Verse 2: Strange World (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Dalawang braso na nito ang naging metalic at nagagawa nitong harangin ang skill. Ako naman ay mabilis na tumakbo palapit dito ng biglang sumugod sa akin ang isa pang hound. Gumulong ako sa lupa para umilag, muli akong tumayo at sumalakay narin. But my every srtike is not landing dahil sa sobrang magalaw ang hound. Ito siguro ang ibig sabihin ng agility sa info nito.

"Mag-ingat kayo guys!" sigaw ni Wilson. "F*ck! We can't just stand here?!" sabi nito sabay iniwan sila Michaela, Arran at Felix.

Tumakbo ito patungo sa akin at mukhang tutulungan ako. Diretso lang ang takbo niya patungo sa hound. And that is so stupid! Easy target siya in his situation.

"Hoy! Hindi ito football!" sigaw ko dito pero hindi siya nakinig. Nabaling sa kanya ang atensiyon ng kaharap kong hound at sinalubong siya ng kalmot na may umiilaw na pulang aura. Akala ko talaga hindi na siya iilag pero nung ilang inches na lang ang layo ng claw ng hound sa kanya ay bigla siyang mabilis na napunta sa kaliwang side nung hound. As in sobrang bilis talaga, hindi yun normal para sa isang tao. Well I think that's his ability. Super speed! While Dirk has Body Solidification and me, Enhanced Physical Strength and Agility. This is so unbelievable, pero it's true!

.

I performed a series of stunt para kaagad makapunta sa likod ng Herus Hound. Sinipa ko ito with my every strength! Kaya it flew into the air, pero hindi ko sinadadyang sa direksiyon nila Felix ito patungo. Tinangka ni Wilson na takbuhin at iligtas sila pero kulang na talaga sa oras. Nakita ko nalang na tumama sa kanila ang katawan ng hound na bahagyang tumulak sa kanilang tatlo. Naabutan na sila ni Wilson pero nahihirapan itong pigilan ang lakas ng pwersa ng pagsipa ko sa hound. Kinaladkad parin sila nito.

"Felix POV"

Kinakaladkad kami ngayon ng malakas ng pwersang nagpalipad sa hound na gawa ni Alexis. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tila may kung anong pwersa na gustong kumawala sa aking mga palad. Sumasakit ito habang kinakaladkad kami. Nang hindi ko na talaga matiis ay itinapat ko ang aking mga palad sa gawing harapan at napasigaw.

I don't know what exactly happened pero napatigil kami sa ere. Hindi pa sumasayad ang aming mga katawan sa lupa. Lumulutang kaming apat kasama nung hound, pero paano?

"Whoa! We're hovering! Dude, yung mga palad mo umiilaw ng berde!" sabi ni Arran sa akin habang tila tumigil ang gravity sa aming kinaroroonan.

.

"Tsk! Pasikat! Ibaba mo na nga tayo." medyo inis na wika ni Wilson sa akin.

"P-pero, hindi ko alam kung papaano?" sagot ko sa kanya.

"Genius ka diba? Gamitin mo kokote mo..!" halos pagalit na nitong sabi sa akin.

"Sobra ka naman Wilson. You're being rude. And it's not helping Felix.

"Yeah, whatever!." si Wilson.

Muli akong nahulog sa pag-iisip upang kahit papaano ay mapakalma ang aking sarili. I got so nervous kaya hindi ko sinasadyang mapakawalan ang aking ability. Maybe by relaxing ay mapapatigil ko ito... Humugot ako ng isang malalim na hininga.... Saka inulit-ulit ang proseso. Unti-unti ng nawawala ang kakaibang aura sa mga palad ko at bumababa na kami ng dahan-dahan sa lupa. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Alexis at nakita ko siyang tinutulungan si Dirk. Bumagsak na ang isa sa mga herus hound dahil sa pinagsanib na lakas nila Dirk at Alexis. Isa na lang, at ito yung nasa harap namin ngayon...

"Bilisan mo please!" pakiusap ni Wilson. Pakiusap nga ba yun?

Nagawa kong maibaba kami ng maayos sa lupa at bago pa makagalaw ang hound ay nailayo na kami ni Wilson sa monster gamit ng ability niya. Medyo nahilo pa kami dahil sa hindi sanay ang aming katawan sa sobrang bilis na paggalaw.

Wizards Chronicles (The Journey Begins) CancelledWhere stories live. Discover now