Mastermind
Pagkagising, ang ilong agad ni Lorenzo ang nilaro ko... pinadausdos ang likod ng hintuturo ko sa gitna ng katangusan no'n, at bababa 'yon hanggang sa mahawakan ko ang labi niya.
Hindi ko mapigilan... ngayong umamin na ako, para bang wala na akong inhibisyon sa katawan. Pero hanggang dito lang muna kami. 'Yon ang sabi ko sa kanya no'ng pinatulog niya ako dito sa kuwarto niya kagabi.
Alam kong may ibang tumatakbo sa utak niya, pero hindi ko pa naiisip ang mga gano'ng bagay. Gusto ko lang na ma-enjoy muna namin ang mga pagkakataong 'to... at gamitin ang oras na mayroon kami para kilalanin nang mabuti ang isa't isa.
Alam kong nauna na ang halik bago 'yon, pero gusto ko pa ring malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya—tulad ng kung ano'ng paborito niyang kulay, pagkain, at kung ano-ano pa.
"Walang mangyayari kung hahawak-hawakan mo lang ako, Leon. Just kiss me already," pang-aakit niya sa akin sabay kagat sa dulo ng daliri ko. Pinakita niya pa kung paano niyang binasa 'yon gamit ang dulo ng dila niya.
Ang aga-aga, ganito, Lorenzo. Napadaing ako pero hindi maiwasang ngumiti.
Tinawanan niya lang ako at saka inalis ang pagkakagat sa daliri ko. Umayos siya ng upo, kagaya sa akin, at sumandal sa headboard ng kama niya. At hindi pa ako nakakapagsalita uli, hinalikan niya na ako. Dahan-dahan. At ramdam ko ang panggigil niya doon—para bang bisyo na hirap siyang tigilan.
Para ngang wala na siyang pakialam kung kagigising lang namin.
Nang tumigil siya para humugot ng hininga, kinuha kong pagkakataon 'yon para pumaibabaw sa kanya. Hindi ko alam na kaya kong maging mapusok pagdating dito, pero sa kanya ay parang kaya kong gawin lahat. Nanatili siyang nakatingala sa akin.
"Good morning." May naglalarong ngiti sa labi ko nang sabihin 'yon.
Pinaningkitan niya ako ng mata at ngumisi naman.
"Good morning to you and your morning wood, Leon," pabiro niyang sabi. Yuyuko na sana ako para ako naman ang bumuhay ng halik, nang may tatlong katok na umalingawngaw.
Pareho kaming napalingon doon. Ako'y napalunok, habang siya ay napahawak nang mahigpit sa baywang ko.
"Lorenzo!"
Isang mura ang napakawalan naming dalawa no'ng marinig ang boses ni Don Alejandro na tumawag sa kanya.
Dali-dali akong tumingin kay Lorenzo at nakita kong pinanlakihan din siya ng mata. Binasa niya ang mga labi niya at tumingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay—tinatanong kung ano ang gagawin. Pero hindi na niya 'yon nasagot nang marinig namin ang pagpihit ng doorknob ng kuwarto niya.
Hindi ba niya nai-lock 'yon kagabi?
Mahirap na—baka makita niya kaming gano'n ni Lorenzo at isipin pa nitong imbes na pagda-drive sa anak niya ang tinatrabaho ko, ay ang anak niya mismo ang tinatrabaho ko.
Nang unti-unting bumukas ang pinto, dali-dali akong umalis sa taas niya at nagpahulog sa sahig. Napadaing pa ako dahil tumama nang malakas ang siko ko. Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Lorenzo dahil nagpagulong ako sa ilalim ng kama niya—'yon lang naman ang pinaka-safe na puwede kong mapagtaguan. Narinig ko lang siyang natawa, pero agad na tumikhim no'ng makita ko ang mga paa ni Don Alejandro na nakalapit na sa kama.
"Gising ka na pala. Bakit hindi ka sumasagot?" tanong ng ama.
Dumain naman siya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong umakto ito na parang nag-iinat.
YOU ARE READING
Faster than River Flows
RomanceA bl story LEON T. GALVEZ LORENZO HERMENEGILDO G. ZOBERAÑO Started: July 20,2025 Finished: August 10,2025 cover art illustrated by: @seeyuh_m
