S.W # 18 Flashback III

Start from the beginning
                                    

"Cullen" tutol ko nag-roll eyes sya "C'mon Mandy wag ka na mahiya dahil ba nandito ang boyfriend mo e pag tayo tayo kumakanta ka diba ? Dumagdag lang naman si Miguel at Vanessa don't be shy okay ?" sabi niya namumula tuloy ang mukha ko.

Na tinawanan naman nila. "Manang i-ready nyo po ang videoke room" utos ni Xander sa katulong nila "Ayoko matapos tayong kumain" sabi ko natawa sila "Tataba ka nyan" sabi ni Xander sa akin saka ginulo gulo ang buhok ko.

"Xander gggrrr" niyakap pa nya ako "Naglalambing lang naman ako sa yo ahh" "hindi nakakatuwa" sambit ko .

After namin kumain daretso kami sa videoke "Yung paborito ni Mandy." Sabi ni Tristan pinindot nila ang number na kantang gusto ko A thousand Years.

Pumalakpak silang lahat at nagro-roll eyes ko hinawakan ni Miguel ang kamay ko it made me smile.

Maya maya pa si Zach ang kumanta If ever you're in my arms again at napapansin kong nakatingin siya sa akin pero nagbabasa lang ako ng libro habang kinakausap ako ni Miguel at Xander.

Pang-aasar ang sinasabi sa akin ni Xander "buti may boyfriend ka e ang sungit sungit mo" sabi niya sa akin "siya tanungin mo hindi ako." Sabi ko naman "Ano ba nagustuhan mo dito sa masungit na to Migz ?" ayyy naku naman hahahaha

"Kaya ko naman i-handle ang tantrums at P.M.S nya ee" sabi ni Miguel tumawa ang lahat "I love her , I need to understand her. Hot and cold man sya she's the perfect woman for me" sabi niya habang nakaharap sa akin "mambobola" sabi ko "No I'm not. " sabi niya

**

Days fly so fast.

Hindi ako kumikibo may ayaw kasi ako. "Bakit ang tahimik mo na naman Mandy." Tanong sa akin ni Miguel nasa rooftop kami ng school.

"May ayaw ka na naman bakit hindi mo sabihin ang ayaw at gusto mo hindi ako manghuhula Mandy alam mo ba yun ?" eto na naman away na naman hindi ako marunong sa ganito "Wala naman mawawala kung sasabihin mo diba ?" sabi niya

"ee kasi naman kahit sabihin ko yung nasa isip ko wala naman nakikinig." Sabi ko

"Wag mo ako itulad sa kanila." Sabi niya

"Fine ! ayaw ko kasi na kinwestyon mo ko bakit ang dami kong oras sa mga kaibigan ko sa'yo naka-oras lang ang pagsasama natin." Sabi ko

"Unfair kasi Mandy." Sabi niya

"unfair ka rin lagi mo ko niyayaya sa mall hindi mo man tinatanong san ang gusto ko. I just want to stay at home all day long." Sabi ko nakasalubong ang mga kilay ko.

"Hindi mo naman kasi sinasabi" sabi niya "Makikinig ka ba ? hindi rin naman diba ?" sabi ko napahilamos ako ng mukha "Tapos ang daming bawal Mandy. Gusto man kita isama sa overnight outing hindi pwede ang laki ng pag-a-adjust ko sa'yo sana naman ikaw din mag-adjust." Ahh ganon

"Edi humanap ka ng babae na pwede mo isama kahit saan ! alam mo naman conservative ang family ko diba ? at ayoko kasi may masabi ang ibang tao na sama sama ako sa lalaki lalo pa naman magdamag ano na lang iisipin ng iba diba ?" kalmante pa rin naman ako kahit naiinis ako.

Kaya ayoko ng commitment ee.

"Okay fine break na tayo." Sabi niya

"Okay. Sana makahanap ka ng babae na pwede lahat sa gusto mo yung walang limitasyon ! Sorry ah hindi ako perfect girlfriend ! at sorry kung unfair ako ! Hindi kasi ako normal na babae seperada kasi ako pino-protektahan ko lang ang pangalan ko ! Saka from the start naman diba ikaw ang nagpumilit sa akin na ligawan mo ako ! Saka marami akong ayaw sa'yo ayoko lang na sabihin mo perfectionist ako ! Masyado kang happy go lucky I thought you're claiming that you are a Christian pero pumupunta ka pa rin sa mga club , umiinom at nakikipag-chat sa iba't iba babae hindi lang ako nagsasalita Miguel. Kung yan ang gusto mo na mag-break tayo edi fine !"

SEPARATED WOMAN DIARYWhere stories live. Discover now