"Saan banda teh?" ani ko.

"La kam pake," bulalas nya.

"Ikaw, stress ka masyado ih. Wala ka siguro sex life." Pinandilatan nya ako ng mata na ang kapal kapal kapal kapal kapal kapal ng eyeliner nya, "Sabi ko teks life! Alam mo ba yun ha!? Yung nilalaro ng mga bata na may print na dragon ball at kung anu-ano pang anime na -- pitingini!" Napamura ako nang bigla syang huminto. Huminto na pala ang kotse ni Chanyeol. Nasa Owte09 na kami?? Saang probinsya ba balak magliwaliw nito?

"Sundan mo sya. Hindi ko dito ipapark ang kotse ko. He knows my plate number baka nakahalata na sya. Pasimple ka nalang ha? Ito," Sinuotan nya ako ng shades, "Hindi ko alam pero iba ang kutob ko. Pakinggan mo kung anong pinaguusapan nila," sabi nya't sinuotan ako ng blonde na wig. Ang taray? Bakit may ganito ang lola? "Nagcocosplay kasi ako. Pangarap ko maging cosplayer. I wanna be a tutubi." Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin nya. Saang anime naman si Tutubi? Baka sa teletubbies? Nilayasan ko sya. Feel na Feel ko ang wig kong mahaba. Kendeng sa kanan, kendeng sa kaliwa. My hips don't lie. My humps, my humps, yeah.

Nakatingin sa akin lahat ng tao.

I know, I'm a pretty. So pretty.

Boys wanna touch me. Charot!xx

Ni wala pa nga akong jowawits eh. MU pa rin kami ni Sehun. Malanding ugnayan po. These passed few days, nagsesend sya ng malalanding signals sa akin. Should I take it? Sunggaban ko na ba? No. Ako ay isang dalagang bakla. Pumwesto ako malapit sa table nila Chanyeol. Tawa nang tawa yung katabi kong table. Sarap suntukin ng mga babaeta na ito. Mga walang kagandahang loob! Naiingit lang siguro sila sa akin. Aba, my gorgeous marvelous fabulous FACE is one of a kind. Mas mukha pa akong babae sa totoong babae. Hindi ako nagyayabang pero lamunin nyo ang katotohanan na ako ay ipinanganak para maging Miss Universe.

"Ano pong order nyo?"

"Thank you for your wonderful question, I-I yes, can you, will you, tubig nalang po ate." sabi ko. Kinapa kapa ko ang bulsa ko. Wala akong pera! Dafuckqq! Nakakepkep shorts lang ako tapos, maluwang na puting t-shirt tapos spongebob na slippers?! Kaya naman pala, tawa sila nang tawa eh.. Match made in heaven ang slippers ko at wig ko. Tingini mocha, Baekhyun. Nawala tuloy sa isip ko na ganito lang pala ang suot ko. Kakahiya.

Pasimpleng lang sumilip ako. May inabot si Chanyeol dun sa lalaking mukhang farmer? Bakit kailangan nya pang dumayo dito? Eh may balak ba syang magtayo ng hacienda? Napatingin sya sa akin kaya nagiwas agad ako ng tingin. Nang sumilip ako ulit, wala na. Tumayo na sya at lumabas. Naiwan sa table yung lalaki at binuksan ang sobre na inabot nito. Ipinasok nya ito sa bulsa saka umalis. Sinundan ko sya, sumakay sya sa maliit na vegetable deliver truck. Tinakbo ko si Baekhyun at pinasundan ito agad eh.

"Bakit ba susundan natin yan? Ano bang narinig mo kanina sa loob ha?" He asked.

"Hindi ko alam. Busy ako kakapuri sa sarili ko. Navavibes ng radar ko sa pwet na may something, Baekhyun. Kaya huwag ka ng umangal dyan dahil kapag tama ako, ikaw ang top sa ating dalawa." I puked, "Kasuka lang. Hindi ko maimagine," Sinulyapan ko si Baekhyun, "Yuck, ang liit ng manoy mo! Ni wala man lang umbok! Ayoko nyan 'no! Kakasuka! Yuck talaga! Incest!" bulalas ko.

"Ew! You're so gross, Luhan."

"Ahhhh!" Pareho naming sigaw.

Nauntog ako sa bintana. Ang sakit nun ah. My precious gorgeous marvelous fabulous head. Bigla kasing prumreno ang truck ni Manong at napahinto rin tuloy kami dahil dun. Kumatok si Manong sa pinto. "Okay lang ba kayo?" Binuksan ko at gumapang ako palabas. The grudge lang ang peg teh.

