Kabanata 2

2 0 0
                                        

Explore Art

"Ara ayon oh! Katanga mo naman." Sigaw sa akin ni Jana habang nakaturo sa sanga ng manggang inakyatan ko na nasa kaliwang bahagi ko.

Hindi ko makita ang itinuturo niya dahil sa mga dahon ng mangga na nakaharang sa paningin ko.

"Hoy Jana wag mo ako matanga tanga diyan, pagbaba ko wala kang makukuhang mangga sa'kin kita mo!" Sigaw ko sa'kanya.

Pilit kong inabot ang kumpol ng mangga na malapit sa akin.

"Hoy! Kita na panty mo!" Napatigil ako sa narinig kong sigaw ng lalaki sa baba.

Napairap ako dahil hindi nga ako nagkamali ng akala, si Art nga ang sumigaw non.

"In*m*." Mura ko dito at sumenyas ng bad-finger.

Inilipat kong muli ang paningin ko sa manggang inaabot ko.

Napakahilig ng siraulong to na pagtripan ang panty ko.

"Bakit ba kahilig mong umakyat ng puno? Unggo ka talaga siguro. Bumaba ka nga diyan baka malaglag ka pa!" Suway sa'kin ng lalaki na ikinangiti ko naman nang palihim.

Gusto ko talaga sa tuwing nag-aalala ito sa akin, kinikilig ako.

"Broken kasi si Criza kay Thimothy, namimitas ako ng pampulutan." Sagot ko dito.

"Aba magaling, may duty tayo bukas sa ospital Amara diba? Mag mamaoy ka? Mga lasinggera." Sigaw nito sa'kin.

Pumitas ako ng maliit na bunga ng mangga at sinapol ang bumbunan ni Art kaya naman napadaing siya.

"Lumayas ka na nga dito Tureng." Mataray na sabi ni Alena dito habang nakahalukipkip.

"Hihiramin ko lang si Ara." Sabi nito habang nakasandal sa puno ng puno na nakatayo sa tapat ng boarding house namin.

"Hihiramin ka diyan? Ano ako? Dustpan? Walis tambo? Lumayas ka dito, susunugin ko pa ang katangahan nitong si Criza."

Marahan akong bumababa sa puno ng mangga pagkatapos kong mapitas ang kumpol ng mangganb ibinalot ko gamit ang suot kong t-shirt.

Hinawakan ni Art ang magkabilang kili-kili ko para alalayan ako sa pagbaba ng puno, hindi na ako nakagalaw nang buhatin ako nito pababa.

Kumalabog nang malakas ang dibdib ko sa ginawa niya, kahit naman sanay na ako sa trato at pag-aalaga nito sa'kin ay hindi parin mawawala ang kilig na nararamdaman ko sa mga trip niya

Bigla kong narinig ang malakas na pag-ubo ni Janice sa gilid, daig niya pa ang may TB.

Pinandilatan ko ito ng mata.

Mabuti na lang at ang iba pa naming mga kaibigan ay hindi nakakapansin ng kahit na ano dahil sanay na sila sa aming dalawa ni Art.

"Sige samahan ko muna kayo uminom, tapos kukunin na kita." Sabi ni Art at saka ako kinindatan.

"Ano na naman ba kasing pakay mo ha?" Inis na tanong ko sa'kanya.

"Mamaya na natin pag-usapan, iinom na muna natin 'yan."

Diretsong siyang naupo sạ monoblock sa tapat ng lamesa kung saan nakalagay ang mga bote ng alak, chicharon, at bagoong.

"Hindi ko lang maintindihan! Bakit parang ang dali lang para sa'kanya na bitawan ako! Ganoon na ba kababaw yung namagitan sa aming dalawa?!" ngumangawang sabi ni Criza.

Puno na ng sipon ilong nito at pulang pula na din dahil nakarami na ng ininom na alak.

Nakatapat naman ang cellphone ni Alena dito para videohan ang pag-iyak niya.

Strokes Through The StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora