[42] The One With The OTP

Comenzar desde el principio
                                        

Andreau turned to me, smiling, but it didn't reach his eyes. "Actually ibibigay ko lang sa 'yo 'tong tickets. I can't go with you today, Zades. I'm sorry."

Nanlumo ako sa sinabi niya. Siya pa naman yung dahilan kaya ako manonood nito! "Pero.. bakit nga?"

He sighed. "Emergency meeting ulit. The China thing. I'm really sorry, Zades. Papunta na ako dito nung nasabihan ako. Don't worry, maeenjoy mo yang docu, okay? Kwentuhan mo na lang ako. It will be great. Promise."

Hindi ko talaga napigilang sumimangot nung inabot niya sa 'kin ang dalawang ticket. Masama ba akong kaibigan kung sasabihin kong medyo hindi ako naniniwala sa reason niya? Ibang klaseng magfanboy si Andreau. Witness ako niyan kapag nanonood siya ng fandom-related things niya. This film showing really meant a lot to him tapos.. Ugh. I couldn't understand him!!

"Hey. Zades, come on. You'll enjoy it. At least you're not alone," he assured me one last time. Hinawakan pa niya ang kamay ko bago siya umalis.

Masama ba kung siya talaga ang gusto kong kasama na manood? Hay, life.

*

Well.. Okay namang kasama si Pipo na manood ng movie. Tahimik lang siya, minsan kinakausap ako pag may comments or questions siya. In fairness, sobrang attentive rin niya sa details. Naloka ako at nagnotes pa siya habang nanonood.

Ako? Honestly, nawalan na ako ng interest sa docu. Mukha pa namang interesting kaso.. naah. Badtrip ako kay Andreau. I guess he's having his monthly version of PMS at ako pa ang nasampulan non. Instead of focusing on the docu, tinadtad ko siya ng texts messages, mostly puro emojis lang. Gusto ko kasing ipaintindi niya sa 'kin kung bakit biglang nagbago ang desisyon niya. Hello, kung papipiliin ako between Day of the Doctor (Doctor Who's 50th anniversary special) or umattend ng meeting, aba gagawin ko na lahat para lang mapanood ang favorite ko. Screw the meeting! Pwede namang isend sa e-mail ko ang minutes of the meeting!

After manood ng docu, niyaya ako ni Pipo na kumain ng burgers sa favorite place namin ni Andeau. Tumanggi ako. Aba, ayoko ngang kumain ng kahit anong magpapaalala sa 'kin kay Andreau! (Of course I didn't tell him that. Sinabi ko na kakagaling ko lang doon the other day at masama sa diet ko ang calories. Ugh, hindi talaga ako magaling magsinungaling!) So bumagsak kami sa isang milk tea place malapit sa Cafe Feliz. Medyo sumaya naman ako nang ilibre niya ako. I'm not a milk tea person (coffee all the way yay!) pero tinry ko ang chocolate milk tea nila, which was surprisingly good.

Ako na ang nag-initiate na pag-usapan ang docu, para naman may mailagay ako sa paper ko. Hindi niya ata napansin ang motive ko dahil todo kwento naman siya sa 'kin. Ang masaya pa, he e-mailed me his notes! Hah ang ganda ko talaga! Actually, hindi lang naman 'yon ang motive ko. Ayaw ko lang na pag-usapan namin si Andreau for two reasons. One, naiinis pa rin ako kay Francisco. Two, ang awkward lang.

Eh badtrip, he was the one who opened about the Andreau topic. Ugh.

"Nga pala Zade," sabi niya sa 'kin habang inuubos niya ang blueberry pie niya. "Pakisabi naman kay Andreau na thank you for the tickets. I really needed that to pass the subject." First sem next year pa kasi makakagraduate si Pipo. Ewan ko ba rito, masyadong focused sa frat niya kaya nadelay na!

"Ah.. sige, I'll tell him later."

"Sorry nga pala ha."

"Huh? For what?"

Pipo stopped eating, and looked straight at me. "Umepal ata ako sa date niyo kanina. Hindi ko naman alam na kasama mo siyang manono--"

"Sus, ano ka ba. It's nothing. At lalong hindi date yung kanina," I spat out a bit bitterly than I intended. Okay, ampalaya girl. Kalma. "And hello, we're not dating. Hindi totoo yung mga blind items about us. Kaloka."

The Spaces In BetweenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora