Dahan-dahan akong lumapit sa table niya. I was just about to greet her nang lumingon siya sa 'kin. "Hay naku, Zades. Di ba sabi ko sa 'yo galingan mo ang stealth moves mo? Wala pa ring pinagbago eh!" she said, grinning.
"Ate Anya oh my god!!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Intense talaga ang pagkamiss ko sa kanya! We hugged each other for like two minutes before letting go. Holy shit, mas gumanda siya ngayon! Ito ba ang epekto ng hangin at tubig sa California?
Ako lang ang nagkwento habang kumakain kaming dalawa, mostly org and acad stuff. Attentive naman siya, nakikitawa at nakikihampas, kaso hindi siya nagkukwento ng mga ganap niya for the past months. Siguro kasalanan ko rin 'yon, ang daldal ko kasi! Sinakop ko airtime niya! (Sinisisi ko yung pagkain ng restaurant. Sa sobrang sarap napadaldal ako!)
We went to Starbucks after lunch, a thing na nakasanayan naming dalawa before. Siya nga ang nag-introduce sa 'kin sa Starbucks and coffee shop world! Did I mention na siya ang nagrecommend sa 'min ni Kesh kay Sir TJ para maging barista sa Café Feliz? Ako talaga ang maraming utang sa kanya eh!
Kaso nanibago ako sa kanya. Instead of going inside the café, sa smoking area kami pumwesto after niyang umorder.
Taking out a pack of cigarettes and lighter, she turned to me and asked, "Do you mind?"
"Oo naman ate! Ano ka ba!" Pero deep inside nagulat ako. She hated smoking. Galit na galit nga siya dati kapag nagyoyosi si Kuya Lee. Tapos siya.. oh wow. Parang gamay na gamay na niya ang pagyoyosi! It was so fascinating to see her smoke. Never kong inimagine na makikita ko siyang ganito.
"Uy Zades, sorry ha," natatawa niyang sabi sa 'kin. "I picked this stupid habit from a colleague. Kailangan ko kasi ng stress reliever before and ito lang yung accessible so.. yeah." She sucked the cigarette again, inhaled, then exhaled. Ang.. weird talaga. "Kinain ko rin yung rants ko years ago, no? In fairness kasi, nakakagaan ng pakiramdam."
I busied myself with my frappe and cheesecake, at pinanood ko siyang ubusin yung stick. "Okay lang yan, Ate. I really don't mind. Medyo nasanay na rin naman ako kay Dan eh. Isa pang grabeng magyosi 'yon!"
"Really, that guy? I thought he already quit?"
I shook my head. "Asa pa. Stressed siya dun sa trabaho niya sa network nina Andreau. Ayan tuloy."
"Eh si Andreau ba, bumigay na sa nicotine temptation?"
Ilang taon na kasing pinipilit ni Roldan na maging full blown smoker na ang best friend niya. Ayaw talaga ni Andreau, though he smokes occasionally. "You know Andreau, he's too stubborn. Four sticks pa lang siya this year."
Ate Anya rolled her eyes dramatically. "Ano ba yan, Andreau's no fun already! First he gave up drinking, tapos the cigarettes!"
"Hoy, umiinom pa rin siya! Kaso madalang lang ngayon since busy siya sa thesis. Self-imposed liquor ban ang drama niya lately!"
"So Zades.. kamusta na pala kayo ni Andreau? Is there anything I must know? Anything you can share?" she asked, a playful smile hanging from her lips.
I groaned, making Ate Anya's brow quirk up. "Ganun pa rin. We're close friends now, unofficial assistant niya ako sa thesis niya and.. yeah, we're friends." Hindi ko masabi na best friend ko si Andreau at sinabihan ko siya ng I love you nang hindi sinasadya. Kamusta naman ako?
"Yun lang? Seriously?" she exclaimed , completely disappointed. Nang tumango ako, binato niya ang yosi niya sa ashtray. "My goodness, that guy! He's too fucking slow!"
"God, please not you, too. Wag niyo na kaming i-pair together! Okay na kaming ganito oh!"
"Tatandang binata yang si Andreau kung ganyan siya kabagal. My god, forever na siyang makukuntento sa porn subscriptions niya!"
ESTÁS LEYENDO
The Spaces In Between
Ficción GeneralThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...
[42] The One With The OTP
Comenzar desde el principio