"Manong, I need help. Mamamatay na ata ako!" Hinawakan ko ang dibdib ko, "Help us. Painumin mo kami ng tubig!" bulalas ko at kinindatan si Baekhyun. Ang galing ko talagang umarte. Itinayo naman ako ni Manong. "Uhaw na uhaw na kasi kami sa byahe eh. Kayo manong okay lang po ba kayo? Ang sipag nyo po siguro at pati po buhok nyo naararo na rin. Bwahahahah."

"Luhan!" sigaw ni Baekhyun.

"Ah? Arey, manong, nirarayuma na ako. I-I can't take it anymore. Kailangan ko po ng tubig para makainom ako ng gamot." sabi ko, "Mumultuhin ko kayo kapag namatay ako." dugtong ko. Napakamot sya sa ulo.

"May tubig kayo oh?" He said.

Hinagis ko yung tubig sa pilapil, "Ayan po wala na. Gusto ko po ng fresh. Nilawayan na po kasi yan ng friend ko." Inirapan ko si Baekhyun, "Aalis din naman po kami agad kapag nakainom na kami. Naliligaw na po kasi kami. Sa ganda ko pong 'to, hindi po ako terorista. Baka sya po, nung past life."

"Osya sge, malapit na rin naman dito ang bahay namin. Sundan nyo nalang ako ah." Tumango kami. Sinundan namin at wala pang 20 minutes, ipinarada na ni Manong ang truck. "Dito ang bahay namin ng Misis ko. Tuloy kayo. Kung naliligaw na kayo eh pwede namang kayong makituloy sa amin ngayong gabi." Napatakip ako sa boobs ko. Hindi naman mukhang manyak si Manong.

"Salamat po," ani ko.

"Rosita, may bisita tayo." tawag nya.

Lumabas yung babae. Nasilip ko sa may kurtina ang batang lalaking natutulog sa loob. "Goodevening po." sabi ko, "Kasi po ano," Siniko ko ang tagiliran ni Baekhyun. Napakamot ako sa ulo, "Makikiinom lang kami." Ngumiti naman yung babae. Agad na kinuhaan nya kami ng tubig. "A-Ano po trabaho nyo? Nagdedeliver po ba kayo ng gulay? Perhaps, sa particular na tao? Yung ano, hahah. May malaking tenga tapos po, matangkad na mukhang--" Nagkatinginan silang magasawa dahil sa tanong ko, "Hihi. Parang si Master Yoda kaso bulinggit yun."

"Hindi ka namin maintindihan." aniya.

"Psst. English-in mo Baekhyun!"

"Ah, didiretsuhin ka na namin Mang Kanor. Yung lalaking kausap nyo po kanina. Asawa ko sya, gusto ko lang malaman kung anong negosasyon ang meron kayo? He gave you an envelope right?" Biglang pinagpawisan ng malalaking butil si Mang Kanor sa noo. I saw diamonds. Lol. Nakakaintimidate kasi si Baekhyun eh. "Ano ang pinapagawa sayo ng asawa ko?" Taas ang kilay na tanong ni Baekhyun habang nakacross ang legs nya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Dodoblehin ko kung magkano man ang inabot nya, tell me, ano ang pinapagawa nya sayo? I don't wanne be rude. So I will ask you nicely, ano 'po'?" Kinuha nya ang bag nya at naglabas ng cheque, "Isulat nyo nalang po kung magkano." Inabot nya ang blank cheque dito. Paano kung 5 M ilagay nila? Ubos ang pera nya. Hala jeske menh.

"Lolo Kanor?" A kid called.

A familiar voice.

Lumabas ang batang yun sa loob ng silid habang kinukusog kusot pa ang mata nya. Nagkatinginan kami ni Baekhyun. The kid is none other than Asher. Medyo pumayat lang sya. "Asher!" tawag namin at niyakap sya. Sinapo ko ang mukha nya, "Asher, oh god, Asher, okay ka lang ba huh? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo?" I asked, "Ang payat mo na. Kumakain ka pa ba ha?"

"T-Tita L-Luhan," Naiiyak na sabi nya.

"Shh, okay na Asher, uuwi na tayo."

Pero paanong, nasaan si Jessica?

Park Chanyeol.. that bastard.

KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy]Where stories live. Discover now