Old Acquaintance
Pumasada pa ng dalawang kanta ang banda nila Art bago sila magpaalam sa stage at lumabas ang susunod na banda.
Isinend ko naman sa gc ang performance ni Art na vinideohan ko kanina, at ganoon din ang ginawa ng iba ko pang mga kaibigan.
Ipinost ko din sa story ko ang video ni art, at isang picture niya na kinuhanan ko na may caption na "PrInc3 ArthUr mAbanGie5". Inihide ko pa ito sa account ng mga magulang, mga kapatid ko at pati sa mga kamag-anak ni Art.
Kapag nakita kasi ng mga ito si Art na tumutugtog ay paniguradong matatamaan na naman ito, at kapag nakita naman ako ng pamilya ko na nasa Bar ay bubungangaan na naman ako.
Patuloy kami sa pag-inom at pagkukwentuhan ng mga kung ano anong nangyayari sa buhay namin kasama na ang mga memories namin noong highschool.
"Naalala ko kamo si Criza noon, nung biglang hinalikan si Reymart, yung anti social na lalaki sa Nitrogen." Pag-alala ni Jana sa ginawa ni Criza noon sa kaawa-awang lalaki na nanahimik sa tabi, may gusto kasi si Criza sa'kanya noon at idinare ko ito na halikan. At ginawa naman ng siraulo.
Diretso lang ako sa pag-inom at pagkain ng pulutan nang may lumapit na mga lalaki sa gawi namin na pumukaw sa atensyon naming lahat.
Nagkurutan sila Alena, Jana at Criza, si Aiden ay ibinalik lang ang tingin sa notes na nitereview niya habang si Janice naman ay dinudunggol dunggol ang balikat ko.
Nakatingin lang sa'kanila ang mga kaibigan naming lalaki na may kuryosidad sa mga mata.
Tinuloy ko na lang ang pag-inom ko at hindi na sila binalingan ng pansin, nahihilo na din ako sa dami ng nainom ko sa tingin ko ay malapit na akong mabaliw lalo na at nakatarak pa rin ang sinabi ni Art kanina bago magperform.
Kami ang naririto, pero kung sino pang wala ang siyang inacknowledged nito. Nakakainis lang talaga, bakit ba bulag na bulag siya at hindi na napapansin ang mga taong nasa paligid niya na nakasuporta sa'kanya una pa lang?
Gusto ko siyang sapukin at batukbatukan para ipamuka sa kanyang, hello? Nandito ako noh! Ako naman! Sana ako na lang! Bakit palagi na lang siya?!
Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa inis at sakit na nararamdaman, idagdag mo pa ang tama ng alak sa ulo ko.
Nakakainis ka Art! Ang tanga-tanga mo! Sikmuraan kita diyan eh.
"Pwede daw bang makuha IG account niya?" Mapangasar na tanong ng lalaki na naghihimutok ang muscle sa suot nitong black tshirt habang nakaduro sa akin.
Kaya naman tinaasan ko ito ng kilay, niyugyog naman ako ni Janice habang inaasar naman ako ng iba ko pang mga kaibigan ko.
"Hindi na magiging matandang dalaga si Amara!" Panunutil ni Jana na sinang-ayunan naman nila Criza.
"Nako.... Magkakalove life na ang nbsb." Nagulat ako nang makisali sa panunulsol si Aiden na hindi naman nakikisali sa mga ganoon.
"Sino ba?" Tanong ni Andres sa kanila.
Nagtutuksuhan naman ang iba pang mga kasama nito habang itinutulak ang kasama nilang lalaki, nahihiya itong ngumiti dahilan para mas lumakas ang tuksuhan.
Matangkad si kuya, sa tantya ko ang malapit na siya sa tangkad ni Arturo. Nasa gitna ang hati ng buhok nito na bumagay sa well sculpted niyang muka, medyo singkit ang mga mata niya at diretso ang mga ngipin.
YOU ARE READING
Strokes Through The Strings
RomanceAmara a girl who is obsessed with art got pregnant by the man who is considered to be her best of friend, best of friend whom she liked for 5 years. All she wanted to do is to paint, draw, and sculpt things. Art is where she wants her life to revolv...
