Sarap na sarap kami sa pagkain pero siya sinusubuan lang si Jordan.

"Nakakain na ako kanina sa meeting eh." sagot niya.

"Tikman mo lang Pa, ang sarap po grabe." sabi ni Ate kay Papa. "Graduate ka ng culinary?" tanong niya kay Kath.

Umiling si Kath bago sumagot.

"B.A." tinignan niya si Kath na parang hindi makapaniwala.

"Seryoso? Wala naman itong kinalaman sa course mo ah." sabi ni Kuya.

"Laking kusina lang po." nakangiting sagot niya.

"You're very amazing woman. Mas lalo kitang nagugustuhan." sabi ni Ate. Ako din Ate! Lalo ko siyang minamahal.

I know, sobrang kakaiba si Kath sa lahat. Bukod tangi.

Mukang naintriga si Papa kaya kumuha siya ng kanin at kumain din. Biglang tumingin sa akin si Kath na parang kinabahan. Hinawakan ko ulit ang kanay niya.

"Wow." komento ni Papa. Halatang nasarapan talaga.

"Told you pa." sabi ni Ate.

Napuno ng tawanan at kwentuhan ang dinner namin. Kanya-kanya kaming kwento sa isa't isa hangang sa hindi na namin namalayan na late na pala. Masyado kaming na-enjoy. Masarap kasi ang mga pagkain eh. Nakaka-ganda ng mood.

"Daniel, anak aalis na kami." paalam ni Papa.

Inihatid ko sila sa may pintuan. Inabot sa akin ni Papa si Jordan na antok na antok na. Kinulit ng kinulit ni Kuya eh. Ang cute daw tumawa.

"Thanks for the great dinner." bumeso si Ate sa akin at kay Kath.

Nag-manly hug naman ako kay Papa at kuya.

"Bless po, Pa." nag-mano ako kay Papa pati si Jordan.

Iniaro ni Papa ang kanyang kamay kay Kath kaya tinangap din ni Kath at nagmano din.

"Mag-iingat kayong dalawa. Bye! Good night." sumakay na sila sa sasakyan.

Pumasok na din kami ni Kath halatang pagod na kasi.

"Ako na ang mag-liligpit. Tulog na kayo ni Jordan." parang nakatulog na si Jordan sa balikat ko eh.

"Hindi. Matulog na kayo, ako na lang dito." tumango na lang ako.

Pinalitan ko ang damit ni Jordan saka inihiga sa crib. Mahimbing na ang tulog eh, napagod sa kakalaro.

Nagpalit muna din ako ng damit tapos bumaba ulit sa kusina para tulungan si Kath.

Naghuhugas siya ng mga pinagkainan, tinabihan ko siya at ako ang nagbanlaw.

Paano kaya kung maging maging kami forever, naimagine ko. Mag-asawa na kami tapos sabay kaming nago-gracery, nag-lalaba, sabay magkakape sa umaga at ang pinaka gusto ko. 'Yung gigising ako sa piling ng isang dyosang nag-ngangalang Kath. Parang ang saya lang 'nun.

Napabalikwas ako nang maramdaman kong may nag-wisik ng tubig sa muka ko.

"Kath!!" inis kong sabi habang pinupunasan ang muka ko.

"Para ka kasing timang. Ngiting-ngiti ka." natatawang sabi niya.

"Naisip ko kasi 'yung babaeng nag-lap dance sa akin kanina." nanlaki nag mata niya sa sinabi ko. Kinabig ko siya sa leeg gamit ang braso ko. "Ito naman naniwala kaagad. Joke lang 'yun. Hindi ko kayang magtaksil sa'yo nuh." biro lang talaga. Kahit naman nakapanood at nakakita na ako noon hindi ko kayang gawin 'yun.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt