Chapter 39: MASTERMIND

Start from the beginning
                                        

"I just woke up, Dad," maikli niyang sagot, namamaos pa. Hindi naman siya ganyan kung makapang-akit kanina. Napangisi ako. Ang galing talaga.

"Your friends are here. Nasa sala sila—si Rocky, pinapasok ng kasambahay." Diretso ni Don Alejandro, na ikinasimangot agad ng mukha ko.

Rocky na naman? Magkasama lang sila ni Rocky kagabi, ah?

Kahit ayaw ko na gano'n sila ni Rocky, may magagawa ba ako gayong kaibigan niya ito? Malamang sa malamang ay magkakasama ang mga ito.

"Dad, tell them I can't meet them," sabi niya naman, na ikinabilog ng mga mata ko.

Tama ba ang narinig ko?

Pagkatapos no'n, umubo-ubo pa siya. "I have a flu, Dad. Tell them to go home." Sabi pa niya, at talagang kapani-paniwala dahil sobra-sobra na ang pamamaos niya. Kahit ako ay napaniwala. Mabilis akong nag-alala kung totoo ba 'yon.

"Sige, sasabihin ko. Kalalabas mo kasi tuwing gabi," sabi pa ni Don Alejandro. Nakita kong pumihit na ang mga paa niya at nag-umpisang maglakad. Nang nasa may pintuan na ito, sinabi pang, "Magpagaling ka. Huwag kang iinom ng malamig."

Saka na ito tuluyang umalis, kasabay no'n ang pagsara niya ng pinto.

Mabilis akong nabunutan ng tinik. Sandali pa ay nabuhay ang tawa ni Lorenzo sa kuwarto. Buo.

Saglit pa ay dumungaw siya sa ilalim ng kama at malapad na ngumiti sa akin.

"Lumabas ka na diyan, para kang multo," sabi niya. Pabiro naman akong umirap habang gumulong papalabas.

Nang tuluyang makatayo at kaharap ko na uli siya, ngumuso lang ito—parang gusto na namang humalik. At bilang hindi ko matiis ang mapulang labi niya, yumuko ako para ibigay 'yon sa kanya.

"Bakit hindi mo ni-lock ang kuwarto mo, Lorenzo?" tanong ko.

"I forgot," sagot lang niya. Nilagay na naman niya ang kamay sa likod ng ulo ko at hinila ako para sa isang mariin at mainit na halik. Pero mabilis akong tumigil nang dumadausdos na ang kamay niya sa loob ng damit ko. Gusto ko ang pakiramdam no'n, pero hinay-hinay muna.

"Lorenzo..." tawag ko sa kanya.

"Fuck, I know. I just can't help it," sabi niya sabay kagat sa ibabang labi.

Ngumisi ako, umiling, at muling tumabi sa kanya sa kama. Tumikhim ako nang maalala ang pagdadahilan sa ama. "May sakit ka ba talaga?"

Ipinatong ko pa ang palad ko sa noo niya at pinakiramdaman 'yon.

Mahina siyang natawa. "Bakit? Ang galing kong umarte?"

Tinanggal ko ang palad sa noo niya. Wala nga. "Bakit hindi mo kitain ang mga kaibigan mo sa baba? Ba't ka nagsinungaling? Ba't mo pinaalis?" tuloy-tuloy kong tanong. Mabilis namang naningkit ang mga mata niya at may naglaro agad na mapanuksong ngiti sa labi niya.

"Ano? Gusto mong bawiin ko at lumabas ako?" malalim ang boses niyang tanong sa akin, at akmang tatanggalin na ang kumot niya. Pero mabilis kong nahigit ang braso niya—pinigilan ko siya.

Ngumisi siya.

"Nagtatanong lang ako. Hindi ko naman sinabing pumunta ka," sabi ko.

"Gagalit-galit ka pa sa akin, Leon. Babagsak ka rin pala sa akin." Para siyang proud na proud sa sarili niya, hindi pa rin sinasagot ang tanong ko.

"Bakit nga, Lorenzo?"

"Ang alin?"

"Hindi mo sila puntahan?"

"Magtatanong ka pa? Alam mo naman ang gusto mong marinig na sagot." Suminghal siya. Hambog talaga. "Ano ba'ng sinabi mo sa akin kagabi? Huwag akong dikit ng dikit kay Rocky. You're jealous of him, aren't you?" Mukhang hindi niya siniseryoso ang usapan namin, dahil nakuha pang matawa.

Faster than River FlowsWhere stories live. Discover now