~10~

1K 38 12
                                        

Chapter 10 [Mall]

~ SUZY'S POV ~

Ang sakit ng ulo ko. Buong gabi daw ba naman ako umiyak kasi. Nakakainis! Hindi pa nga ako nakarecover dun sa una may nangyari pa kagabi. Umupo ako sa kama. Tinignan kung anong oras na. Napatayo ako bigla dahil hapon na pala. Unang absent ko to. Ayoko pa naman sa lahat ayung may mamissed akong mga lessons. -____- 

Pumasok nalang ako sa banyo. Unang-una kong tinignan ang mukha ko. Damn, swollen eyes -____- Naligo nalang ako at napagpasyahan na pumunta sa mall. Nakakatamad dito eh. Sama ko kaya yung tatlo? Tas pasunurin ko nalang si Aia. Matapos ko mag-ayos at maglagay ng light make-up para hindi halata ang mugto kong mga mata, bumaba na ako.

"Yah girls! Mall tayo?" Yaya ko sa kanila. Nasa sofa sila at busy sa panunuod.

"Sure!" sagot ni Yen at Dianne.

"Ikaw Nicole?" 

"Ayoko, dito nalang ako." tanggi niya.

"Tara na! Minsan na lang tayo magkasama sama eh." hinatak hatak ko yung braso niya.

"Oo na sige na. Eto na nga po eh tatayo na. Magbibihis na." pumunta naman siya sa kwarto at nagbihis na. 

"Anong nangyari kay Nicole kagabi? Pasensya na ha sumama kasi pakiramdam ko eh." tanong ko.

"Hayun nakatulog nalang siya. Tas ayan matamlay." Yen

"Ahh. Hindi ko talaga ineexpect yung nangyari kagabi." Ako

"Oo nga eh. Tska yun pala yung kinikwento niya samin sa London. Yung boyfiee na iniwan niya. Grabe ang gwapo lang!" Dianne

"Ano nga ulit pangalan niya?" tanong ni Yen.

"Lawrence Kim." malamig kong sagot sa kanila. Naalala ko nanaman siya. Nakakainis. Bakit kasi sa dinami dami bakit yung panget pa na yun. Ano kaya nangyari dun kagabi. Ayyy bahala nga siya!

"Tara na." Ay nanjan na pala si Nicole.

 "Game! Teka asan si Kris?" Tanong ko.

"Nako hayun lumabas magbabasketball daw muna." sagot ng ate niya.

"Ahh. Tara na! para maenjoy naten!" Lumabas na kami at sumakay sa kotse. Andiyan naman yung maid kaya makakapasok naman si Kris mamaya. Ako ang nagdrive at mga ilang minuto lang nandito na kami. 

Pinauna ko na silang pumasok. Sabi ko kain muna kami bago mag shopping. Pumayag naman sila. Tatawagan nalang nila ako kapag naka-order na sila. Naghanap na ako ng mapaparkingan. Nakakita na ako at agad kong pinark yung kotse at bumaba na. Pumasok na ako ng mall at naglibot libot nalang muna. Mukang mapapasubo ang allowance ko dito. Ang daming magaganda. 

I'm in Love with My Enemy || On HiatusDove le storie prendono vita. Scoprilo ora