Chapter 2 - The Chosen One

31 1 0
  • Dedicado a Shayla Perales
                                    

   Natapos ang buong buwan ng Setyembre nang walang kaguluhan. Maliban lang sa pagkakabunggo ko kay Mr. Yabang.

  "Sana maging okay ang October ko."

   Pero may good vibes naman ako na magiging smooth at maayos ang buwan na ito para sa akin. Bukod sa malapit na ang birthday ko, ito rin ang buwan na favorite ko dahil sa Social Studies Club. Sasali ako sa Quiz Bee and Poster Making Contest.

   Nang malapit na ako sa sa pinto ng classroom namin, nagkakagulo ang mga classmates ko at mukhang hindi sila magkasundo. Wala noon ang aming guro ngunit nasa may table nya na ang bag nya. Tahimik akong pumaroon sa aking silya at mistulang may dumaan na anghel sa kanilang kalagitnaan.

    Biglang tumayo ang muse naming si Mayumi...

    "Sige, pumapayag na ko. But I think this is so unfair!!!"sabi nya sabay yuko sa kanyang desk. Pinatahan naman siya ng kanyang katabi dahil nagsimula na siyang umiyak.

    "What's happening here?!", tanong ko sa sarili. "They are acting like weirdos." Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong kaya kinausap ko si Carla. "Anyare dun? Weird lang ang peg?"

    "Huh? Anong weird ka dyan? Ikaw kasi!"

    Parang may lumitaw na isang dambuhalang jigsaw puzzle ngunit maliliit ang parts sa utak ko matapos tanungin si Carla. "Bakit ako?", nagkukunot na mga kilay at bahagyang nanlalaki ang aking mga mata na nagtanong sa kanya. Kakarating ko lang at wala naman akong ginawang masama kay Mayumi since first year high school. Kaya sobrang nagtataka ako kung bakit ako naging unfair sa kanya. hayy

     "Di ba si Mayumi ang muse natin?"

     "Ngayon?" Alam ko namang muse namin sya. Hindi nya naman ako kaylangang paalalahanan kasi wala naman akong amnesia. Anong connect?

     "Ikaw daw ang magiging representative ng class natin sa elimination round ng 3rd year para sa Ms. UN!!!"

GULAT!

TAKOT!

KABA!

NGINIG!

LAGNAT!

HIMATAY!

     Yan ang mga expressions or reactions na mararamdaman ng isang babaeng tulad ko. Below average breast size, short legged freak, super tan, flat nose, scattered eye brows and unruly hair.

     "WHAT?!!!" napalakas na volume kong tanong sa seatmate ko. Napatingin naman lahat ng classmates ko sa akin. Nagsimula na silang magbulungan.

      Tumayo ang aming president na si Isaac at nilapitan ako. Parang may mga kabayong nagsisitakbuhan sa puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Kasi minsan lang may kausapin ang president namin. It's either pagalitan ka or may ipapagawa sa iyong difficult task kaya ka nya kakausapin. I have this feeling that I belong to the last one.

       "You were chosen to be our representative for Ms. UN." kalmado at walang kurapang sabi nya sa akin.

       "Carla told me a while ago. But, why me?", as in BIG QUESTION MARK!

       "The elimination round this year is in a form of a quiz. That's why we have decided you must be our representative, since it is your forte.", teka? Bakit sila-sila lang ang nagde-decide? Wala ba akong karapatang mag-voice out ng damdamin or opinion dito? Nyerr!

      "Ganun? Super gastos kaya nun. Tsaka wala kaming extrang budget para sa mga ganyang pageant pageant na yan. Pambili ng pananim ang nakalaang pera sa bahay." nagmamaktol na sabi ko sa kanya. Tsaka, haller? Anong nangyari sa mga officers ng SSO this year? "Anong pumasok sa isip nila, bakit may twist this year ang Ms. UN? Di ba officer ka rin dun?"

       "I'm not, that's why I don't have any idea of what is going on." sabi nya na mukhang nagsasabi ng totoo. Hindi nga pala sya nanalo. Tsk. Bakit ko ba nakalimutan yun? Parang medyo napahiya ako dun ah. "But you don't have to worry about your expenditures for this event." patuloy pa nya.

       Yun naman pala eh! Handa naman palang sagutin ang mga gastos. Bakit ngayon lang kasi sinabi? Kung kanina pa sana sinabi na sagot nila lahat ng gastos edi sana di na ako nagpakipot effect!

Facts about me:

     Bata pa lang ako, siguro around five to six years old pangarap ko na talagang sumali sa mga beauty contest. Madalas kaming naglalaro ng Little Ms. Philippines ng mga kaibigan ko dati. Tumpok ng buhangin ang stage namin at bulaklak ng kangkong ang mga bulaklak na nakaipit sa may tenga namin. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=

       Buti na lang ako ang napili nilang maging representative! Chance ko na 'to para matupad ang mga pangarap ko. Grab it Georgia! Grab it! Grab it!

      "Ah. Sige na nga. Sasali na nga ako.", kunyaring napipilitang sabi ko sa kanya. "Basta sagot nyo ang gastos ah."

       "Yes. Is that impossible?", may sangkap na pagkamahangin din tong si Mr. President eh, noh?

       "Very well. It's a deal."

       "Deal."

    

           

Hate LoverOnde histórias criam vida. Descubra agora