Kagaya ng mga kaibigan nito ay naghihimutok din ang katawan nito sa muscles.
Para silang mga side character sa anime na madaling matalo ng mga bida.
Pero ang kay kuya naman ay medyo lean at hindi ganoon kalaki kaya bumagay pa rin sa'kanya ang kulay blue niyang polo.
Muka siyang tarantado.
Pero oks naman, pogi.
Wala akong interes sa mga ganitong kababawan, at wala din akong interes sanibang lalaki bukod kay Art.
Dahil sa pagkakagusto ko kay Art ay wala na akong nararamdamang kahit anong atraksyon sa iba pang mga lalaki.
Ayaw ko namang gumamit ng ibang lalaki para lang maka-move on kay Art, unfair iyon sa side nila. No one deserves that.
Sarap mo murahin Art! Pero mahal kita!
Sasagot na sana ako para ireject ang gusto nilang mangyari nang may naupo sa tabi ko at umakbay sa balikat ko.
Si Art ay komportable ngayong nakadekwatro sa tabi ko, nakangisi siyang nakatingin sa gawi ng mga lalaking nanghihingi ng account ko.
"Hindi pwede." Biglang sagot nito sa mga lalaki kaya naman napatahimik ang mga ito at napataas ang kilay ko.
What in the world?! Bakit nakikialam tong tarantadong ito?
Napakunot din ang iba pa naming mga kaibigan habang sila Ian at Andres naman ay tumawa. Napansin ko din ang pagngisi ni Janice sa tabi ko na sinabayan pa nito ng sundot.
"Ay sorry may boyfriend ka na pala—-"
"Ma.Marahil sa Ig, Maria Amara Fuentez sa facebook." Putol ko sa sinasabi nito, dahilan para mapasimangot ang kanina ay nakangising muka ni Art na nasa tabi ko.
Naiinis ako sa'kanya, bahala siya diyan. Hindi siya ang dapat na masunod sa buhay ko, siya na nga ang kumo-control sa puso ko!
Dun na siya kay Senda niya! Lubayan niya ang buhay ko.
"Hala siya! Ayan na!" Tili ni Janice, kaya naman nagsigawan na din ang mga kasama ng lalaki at pinagpasa-pasahan siya.
"Ha? Ano.. Hindi ko kasi narinig."
"Amina Cellphone mo." Kunot noong sabi ko dito at inilahad ang kamay ko.
"Grabe ka na Mommy Mara!" Panunukso ni Criza, si Aiden naman ngayon ay nakangiti habang nakatakip ang kanang kamay sa bibig.
Itinype ko ang lahat ng account ko sa notes nito, miski ang roblox account ko tsaka ito binalik sa'kanya.
"I will message you." Sabi ng lalaki bago sila umalis ng mga kaibigan niya sa table namin, na tinanguan ko naman at nginitian.
"Nasaan ibang mga kabanda mo Art? Hindi ba kayo magsasama?" Tanong ni Aiden sa lalaki habang ngumunguya ng cornic.
Umiling si Art sa tanong nito. Magkasalubong ang kilay habang ang maamo nitong mga mata ay hindi mo aakalaing magiging ganito kadilim ngayon.
"May mga kasama silang pumunta pumunta dito, girlfriend at tropa nila na pinanood din sila." Kumibit balikat si Art at saka uminom mula sa baso ko.
YOU ARE READING
Strokes Through The Strings
RomanceAmara a girl who is obsessed with art got pregnant by the man who is considered to be her best of friend, best of friend whom she liked for 5 years. All she wanted to do is to paint, draw, and sculpt things. Art is where she wants her life to revolv...
Kabanata 5
Start from the beginning
