"Bhe, paano mo babanggitin ang fandom name ng Girls' Generation?" Tanong ng isang lalaki na naka Fandom shirt ng BTS sa nobya niya atang katabi.
Kasalukuyan akong nasa jeep papuntang school. Dahil maaga pa naman, kami pa lang tatlo ang pasahero dito. Bored na bored ako kaya tinatiyagaan ko na lang tong dalawa na makinig sa pinag-uusapan nila na puro tungkol sa Kpop.
Medyo naaaliw na rin naman ako sa topic nila ng konti dahil isa rin naman ako sakanila. Isa din akong kpop fan. Di lang halata. So di na ako masyadong nauumay.
Pareho silang nakafandom shirt ngunit V.I.P nga lang yung kay babae.
"Ahhm, So-ny bhe, bakit?" Sagot nito na muntik ko ng ikatawa. Sony pala ah?
Sige, baka di fan kaya di niya alam kung paano ipronounce. Consider na muna natin. May ganun talaga.
Inantay ko ang sagot nung lalaki.
"Akala ko ba, three years kana sa pagstan sa So Nyeo Shi Dae? Sown yung tamang pagpronounce bhe." Ani ni Lalake.
Mas lalo akong nagpipigil ng tawa. Isa pa to eh. Mangongorection na nga lang mali din pala pfft. And the heck, three years? Seriously? Konti nalang pagkakamalan ko ng mga jeje ang mga to.
"Hindi kaya! So-ny yun! Tsaka Girls' Generation ang iniistan ko, hindi So Nyeo Shi Dae!"
Napaface palm ako. Alam na this. Three years na pala siya pagstan sa GG, tapos di niya alam na sila at ang SNSD ay iisa? Ngeks. When I was bago in KPOP, nagalit ako sa SNSD dahil malalandi sila at nilalandi nila ang SuJu. Gusto ko lang kasi noon na ang GG lang ang babagay sakanila. Pero di kalaunan, nalaman ko din ang katotohanan na sila ay iisa nang magresearch ako sa profile ng kanilang grupo. Pahiya ako eh. Fandom ko, nilait ko. Lol
Kaya nagtataka ako sa babaeng to. Three years ba talaga? Ganun ka tagal tapos di niya marealize yun? Grabe. Bigyan ng jacket yan.
"Sown nga yun, gaga!" Turan ng lalaki na may halong pagtataas na ng boses.
Hala.
"Sony yun, mas gago ka!"
"Sown, sabi eh. Bobo mo."
"Sony nga diba? Tangina ka! "
"Nakakainis ka na ah!"
"Kung naiinis ka, edi mas mabuti nalang na magbreak tayo! " turan ni babae.
Ay grabe. Mas OA pa pala to kesa kay Radon. Lol
"Mabuti pa nga!" Sang ayon naman nung lalake.
Tsk. Tsk. Tsk. Wala talagang forever.
"Manong para po!" Sigaw nung babae. Agad na tumalima si Manong at sinunod niya ang sinabi nung babae.
Huminto ang jeep. Teary eyed na bumaba yung babae.
Siya yung nakipagbreak tapos siya yung iiyak? Pwede naman kasi idaan sa matinong usapan eh. Tsaka be careful what you are wishing for. Baka sa isang iglap, mangyayare ang di mo inaasahan at pagsisisihan mo naman sa huli.
"Manong para po!" Sigaw ko. Nandito na ako sa mismong tapat ng school.
Pero bago ako tuluyang bumaba sa jeep, binalingan ko yung lalake.
"Kuya, mali po kayong dalawa ng binaggit. Sowon po. " sabi ko tsaka bumelat.
Hehe edi ako na masama.
Patalon talon akong naglalakad patungo sa aking room. Wala eh, happy lang. Tsaka di na masakit ang mga kasu-kasuan ko kaya malaya na akong makapagsegway. Jk.
YOU ARE READING
Contract Girlfriend Of Mr. Mafia Boss (ON HIATUS)
ActionSa susunod, wag nang makibirthday kung ayaw mong maging Contract Girlfriend sa isang iglap ng isang Mafia Boss. ©KarenSaeng (Started June 12, 2015)
