Habang nag-iinuman ay tumutugtog din ang kantang "Magbalik" by Callalily sa malaking speaker na kinuha ni Janice mula sa bahay nila.
Dagdag sa ambiance ng kamaoyan at paghihinagpis ni Criza.
Ako naman ay marahang inuugoy ang katawan para sabayan ang kanta.
"Bakit ba kayo nagbreak?" Tanong ni Art.
Ngumunguya siya ng chicharon na isinawsaw niya sa suka.
Nasa tabi ko siya ngayon habang nakaakbay sa sandalan ng upuan ko at nakadekwatro.
Pabalik balik naman ang tingin ko kay Criza at sa sketchpad na hawak ko, iginuguhit ko siya ngayon at halos mahilo hilo na ako dahil sa likot nito.
Kaya naman naka-ilang beses na akong nagbubura dahil hindi ko makuha nang tama ang emosyon nito,
Ever since nagsimula akong mahilig magdrawing ng muka, emotions and anatomy ng mga tao, mas lalo kong naappreciate kung gaano ang ang pagkakagawa sa tao.
People or society have their own type of standards na dahilan upang iwaksi at dungisan ang sari sariling klaseng ganda na mayroon ang mga tao, why do people keep on seeking for the things that are not for them? Instead of embracing the natural gifts that we own?
Walang pangit sa mundo, standards of the world just love to be ungrateful of what people naturally possess, and seek for the things that are not meant for us.
"Pinili niya 'yung ML niya kesa sa akin."
Mas lalong umiyak ang bruha nang sagutin niya ang tanong ni Art, nakakatakot ang tunog ng iyak niya para na siyang toro sa kakangawa.
"ML? Seyoso ba?" Nakangiwing tanong ni Art.
At saka tinungga ang plastic cup na naglalaman ng chembot.
Nagpatay malisya naman ako at nagkunwaring walang kamalay malay sa mga bagay bagay na nangyayari sa paligid.
"Ayan! Si Ara may pakana." Nguso sa akin ni Aiden, habang ang iba naman naming mga kaibigan ay tumatawa.
"Aba tumulong naman ako ah, sabi niya kasi gusto niya makita kung gaano siya kamahal ng jowa niya. Edi sabi ko papiliin niya kung ML o siya ba." Taas kilay na sabi ko.
"Eh napakababaw naman pala niyang jowa mo na 'yan eh, saan mo ba napulot yan ha?"
Idinuro pa ni Art si Criza gamit ang plastic cup na hawak niya.
"Edi sa ML." Humagalpak ng tawa sila Alena at Janice dahilan para mas lalong ngumawa si Criza.
Nang matapos ang kantang Magbalik ay nagsimula naman nang tumunog ang susunod na kantang "Sundo"
"Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo....." tumatangis na saby ni Criza sa kanta.
"Sinusuyod? Ano yan kuto?"
Natatawang sigaw ko sa'kanya sa gitna ng pagkanta nito habang patuloy pa din ang pag guhit sa muka nitong malikot at punong puno ng emosyon.
"Manahimik ka! Kasalanan mo lahat to!"
"Aba! Pasalamat ka sa'kin, dahil sa ideya ko nalaman mo na kababawan lang pala iyang relasyon niyo ng Thimoteo na iyon. Una pa lang duda na ako sa relasyon niyo eh, one week pa lang kayo naglalaro ng ML, kayo na?"
Nilagok ko ang basong puno ng Chembot bago salinan ito tsaka nilagok muli.
"Seryoso ba Criza?" natatawang tanong ni Art dito, na tinawanan naman ng tatlong maoy na sa gilid.
"Gumawa pa kamo ng rules and regulation yung lalaki, pinag-quiz pa siya bago maging sila!"
Tuwang tuwang sigaw ni Alena dahilan para maghampasan kami kakatawa, kaya naman pinagmumura kami ni Criza.
YOU ARE READING
Strokes Through The Strings
RomanceAmara a girl who is obsessed with art got pregnant by the man who is considered to be her best of friend, best of friend whom she liked for 5 years. All she wanted to do is to paint, draw, and sculpt things. Art is where she wants her life to revolv...
Kabanata 2
Start from the beginning
