Concert part 2

12 1 0
                                    

Rayne POV

Lumakad na kami papuntang pwesto namin, si Kyle dala dala yung DSLR ko at light stick. Ayoko nang magdala ng banner masyadong hassle.

"BABY, WAIT." sigaw ni Kyle, pero di ko pinansin at tumakbo na lang ako. Pero nahabol ako ng mahahabang legs niya at hinawakan yung kamay ko. Kung di lang kami best friends baka pagkamalan kaming mag syota ng baklang to, nakakababa ng uri, ewww. 

Pagka rating namin sa VVIP  nagwala na ako, makikita ko na ulit ang mga asawa ko. waahhhhh shemas gustong magwala ng puso at atay ko.

Hindi pa nagsisimula ang concert ehh puro hiyaw na ang mga ka uri kong fangirls. At itong kyle ay umiiling na lang pero feel na feel ang paghawak sa mga kamay ko. Bakit parang mas malambot pa kamay neto kaysa sa akin , ngayon ko lang napansin? Hindi naman tamad, kasi tsismiss sa akin ni tita (nanay ni kyle) tinuturuan niya ng gawaing bahay si kyle. Ayy naku baka talaga bakla to? Moisturizer siguro ang stock niya sa bahay nila. makapunta nga at mag inspect.

Kyle POV

"Ui tignan mo oh. napaka supportive na boyfriend, gwapo na , sweet pa, saang lotto outlet kaya tumaya si ate at jackpot na jackpot siya sa boyfriend niya?" Narinig kong sabi ng babae na likod namin. kung sana lang ganyan din ang naiisip ni baby. haiist.

Rayne Pov

Well 1 minute na lang lalabas na ang aking mga asawa, shems, countdown na.
"Waaaahhhhhh! Go lulubabes!!!!! Go Xiubaby!!! Go Kailoves!!!" Sigaw ako ng sigaw dito with matching talon talon pa.

"EXO! EXO! EXO!........." Chant ng mga tao rito.

Pagka tapos ng limang karumaldumal na sayaw at kanta nila na diretso. nag off yung ilaw. At solo na ni Lulubabes, lumabas siya na may dala dalang isang rosas. nag simula na siyang kumanta ng "Baby Don't Cry"
🎤🎶🎶🎶🎶🎶
Ni jiu bie zai you yu le hao ma
jiu qing na chu wo de xin zang
na xiang yi dao hen ci yan de guang mang
lian ye de yue guang ba yan jing guan shang
Ru guo bu shi wo shi bie de nan ren
ru guo zhi shi xi ju li mian de yi ju hua
shao gan le jiu ba, wo yuan he ni de ai jiao huan shang heng

🎼🎶🎶🎶Baby don't cry, tonight dang hei ye zai ci liang qi lai
Baby don't cry, tonight jiu dang zuo mei fa sheng guo yi yang
Ni yong yuan dou bu hui hua cheng xiang pao mo yi yang
Nan dao ni bu zhi dao ma
So baby don't cry, cry wo de ai shou hu ni bu fen kai...

Nag karoon ng spot light sa mga audience, pero sa gulat ko tumapat sa akin yung ilaw.

Bigla na lang akong hinila ng mga lalaki. Pero hinawakan ni Kyle yung kamay ko, at parang ayaw niyang bitawan "Baby?" Sabi ko, binitawan rin niya ang kamay ko pero biglang umiwas ng tingin. Gusto ko sanang tignan an tanungin si Kyle kung ano ang problema pero sinabi na sa akin ng mga lalaki na dumeretso sa stage.

Naka upo sa bench na props si luhan, sa baba nun ay may mat na parang sa picnic, at yung back ground ay parang stargazing sa isang open space sa taas ng bundok.

Pagka apak ko sa stage hinawakan ni Luhan yung kamay ko at ginaya sa mat, pina-upo niya ako at binigyan ng unan. nilagay ko yun sa lap ko. kumakanta pa rin siya.  Nagulat na lang ako ng humiga siya sa lap ko. Nag freeze yung buong katawan ko. nagstop na siyang kumanta at biglang lumabas yung ibang members ng EXO para ituloy yung kanta ni Luhan.

Kinuha ni Luhan yung kamay ko at hinaplos sa buhok niya. Dahil sa lutang pa rin ako di ko namalayan hinahaplos ko nang mag isa yung buhok niya. Kinuha niya ulit yung kamay ko at binigay niya yung rose.

Shemas favorite rose ko to.

Natapos yung kanta dumeretso na kami sa back stage ulit. Nagaalala ako kay Kyle baka umuwi na yun mag isa o kaya na rape na siya ng ibang fangirls virgin pa man din yun. Tapos masyado rin siyan inosente sa ganung bagay kumpara sa fangirls.

Nabigla na lang ako ng may pumisil sa kamay ko "Are you thinking about what happened earlier? Or are you thinking about that best friend of yours? Please don't think about other guys when I'm with you."

"Can I go back there now? Kyle is not used to crowds, I can't just leave him behind." Sabi ko

"Can you please stay here and choose me? After this I don't know when can I hold you like this, and hug like this. But for him, after this I am sure he can see your beautiful face everyday and hug you everyday, just thinking about that, it's slowly killing me. " niyakap niya ako ng mahigpit. Gusto ko mang mag stay pero may kaibigan pa akong nawawala sa loob. Kargo ng konsensya ko pag napahamak yun. Kaya kumalas na ako, nung tinignan ko yung mata niya parang ang helpless at nag peplead na magstay ako. Pero kahit balahura ako madalas pagdating sa mga kaibigan ko inuuna ko parin sila kesa sa paglalandi ko.

"I'm sorry but I have a friend that is waiting for me." Umalis na nga ako at hinanap si Kyle sa loob. Pero yung tangang yun hindi ko na makita sa pwesto namin, kaya lumabas na lang ako. 

Nasa labas pala siya nakaupo. Lumapit ako sa kanya at binack hug ko siya "baby." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin

"Baby naman eh." Sabi ko ulit

"Doon ka na sa mga idol mo. Sa isa nga wala na akong kalaban laban sa labing dalawa pa kaya!? Doon ka naman masaya diba. Hayaan mo na ako dito." Nasa MMK ba kami? Ang drama niya, anong nakain ba neto.?

"Ano ka ba kahit mahal ko sila, mas mahalaga pa rin sa akin yung friendship natin, huwag ka ngang madrama. Sige babalik na lang ako doon at sasama na lang ako sa kanila. Yun ang gusto mo diba?" Sabi ko.

"Hoy baby sinong nagsabing gusto ko yun. Halika dito, akin ka lang." Niyakap na niya ulit ako. Bipolar talaga to. Patampo tampo pero di rin lang ako matiis.

Pauwi na kami. Di ko na pinatapos yung concert, sayang nga eh. Itong bakla sa tabi ko kase, ayaw na raw niya sa loob at pagod na siya. Kahit anong pag dadrama at pang bablack mail ko sa kanya wala na siyang pakealam, basta raw umuwi na kami.

Malapit na kami sa bahay ng may nag text si Luhan.

"Are you still here? I'm waiting for you backstage. Please come here."

Hey, Idol!Where stories live. Discover now