5 years
Unti unti kong iminulat ang talukap ng mga mata ko dahil sa nararamdamang hapdi ng pagtama ng sinag ng araw sa balat ko na nagmumula sa bintana.
Itinaas ko ang palad ko para matakpan ng anino nito ang mga mata ko sa nakakasilaw na araw.
Napangiti ako nang mapalingon sa kaliwang bahagi ng kamang hinigigaan ko, doon ay mahimbing na natutulog nang nakadapa ang kaibigan kong si Art.
Akin to his name, he is an Art made by thè creator.
God might have his own purpose for sculpting him through the dust this way.
He is a type of Art that would make you do nothing for the rest of the day but stare into every detail he is blessed with, and letting your eyes stare at him is like letting yourself fall hard that no one could ever catch you from.
And it's my fault for letting myself go through that.
He is my model for almost a hundred of arts that I've made, he is one of the reasons why art and painting excites me.
He is my Art.
His skin is fair as snow, like he have never met the Sun before. His hair is wavy resembling the waves of the ocean yet dark like night. His eyes are deep though pleading, they look yearning and capable of innocently make you do things for them.
His nose is not that high but its shape harmoniously sits on his fully filled face, his lips are red like his hemoglobin only works well in that part the best while it couldn't do any better through his skin.
The silver small hoop earrings on his left ear suits him so well.
He looks like Snow White.
Ever since I've met him, it is how I see him.
Ipinadausdos ko ang hintuturo ko sa katamtaman na taas ng kanyang ilong na may kaunting uka pababa sa mapupula niyang mga labi.
Natatawa akong hinagod ang gulo gulong itim at maalon niyang buhok. Mahaba na, kaya naman ang ilang mga hibla nito ay nakatabon na sa mga mata niya.
Sa araw araw na ipinagkaloob ng Diyos ay araw-araw din ang patuloy na pag-usbong ng nararamdaman ko para sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Limang taon na din kaming magkaibigan, at halos limang taon ko na ding itinatago kung ano mang nararamdaman ko para sa'kanya na kailanman ay wala akong balak o plano na ilabas.
Hindi naman kailangan .
Siguro ay dahil natatakot lang talaga ako, dahil alam ko naman na sa sarili ko una palang kung ano ang magiging kasagutan niya.
Hindi ko pa kaya na harapin, masyado pa akong mahina.
At ayaw ko na sa oras na ilabas ko ang nararamdaman ko ay magbago na din ang pagkakaibigan namin na ginagawa kong panangga para sa totoo kong nararamdaman.
I have no strength to take risk, dahil baka may magbago sa aming dalawa.
They always say that "Risk is better than Regret"
But in my case, I am definitely sure that taking risk will make me regret.
For there are situations and type of love that are not meant to be disclosed and meant to stay as it is.
And I do just know that in that way, I would be able to keep that person rather than turning into something that will make me lose him.
YOU ARE READING
Strokes Through The Strings
RomanceAmara a girl who is obsessed with art got pregnant by the man who is considered to be her best of friend, best of friend whom she liked for 5 years. All she wanted to do is to paint, draw, and sculpt things. Art is where she wants her life to revolv...
