"Really? You two aren't dating?" Muntikan nang lumabas sa ilong ko yung iniinom kong milk tea. Ako lang ba 'yon o talagang relieved si Pipo na hindi kami nagdi-date ni Andreau? Bigla kasing lumiwanag yung mukha niya eh, as if nabunutan siya ng tinik sa puso or something. So weird.
Hindi ko na lang pinansin yung tono ng boses niya. "Uhh.. yeah. We're not dating. Andreau and I are just friends. Really close friends."
Wagas naman siyang makangiti sa sagot ko. Okay, that was so freaking weird. Siya pa lang ang unang tao na nakilala ko na natuwa na hindi kami "couple" ni Andreau. (Wala pa naman akong namimeet na Dreauster na hater ko in flesh so I'm not counting them.) Hindi ko tuloy alam ang dapat kong maramdaman doon. Ang weird.
At dahil hindi ko kinaya ang weirdness ni Pipo, I declined his offer na ihatid ako sa dorm. Hinintay ko na lang na matapos ang shift ni Kesh sa Cafe at sumabay sa kanya pauwi.
So. Weird.
**
If Andreau made things between us weird (o ako lang talaga ang nag-iisip non), trust me to make things even weirder.
How?
May sinabi lang naman akong tatlong salita.
*
Maganda ang pagpasok ng second week of December para sa 'kin. Nagkaroon ako ng free Tuesday afternoon, which was a rare one since T-Th ang pinakaloaded days ko. Wala pa ring Tila shoot dahil nasa Hong Kong si Kami for some personal thingy (na hindi ko na tinanong kina Andreau or Eddie. Baka makarating pa kasi kay Kami na chinichismis ko siya.)
Anyway, I used my vacant time to visit Tristan sa Skyline. Afternoon session kasi siya so kailangan ko pang maghintay ng halos dalawang oras bago siya makauwi. Kay Ms. Marisse ko lang sinabi na pupunta ako para masurprise ko naman si Mr. T. I even bought him his favorite cupcakes from the cafe, and an extra box just in case biglang makiepal si Andreau.
(Speaking of, medyo okay na kami ni Andreau after kong magtampo sa kanya nung Friday. Tinawagan niya nga ako that night at nagpakwento about sa docu. Nainis pa nga siya sa 'kin kasi halos wala siyang nakuhang maayos na information sa 'kin. Ayaw niya ring isend ko sa e-mail niya ang notes ni Pipo. Siya na lang daw ang bahala na gumawa ng paraan para mapanood niya 'yon. Okay kaming dalawa, tinawanan niya ang lame jokes ko and that's already a good sign.)
So there, thanks to my spare key, nakapasok ako sa unit nina Ms. Marisse at naghintay doon for like two hours. In fairness, namiss kong hintayin si Tristan dito ah! I spent my time staring at the Christmas decors around the house. Ibang klase talaga ang attention nina Ms. Marisse at Mars sa details ha! Ang ganda ng red, gold and silver theme nila this year! I bet ifi-feature nila ang unit sa isang Wanderlust Christmas special kaya bongga ang decors!
May isang bagay lang akong napansin. Walang mistletoe. Very good.
Eventually nabore na ako, so binuksan ko ang TV kahit wala akong gustong panoorin. Binuksan ko na rin ang wifi sa phone ko para magcheck saglit ng e-mail. (Ugh, e-mail person na ako ngayong college. Tumatanda na ata talaga ako!)
My heart skipped two beats when I saw the first unread e-mail on my inbox.
Galing sa terror prof ko. Tapos na niyang basahin ang papers namin.
Holy triple shit. Ano kayang grade ko!?
Sobrang confident pa naman ako nung ine-mail ko sa kanya ang paper ko two weeks ago. (Ayaw niya ng printed works, sayang daw sa papel.) Hello, information overload na nga ako sa mga binigay ni Andreau eh! Mga 15 pages din ang nadagdag ko sa paper ko, na medyo binawasan ko pa kasi baka sabihan niya akong masyadong know-it-all.
YOU ARE READING
The Spaces In Between
General FictionThe thing with Valentine's Day is, either you hate it or you love it. And Zade Pascual definitely belongs to the first category. Para sa kanya, isang araw lang ito ng commercialized version ng pag-ibig. Walang kakilig-kilig at napakalayo sa true lov...
[42] The One With The OTP
Start from the beginning
