Ryllenard
October 11, 2019
10:45 PM
Pagkalabas ko ng dorm ko ay nakita ko si Nathan na kasama ang isang babae. She's not that tall, at morena. But she's indeed was pretty kahit hindi ko pa ganoon makita ang whole features niya. Sa tingin ko ay nasa lower grades pa lang ang babae kumpara saamin. Nakatayo sila malapit sa isang abandoned truck na nakapwesto sa harap ng boarding house namin. Matagal na iyan na nakatuga d'yan. Isang delivery truck na pinaglumaan na ng panahon.
Napabalik naman ang tingin ko kay Nathan at sa babae. Mukang hindi nila ako napapansin kaya mas lumapit pa ako sa kanila.
Nang akmang tatawagin ko na si Nathan, napakunot ang noo ko at napatago sa isang puno. That girl, I know that girl.
She was Gretchen Magnayen, a grade 9 student and part of the school's broadcasting team. Bakit niya kausap si Nathan? Bakit si Nathan pa? Isang notorious play boy, no scratch that, he's a fvck boy who only seek for pleasure than love. Saksi ako doon bilang ka boardmate niya.
Napakuyom ang kamao ko. Pati ba naman inosenteng bata pinapatos. Bakit si Gretchen pa? Si Gretchen na matagal ko nang pinagmamasdan. Hindi ako stalker ah, nagkataon lang na ang CSS classroom namin at kanila ay magkatabi lamang kaya lagi kong naririnig ang maganda niyang boses. Masiyahin at medyo may pagkamahiyain si Gretchen. Kaya nagtataka ako kung bakit magkakainteres sa kanya si Nathan na ang mga target lamang ay mga liberated na babae.
"Kuya Nathan, totoo po ba iyang sinasabi niyo?" Sambit ni Gretch napayuko, halatang umiiyak. Nagtagis naman ang bagang ko nang makitang haplusin ni Nathan ang balikat nito. Haplus na halatang may pagnanasa. Langya.
"Oo naman... Gusto rin kita Gretchen..." Wika ni Nathan at inilapit ang muka sa tenga ni Gretch. Halatang naiilang si Gretch sa ginagawa ni Nathan pero hinahayaan niya lang ito.
Napatalikod ako at naglakad na pabalik sa loob ng boarding house. Ayoko nang makita pa ang sunod na mangyayari. Akala ko iba si Gretchen... Pero pare-pareho lang talaga lahat ng babae. Napakarupok.
*****
October 12, 2019
Kinabukasan, maaga akong bumangon para gawin ang daily routine ko bago pumasok.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Nathan na sobrang l aki ng ngiti habang nagkakape.
"Saan ka galing kagabi?" Tanong ko ngunit hindi pinahalatang kanina pa ako nagpipigil para wasakin muka niya.
"Paradise pre," he answered mockingly. Kaya sinamaan ko siya ng tingin bago lumabas ng boarding house para magjogging.
Biglang bumugso ang malakas na hangin kaya napakunot ang noo ko. Binalewala ko nalamang iyon at nagsimula nang tumakbo. Nang mapadaan ako sa lumang truck ay nakaramdam ako ng kakaiba, bakit parang may nakatingin saakin?
"Sino iyan?" Wika ko at nilingon ang paligid, napako ang mata ko sa lumang delivery truck. Ano kayang nasa loob?
Nang wala namang sumagot at nagpatuloy na ako sa pag-jogging. Matapos ang isang round ay nagbihis na ako papuntang skwelahan. Pagdating ko eh parang nagkakagulo ang lahat. May iba rin katulad ko na nagtataka sa nangyayari.
ESTÁS LEYENDO
CAGE
Historia CortaRyllenard discovers that his ultimate crush went missing after seeing her the night before with the campus' notorious playboy, Nathan. Will he uncover the truth, or the truth will cage him forever.
