"-Bawal mag-short kapag hindi siya kasama
-bawal tumawag habang hindi pa nakapag-chat.
-dapat alam lahat ng password sa mga account maliban sa ML account
-kailangan araw araw magkachat
-Videocall every 6 pm
-Bago mag-post dapat isesend sa'kanya" humagalpak kami ng tawa nang isa isahin ni Janice ang mga batas ng jowa ni Criza.

-

"Ang daya mo Ara, halos lahat ng mga kaibigan natin nadrawing mo na. Tapos ako ni isa wala pa. Aba idrawing mo din naman ako."

Biglang sabi ni Art habang nakatitig sa drawing ko kay Criza.

Napalunok ako nang ayusin nito ang buhok ko na nakaharang sa muka ko at iipit iyon sa likod ng tainga ko.

"HAHAHAHHAAHHAH"

Makahulugang tawa ni Janice ang umalingawngaw sa buong bakuran.

Ang iba pa naming mga maoy na kaibigan ay nakitawa nalang kahit wala namang naiintindihan.

Tinungga ko nang straight ang chembot na nasa lamesa at saka kumagat ng chicharon bago bumaling kay Art.

"Magbayad ka, aba malaki commission ko."

Inilahad ko pa ang ang kamay ko sa muka nito, kaya naman nanlaki ang ilong nito natawa.

"Bakit sila libre mo lang idrawing? Tapos ako may bayad." nakataas ang kilay na sabi nito.

"Siyempre, maganda silang inspirasyon. Mahal ko tong mga 'to eh." Sabi ko at saka inakbayan si Janice.

"Tapos ako hindi mo mahal?" Hirit niya dahilan para mapatigil ako at mawala ang ngiti sa mga labi ko.

May kung ano ang humalukay sa sikmura ko at nagpakabog nang malakas sa dibdib ko. Napipe ako at nanigas sa kinauupuan ko.

Naramdaman ko ang pinong pagkurot ni Janice sa hita ko.

"Hoy Criza! Bumaba ka nga diyan!" sigaw ni Aiden.

Napatigil kami at napatingin sa puno ng manggang idinuduro ni Aiden kung saan ngayon nakatiwarik si Criza.

NAKASANDAL ngayon ang ulo ko sa balikat ni Art na nasa tabi ko.

Si Criza tulog na sa loob ng boarding house matapos ang ilang oras na kabaliwan at paghihinagpis.

Kasam niya sila Alena at Jana sa loob na gumagawa naman gayon ng powerpoint para sa report nila sa isang araw.

Samanatala, si Aiden ay umalis para makipagkita sa boyfriend niya sa plaza.

Habang si Janice ay nakaupo sa kabilang upuan malapit sa amin ni Art, nang nakataas ang paa at nagcecellphone.

Anim lang kaming magkakasama sa bed spacer na boarding house na located sa hindi kalayuan sa university.

Sa tingin ko nga ay hindi talaga ganoon kaganda na tumira ka sa ilalim ng iisang bubong ng mga kaibigan mo, dahil halos araw-araw nasusubok ang pasensiya at pagsasama namin, pero dahil din naman sa mga pagsubok na iyon ay mas lalong napatitibay ang relasyon namin sa isa't isa.

Sa aming lahat na magkakaibigan siyam lang kaming nakapasa sa state university na pinapasukan namin ngayon.

Anim kaming mga babae, Ako, si Criza, Janice, Jana, Aiden at Alena.

Sa mga lalaki naman ay sila Art, Andres at Ian na ngayon ay magkakasama din sa iisang boarding house.

Sila Jana, Criza, at Alena ay pare parehas BS Educ ang program.

Si Janice naman ay tourism, habang si Aiden ay Psychology.

Si Andres ay Criminology, si Ian ay ICT, kami naman ni Art ay parehas na nursing.

Patuloy pa din ako sa paglagok ng huling serving ng chembot at pagngata ng mangga na isinawsaw sa bagoong na puno ng sili habang nakatulala lang sa kawalan at nakasandal pa din kay Art na ngayon ay tahimik lang.

Kinuha niya ang plastic cup na hawak ko at diretsong nilagok iyon nang hindi ako tinitirhan, iyon na ang huling baso!

Napaupo ako nang maayos at sinuntok siya sa balikat.

"Ano ba ha?!"

"Tama na ang dami mo nang nainom oh."

Malamlam ang mga matang sabi nito at saka kumain ng manggang isinawsaw niya sa bagoong ko na nilagyan ko ng maraming sili, mahilig kasi talaga ako sa sili.

"Ano na ha? bakit ka ba pumunta dito?"

"Ano kasi....... nirecommend kita. Ikakasal kasi kuya ni George, gusto nila ng something sentimental kaya sabi ko maglive painting ka. Siyempre ipinagyabang ko kung gaano ka kagaling."

Proud na proud na sabi nito, dahilan bumagsak ang panga ko sa sinabi nito.

"Live painting siraulo ka ba?!" singhal ko sa'kanya.

Alam ba niya kung gaano kahirap mag-painting? Hindi pa naman ako ganoon kaprofessional para sa mga project na katulad non.

Pang maliliit na commision lang ako ng mga taong inlove at adik sa sarili na tao.

Hindi ako naging ganoon kabihasa dahil hindi naman ako suportado ng pamilya ko sa larangan ng sining.

Kung hindi pa nga siguro ako nagcollege ay hindi ako magiging malaya na makapagdrawing nang maayos.

Noong nasa bahay pa lang ako kapag nakakakita sila ng mga bagay na kinagigiliwan ko na hindi saklaw ng medisina at akademiko ay tinatapon nila.

"Oh bakit?" takang tanong nito.

"Baliw ka ba? Hindi ko kaya! Masyadong malaki at risky, baka mamaya madisappoint ko lang ang mga iyon" umiiling iling na sabi ko.

"Ano ka ba? Kaya mo yun noh, tiwala ako sa masining mong mga kamay. 50k din offer nila."

Nagpuso puso ang mga mata ko sa narinig na tumatagingting na 50k.

"Kailan daw ba?" pahabol kong tanong dahilan para mapangiti si Art at saka pinisil ang ilong ko.

"5 months from now pa naman." matagal pa pala.

"Pag-iisipan ko."

"Pag-isipan mo nang maayos. Para makita mo ako magperform."

Nakapinta ang mayabang na ngisi sa labi nito nang sabihin iyon kaya naman nanlaki ang mga mata ko at napangiti.

"Magpeperform kayo sa kasal?!"

Excited na tanong ko, last year pa mula nang pumasok si Art sa isang banda na nabuo lang din sa University noong battle of the bands. Vocalist siya nito.

"Oo sasamahan namin na magperform 'yung kuya ni George sa reception. Haharanahin daw niya yung bride." nakahalukipkip na sabi nito.

"Angas mo naman boi! Permalu! Werpa! Supreme." Masayang sabi ko at niyugyog ang balikat nito.

"Kaya dapat parehas natin na maexplore ang mga kagustuhan natin na pinagkakait nila sa atin" nakangising sabi nito at saka kumindat.

Dahil tulad ko ay tutol din ang mga magulang niya sa pagkahumaling naman sa pagtugtog gaya ng pangmamaliit ng pamilya ko sa larangan ng sining.

Strokes Through The StringsWhere stories live. Discover now