Chapter X. End of the Fairytale

Start from the beginning
                                    

Umiyak lang ako ng umiyak.. hanggang sa makatulog ako.

Pagdating sa school dumiretso na ako sa office. Magpapapirma pa ako ng late slip. 

Kaso minamalas ata ako. Dahil walang tao sa Office.

Hindi na ako nagsayang ng oras para maghintay.

Pumunta na ako ng gymnasium namin dahil dun ginaganap ang P.E. class kapag umuulan.

Pagpasok ko nakuha ko ang atensyon ng lahat. Dahil bukod sa late ako nabalibag ko yung pinto sa sobrang pagkainis dun sa office.

Tinitigan ako ng lahat hanggang sa makarating ako sa bench sa gilid.Nilapag ko muna yung bag ko. 

Saka ako pumunta sa kung nasaan yung teacher namin.

Inabot ko sa kanya yung late slip ko. Kahit walang pirma.

Kinuha naman niya. Tapos umalis na ko sa harap niya at pumunta ulit sa bench.

Ang tahimik lang sa buong paligid. Masyado ata sila na-istorbo sa presensya ko. 

Nagsimula ako makaramdam ng pagka-irita sa mga titig ng mga kaklase ko saken.

Tinignan ko sila ng masama. Kaya bumalik silang lahat sa pinagkaka abalahan nila.

Kinuha ko yung iphone ko sa bag. nagsaksak ako ng earphones saka ako nagpatugtog.

Kaso sadyang malas ata talaga ako ngayong araw na to.

Ayaw tumunog ng earphones ko.Bat ngayon pa nasira...asar.

Hindi ako nagparticipate sa activity. Wala ako sa mood makisama sa kanila. 

Natapos yung P.E. class na wala naman ng pumansin saken. 

...

Lunch break na... 

Hindi pa rin tumitila yung ulan. Nakadungaw lang ako ulit sa bintana.

Yung iba naming classmate dito sa room kumakaen yung iba naman sa may canteen.

ako?.. ayokong kumaen..

"SOfia?"

"ahmm.. SOfia..??"

Naramdaman ko na may kumalabit saken at pagtingin ko si Spear pala..

"eto oh.. hindi ka pa kase naglulunch kaya binilhan nalang kita ng snack"

Inilapag niya sa desk ko yung hawak niyang sandwich at juice. May sinabi siya pero hindi ko naman masyado naintindihan.

Nginitian niya lang ako tapos umupo na ulit siya sa pwesto niya

Kinuha ko yung sandwich at juice sa desk ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya.

"ayokong kumaen wala akong gana.." 

Sabi ko ng mahina.. tsaka ko iniwan yung binigay nya sa table nya.

BUmalik na ko ulit sa pwesto ko tapos isinubsob ko yung mukha ko sa mga braso kong nakapatong sa desk.. 

Gusto ko nang matapos ang araw na to..

...

"class please pass your essays.. "

Literature class na.. last subject..

Ang bagal ng oras...

Gusto ko ng umuwi..

Gusto ko ng mapag-isa...

"Press?.. where's your essay?.. I can't see your composition. Did you submit one?"

The Pianist's Last Song  PieceWhere stories live. Discover now