"What?" he choked out. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "I'm your.. best friend?"
Pulling away from him, I replied. "Uuhh.. bakit, bawal ba? Okay, alam kong mahina ako sa social cues minsan pero bawal ba kitang maging best friend dahil may best friend kang iba?"
Ano bang meron sa sinabi ko at gulat na gulat pa rin si Andreau? Masama na bang magsabi ng I love you ngayon? Pasalamat siya at sinabi ko sa kanya 'yon ha! I don't say I love you lightly! Fine, it was just a slip of tongue pero totoo naman at pinaninindigan ko 'yon!
Andreau just stared at me for awhile as if he was figuring me out. He gave a small, resigned smile then. I couldn't tell kung malungkot ba siya o.. ewan. That was the second time I saw him smile na hindi umabot sa mga mata niya. It weirded me out. "Wala namang ganung rule, Zades. I can be your best friend," sabi niya.
"Weh? What if nagjojoke lang ako?"
"Nah. You already said it. You love me as your best friend. In very platonic circumstances?"
Okay bakit pa niya kailangang sabihin 'yon? "Yep. In a very very platonic circumstances, Francisco. Teka, bakit ba gulat na gulat ka dyan ha? Never bang nag-I love you sa 'yo si Roldan? Talaga bang magbest friend kayo?"
He laughed. "Only when he's drunk."
"Oh god. Is it bad that I want to see that live?"
Tumatawa pa rin siya nang lapitan niya ako. He threw an arm around me and hugged me close. I automatically rested my head on his shoulder. "Zades?"
"Hmm?"
"Don't ever change, okay?"
Wala namang weird sa sinabi niya pero nabother ako doon the rest of the day. Did I make things weird between us kasi nag-I love you ako sa kanya? O sadyang ino-overthink ko lang 'to?
**
SATURDAY AFTERNOON
Hindi kami nagkita ni Ate Anya sa alumni homecoming ng org namin two Saturdays ago kasi.. hindi naman siya pumunta. Ineexpect ko pa naman na makakapag-usap kami noong araw na 'yon. Sobrang miss na miss ko na kasi siya! Sina Ate Anya at Kuya Lee ang tinuring kong "college parents" eh. Kung hindi dahil sa kanila baka napariwara na ako nung freshman year. Speaking of Kuya Lee, nabalitaan ko from Roldan na okay daw ang trabaho nito as a teacher somewhere sa South. Kahit sobrang curious ako kung saang school siya nagtuturo, hindi ko na tinanong kay Roldan. May reason naman siguro kaya siya nagtatago. I respect that.
Wala rin akong clue sa totoong reason kung bakit no show si Ate Anya sa alumni homecoming. Sabi ng president namin nasa California pa raw si Ate Anya for work, hindi raw ito nakapagleave agad. I'm sure hindi lang ako ang nag-isip na baka ayaw lang ni Ate Anya na maintriga about sa breakup nila ni Lean. Tanggap ko naman kung 'yon talaga ang reason niya eh. Mas okay na wala siya doon kesa gawing Minutes with Beau Perez ang alumni homecoming namin.
But to my surprise, tinawagan ako ni Ate Anya this Saturday morning. Two days na raw siya sa Pinas at gusto raw niya akong makita. Ang laki na raw ng utang niya sa 'kin so ililibre niya ako ng lunch/merienda. She'd said the magic word "libre" kaya pumayag na ako.
Sa isang restaurant somewhere in Morato kami nagkita ni Ate Anya. Hindi ko sinabi kay Andreau na lakad ako for two reasons: he's not my keeper and I know aatakihin lang siya sa puso pag nalaman niyang nagtaxi akong mag-isa. (Seriously, lumalabas ang litid ni Andreau kapag taxi ang usapan namin. May bad experience ba siya sa taxi kaya ganun siya makareact? Hmm..)
Hindi ko nga namukhaan si Ate Anya nung pumasok ako ng cafe eh. Nasanay kasi akong lagi siyang nakajeans at simpleng blouse or t-shirt. Kaso ngayon.. akala ko kung sinong model na nakasuot ng maxi dress! December na ha! At yung buhok niya na dating mahaba, straight at black? Shoulder length na ngayon na medyo curly at brown.
YOU ARE READING
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...
[42] The One With The OTP
Start from the beginning
