[42] The One With The OTP

Start from the beginning
                                        

Akala ko hindi niya ako papansinin eh. Pipo striked me as this charismatic guy na may secret suplado side. Yeah, he's definitely a sanguine like me, pero basta, feeling ko suplado siya. So wala akong ginawa para pansinin siya. I stood a few meters away from him at naglaro na lang ako ng random game sa phone ko, hoping na hindi niya ako mapansin.

But lo and behold, he did notice me. Hindi pa nga ako nakakalagpas ng Level 1 sa game ko nakarinig na ako ng Zade? Is that you?

It turned out na parehas kaming may Phil Lit this sem, same professor but different schedule. And just like me, nakalimutan din niyang bumili ng ticket earlier this week dahil busy siya sa pag-aasikaso sa finals ng frat nila.

"Ikaw ba, may ticket ka na?" tanong niya sa 'kin. "Mukhang wala na atang pag-asa 'tong ticket line eh. Do you think may mapagdodownloadan nito sa internet?"

"Ah. Si Andreau bahala sa ticket ko. We're watching this together. Sobrang excited siya for this docu for some strange reason," I sighed, taking a sneak peek at my watch. Ilang minuto na lang kasi bago magpapasok sa loob ng auditorium, and I know na ayaw ni Andreau na umupo sa panget at side seats. (Gusto talaga niyang umupo sa middle row, center.) "Itatanong ko na lang sa kanya kung may download something 'to. I might need it too."

Pipo fell silent after I answered his question. Did I say something wrong? Kung nainis siya sa pagmention ko kay Andreau.. aba ayusin niya ha. Walang ginagawa yung tao sa kanya!

As if on cue , (and thank you Lord) I heard my phone ringing Obey! Obey! Obey! It's Andreau. Finally!

Nasaan ka na ba? Ang tagal mo ha. Don't blame me if hindi mo makuha yung gusto mong seats!

Whoa. Chill, okay? Kakapark ko lang. Where are you?

Sumilip ako sa labas ng Insti, and I instantly spotted his red Dodge (seriously, 'yon lang ang super red car sa parking lot!). Seconds later nakita ko na rin siya na palakad papunta sa building.

At ang bwiset, manonood lang docu kailangan pang nakaporma! Dark jeans, gray sweatshirt and Chucks. Hindi naman maaraw pero naka-sunglasses pa?

Come on, Andreau Cortez. Life isn't a photoshoot!

Binilisan niya ang paglakad niya nang makita ako sa gilid ng lobby. I swear I heard the people around me whispering things. Hah, sorry na lang sila! Sa akin siya papunta!

"Hoy ba't ba ang tagal mo?" salubong ko sa kanya. He shot me his I'm not really apologizing but yeah okay na rin smile. "Naihi ka ba sa sobrang excitement or something?"

"Oh shut up. Si Roldan ang sisihin mo kung bakit ako late. I swear that gu—" he stopped in mid-sentence. Bigla na lang kumunot ang noo niya at nawala ang ngiti niya. He was staring at something behind me and..

Oh. Oh. Holy shit.

Si Pipo nga pala. I totally forgot him.

"Philip," Andreau greeted him in a clipped tone. Stoic Andreau mode siya bigla.

Swear to God, nag-iba talaga yung atmosphere sa Insti that moment. The once calm and excited atmosphere became testosterone heavy. Nilingon ko agad si Pipo.. and oh boy, parehas lang sila ng facial expression ni Andreau.

"Andreau," Pipo greeted back in the same manner as Andreau's. "I heard na manonood ka rin nito. Zade told me."

Umepal na ako sa kanilang dalawa bago pa magkaroon ng away. "Andreau, baka naman may alam kang pwede pang pagkunan pa ng ticket. May Phil Hist din kasi si Pipo and requirement namin sa class 'to so—"

"Uh actually he can have my ticket."

HA. ANO RAW.

"Weh?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Eh kanina lang sinabi niya sa 'kin na sobrang excitement niya! "Bakit? I thought excited kang manood nito! Ang daya mo naman eh!"

The Spaces In BetweenWhere stories live. Discover now