Tap... Tap...

Magsimula sa umpisa
                                    

"Si Annie..." medyo pabulong nitong sabi.

Napamulat na lang ako ng mata. Halatang nagulat si Congressman Inigo at napatayo ito. Napatingin kaming lahat kay Annie na saktong lalabas ng kwarto. Tumingin lang ito na gulat ang mukha.

**


Nasa labas ako ngayon ng hospital. Naguguluhan sa nangyayari. Napahinga ako ng malalim. Naalala ko pa yung usapan namin kanina. Mas lalo lang tuloy akong naguluhan.



Napatingin lahat kami kay Annie. Agad itong tumakbo palapit sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.

"Ma-Marcus... hi-hindi ako iyon," tumingin pa ito kay Pedro, "Di ba Pedro... ka-kasama mo ako nang mga oras ng aksidente ni Marcus?!"

Tumango-tango si Pedro,  "Oo boss, kasama niya ako kaya impossible na si Annie iyon."

Halatang pati si Congressman Inigo ay naguguluhan, pero bigla na lang nandilat ang mga mata nito at walang ano-ano'y tumakbo palabas ng kwarto. Agad naman itong sinundan ni Annie. Nagtiningan na lang kami ni Pedro.


Nagsimula akong maglakad-lakad sa paligid ng hospital. Pasok-labas ang ginagawa ko. Hinayaan lang naman ako ng mga doktor at nars kasi maayos naman ako. Pinapunta ko naman si Pedro sa kwarto ni Lucy para bantayan ito. Alam kong mayroon ng pulis na nakapaligid sa kwarto ni Lucy, pero mas magiging komportable ito pag mayroon ang isa sa amin doon... kung magigising siya ano mang oras. Di ko namalayan, medyo napalayo na ako ng hospital. Babalik na sana ako ng may makita akong pamilyar na mukha sa may kanto. Nakita ko itong may hawak na kape at halatang tinatakpan ang mukha. Si Annie. Napakunot-noo ako. Kanina pa ako nagtataka sa ginawa ng mag-ama kanina. Ano kaya ang binabalak nila? O kaya naman... ano ang gagawin nila? Dahan-dahan akong lumapit kay Annie na sa kabilang dako nakatingin. Agad ko siyang hinawakan sa braso pero nagulat ito at nahulog nito ang hawak niyang kape. Tumingin siya sa akin at namutla ang kanyang mukha.

"Annie... anong ginagawa mo? At sinong tinataguhan mo?" tanong ko dito pero bigla na lang itong hinimatay.

Buti na lang mabilis ang reflex ko kaya't nasalo ko siya. Agad ko siyang binuhat papuntang hospital. Takang-taka pa rin kung anong nangyayari.

**


Nasa kwarto na kami ng hospital. Pinahiga ko ang hinimatay na si Annie sa kama ko. Pinagmamasdan ko ang mukha niya. Medyo napapakunot-noo na lang ako kasi para bang may malaking pinagbago ang mukha niya. Para bang mas tumanda siya. Hinaplos ko ang mukha niya ng biglang pumasok si Pedro sa kwarto ko.

"Boss! Gising na si Lucy," hinggal niyang sabi pagkatapos ay mabilis rin umalis.

Susunod na sana ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa babae sa kama. Gising na siya. Namumutla pa rin.

"Sandali lang," mahina niyang sabi... pero kakaiba ang tono ng boses niya.

Mas lalong kumunot ang aking noo, "Sino ka?" ang unang lumabas sa bunganga ko.

Simula ng oras na iyon... alam ko di na si Annie ang kausap ko. Ang tono ng boses niya pati na rin ang masiyahin niyang aura... di ko maramdaman.

Naiiyak ito at agad akong yinakap. Humihingi ito ng tawad sa akin. Napahagulhol na ito sa akin. Mahigpit ang pagkakayakap nito.

"Papatawarin mo ako, sinabi lang kasi ni Mama... Hi-hindi ko naman kasi alam ang totoo..." sabi nito, mahina sa aking tenga.

"Baka may balak kang sabihin kong sino ka?" muli kong tanong, nakasimangot na ako. Ayaw ko itong nangyayari.

10 Days with Ms. Preggy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon