Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Walang katotohanan ang sinasabi niya. Si Nigel ang may gustong magpatuloy ng panliligaw sa akin kahit na binalaan na siya ng pamilya ko. Ayaw ng tatay ko. Kahit ayaw kong iwasan si Nigel ay ginagawa ko pa din para hindi ko lang masira ang tiwala ng mga magulang ko. Pero itong si Phoenix? Daig pa niya ang tatay ko para magalit nang ganito! Para bang pagmamay-ari niya ako!

"I like him." Pag-amin ko. "Gustong-gusto ko siya to the point na wala na yatang lalaki ang mas hihigit sa kanya sa paningin ko."

Mula sa pagkakabaling ng mukha ay muli niya akong tinignan. Walang emosyon ang kanyang mukha.

"I wanted him to court me. You're right." Tipid akong ngumiti at lumunok. "Pero hindi pwede dahil mas mahalaga pa din ang pamilya ko kesa sa pakikipagrelasyon sa ganitong edad. All things would be yours at the right time. All things you want to happen could happen at the right time."

Binuksan ko ang pinto. Wala na siyang nagawa nang lumabas ako. Narinig ko ang yabag niya. Tumigil ako para tignan siyang muli.

Tumikhim siya at namulsa. Naglakad siya at nilagpasan ako.

Malayo na siya nang magsalita siya. "Right time would surely come, binibini." Nilingon niya ako. "But if you think I'm going to give up. You're wrong. Giving up is for weak. And I am not weak."

Hindi na niya ako hinintay magsalita at dumiretso na ng lakad papunta sa aming room. Ilang segundo akong natulala. Hindi nagtagal ay tumungo na rin ako sa room kung saan nagsisimula na ang party.

"Phoenix, tayo na lang ang partner please!"

"No, kaming dalawa!"

"Phoenix!" Tawag ni Monica sa kanya na nagpatigil sa mga kaklase naming nagtutulakan para sa next game kung saan babae at lalaki ang magkapartner.

Dumiretso ako sa aking upuan. Mabilis na tumama ang kaba sa aking dibdib. Iniwas ko ang tingin kay Phoenix at itinutok ito kay Monica. Si Cassia ay mahinang napamura sa aking tabi. Si Geneva naman ay tahimik lang at pinapanood ang kaibigan namin sa ginagawa nito.

"C-can we be partners?" Nauutal na aya ni Monica sa kanya.

Natahimik ang lahat. Nag-igting ang aking panga.

Nasa tapat ko sila. Nakatalikod si Monica at natatakpan si Phoenix kaya hindi na niya nakikita ang kahit anumang ipakitang reaksyon ng aking mukha.

Patayo na ako pero may pumiit sa akin. Nilingon ko ang may-ari ng kamay at bigla na lang tumalon ang puso ko nang makita si Nigel.

"Sali tayo."

Kita ko sa kanyang mga mata ang pag-asa.

Pailing pa lang ako nang tawagin kami ng MC. "Nigel and Millicent, Phoenix and Monica, Colton and Joria, Lawrence and Freenie, Bradley and Czarina."

Naghiyawan ang mga kaklase namin. Napalunok ako.

"So they are the participants. Don't worry, the prize is worth it. Mamayang gabi sa mismong pangkalahatang party namin ibibigay."

Wala akong nagawa kundi ang sumali na dahil ipinagtulakan kami ng mga kaklase namin. Kahit ayaw ko ay pumuwesto kami ni Nigel sa tapat ng mansanas. Iniangat ko ang tingin sa kanya, nasa mukha niya ang pag-aalala.

"We can back out. Just tell me."

Umiling ako. Tinalian ng mga kaklase namin ang aming mga kamay.

Kahit anong gawin ni Nigel at kahit ayaw ko siyang saktan ay buo na ang loob ko. Paninindigan ko ang sinabi ko sa mga magulang ko. Paninindigan ko sa kanya ang sinabi ko noong isang araw na hindi pa talaga pwede. I told him that he needed to wait. If he can't do that, then we are not really for each other. We can't really be together.

SurrenderWhere stories live. Discover now