The 1st Bestfriend "Kyle"

22 3 1
                                    

Anak ng pitong puting tupa tong lalaking to.

"Rayne.?" Tawag sa akin ni Kyle.

"Pucha naman Kyle. Andun na eh. Isang push na lang tulog na ako. Alam mo bang nag jogging Ako kanina sa airport tapos nawala Ako kaya kung may salitang exhausted sa vocabulary mo. please, intindihin mo ako." paliwanag ko sa kanya.

"Okay." may puchang kabaklaang lungkot sa boses niya. kaya nakonsensya ako. yaman din lang na ginulantang Niya ang pamamahinga ko paparusahan ko na lang siya.

"Kyle?" Tanong ko

"Yes?"

"Diba mahal mo Ako Kasi best friends tayo?" Malumanay kong turan..

"Oo naman no. Ikaw ang pinaka mahal kong best friend." sagot Niya. niloloko ba Ako ng taong to eh Ako lang ang best friend neto. Nagtataka nga Ako kung bakit wala siyang lalaking best friend. impossible namang Bakla ilang beses ko ng chineck at inistalk itong taong to Pero hindi talaga. Si Luhan malaki chance nun Pero itong nilalang na to walang chance. Gwapo din tong isang to, kamukha ni Aaron Yan. Pumapang abs din tong lalaking ito.

"Kung mahal mo Ako Di mo Ako hahayayaang mapahamak Diba?"

"Oo naman."

"So sasamahan mo Ako sa EXO concert?"

"Baby(tawag namin sa isa't isa), alam mo namang ayaw ko sa Kpop. allergic Ako dun."

"P-Pero sabi mo kanina Di mo Ako hahayaang mapahamak. Paano na lang kung marape Ako Diyan sa kanto?"

"Safe itong place natin. Zero crime rate." sagot Niya

"Eh paano kung may mangidnap sa akin. kung may sumagasa sa akin? Kung magka allergy Ako sa concert?" Tinignan ko Siya gamit ang nakaka awa kong mata.

"Okay fine. kung Di lang Kita labs naku, who you ka sakin."

"Alam ko naman na labs mo Ako eh." sabay ngiti ko sa kanya.

"Yang mga ngiting yan. Alam mo bang maraming nainlab diyan Nung high school tayo?" Tinignan ko naman Siya ng confuse look. pinagsasabi ng taong to eh wala nga akong manliligaw ni walang nag kakacrush sa akin Nung high school.

"Naka drugs ka baby? Wala ngang may gusto sa akin noon ni wala ngang lumilingon sa faslak ko." Umiling-iling pa siya.

"Alam mo ba na nagbanta si Tito(Dad ko) sa buong school na kahit isang lalaki lang na tumitig sayo eh maki kick out?" Sabi niya

"Talaga? bakit Di Ako informed? kelan mo pa to alam?" Tanong ko ulit.

"Nung sinabi Niya sa buong school. Diba wala ka dito Nung first day ng high school kase nasa Japan ka? Dun sa first day na yun dun nagbabala si Tito. Buti nga Di Ako pinagbawalan na lumapit sayo."

"Bakit Di mo sinabi?"

"Kase sabi ni Tito, pagbabawalan din Niya akong lumapit sayo pag sinabi ko sayo. kaya Kahit gusto kong sabihin pinigilan ko. Mas mahirap mawalay sa best friend ko." sabay yakap at kiss sa cheeks ko.

"Heh. kadiri ka baby." sabay punas sa pisngi ko. Naalala ko si Luhan, mashare nga.

"May chismis pala Ako Baby." Sabi ko

"Ano yun?" Sagot Niya

Huminga akong malalim sabay sigaw ng "Aahhhhhhh. NAKITA KO SI LULUBABES, AT NAGKISS PA KAMI." Kumunot naman siya.

"Maria Rayne Ann Molina? Bakit mo hinayaang mamolestya ka Niya?"

"Baby, hindi kaya Ako pa ata ang nangmolestya sa  kanya eh."

"Pero Kahit na Buti na lang Ako yung first kiss mo."

"Puta ka. Huwag mo ngang ipaalala yang karumaldumal na ginawa mo sa akin." sabi ko sabay tadyak

"Baby "natin" ginawa natin."

Tinakpan ko yung tenga ko at,
"Lalalalalalalalalalala. wala akong naririnig"
Tumawa naman siya " Nakakainis ka, Ikaw kaya ang humalik sa akin."

"Ms. Molina, hindi mo Ako tinulak."

"Nandidiri talaga Ako pag naaalala ko yun. Nightmare ughhh. bwisit ka"

"Labyu too bebe. ikáw 14ngs zhaphat na. I lov3 u b3nt3 tr3ś." Natatawa talag Ako pag nag tratransform siya sa jejemon niyang kaluluwa.

"Shaddap, Basta sasamahan mo Ako bukas okay? Labyu" sabay tadyak ulit at ngayon nahulog na siya. Pero makapal talaga taba niya, bumalik ulit sa Kama ko

"Oo na. Geh sleep ka muna baby. babantayan kita." sabi Niya

"Mandiri ka nga. mawalang galang na lang Pero lumayas ka na."

"Ayaw" sabay pout ng lips.

"Kadiri yang bibig mo."

"Ayaw pang aminin na gusto mo akong ikiss. Di naman Kita pinigilan."

"I'd rather die. Basta gwapo si lulubabes."

"Di hamak na Mas gwapo Ako dun May abs pa."

"Kadiri ka ni unggoy nga magagalit kapag kinumpara ka sa kanila. manalamin ka nga. yaman yaman mo eh."

"Hahhahah patawa ka."
After 5 mins na katahimikan natulog na ako.

Andito nanaman sa panaginip ko si lulubabes. ibitay ko dito ito eh.
------

Inaantok talag Ako hahhaha. bukas ulit concert na

Hey, Idol!Where stories live. Discover now