggi ko sa kanya.

"Tinulungan mo ako kaya bilang kabayaran sa tulong mo. Ihahatid na kita". Pag-iinsist niya.

"Okay lang talaga". Pagtanggi ulit sa kanya.

Ayokong sumabay sa kanya dahil nahihiya ako at wala akong tiwala sa kabaitang ipinapakita niya sa akin. Baka ano na naman ang gagawin nito sa akin at manganganib naman ang buhay ko.

"Hindi..sakay na!" Wika nito at tiningnan ako ng masama.

May choice pa ba ako? Nasaan na ang right to choose ko kung ganito sila. Kaya sumakay nalang ako ng sasakyan niya kahit napipilitan at nakakahiya naman sa kanya.

Inihatid na nga niya ako sa bahay at habang nasa daan papauwi, napatanong ito tungkol sa akin.

"Bakit ka kumuha ng Medical Technology?" Tanong nito. Sasagutin ko ba siya o hindi? At himala ata na nagtanong siya sa kagaya ko na binu-bully lang nila sa paaralan.

I Will Be Okay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon