Tap... Tap...

4.4K 71 3
                                    

Day Ten


May 26, 20**


Dear Ma and Pa,

I'm travelling to Chicago later this night. I know this is a short notice but could you meet us in this hospital. I will give you the address later. I know this would be really inconvenient, but trust me, it's worth it. Please let Andrew tag along, he wouldn't want to miss this... he would be meeting his mother and his family. 

But in regards to everything, I know I have a lot of explaining to do.


Your son,

Marcus

**


Na-send ko na ang e-mail. Di ko sinabi sa kanila ang nangyaring aksidente sa akin o tungkol kay Lucy. Ayaw ko silang mag-alala. Kinuha ni Pedro and laptop na nakapatong sa aking hita. Nakaupo ako sa hospital bed at pakiwari ko'y nabaldado ang tingin sa akin nina Pedro. May bandage ang ulo ko. Sabi ng doktor, nawalan daw ako ng malay dahil sa lakas ng impact, pero ayos lang ako. Medyo nanakit nga ang ulo ko. Sa aking harapan, nakaupo ang isang babae at matandang lalaki. Hmm. Oo pala, dumating na si Congressman Inigo. At nasa harapan ko siya ngayon. Di siya ang inakala ko. Akala ko masungit at seryoso ito, pero pala-ngiti pala ito. May katabaan rin ito at kasingkitan. Mukha siyang tsinoy sa akin, kahit hindi naman. Nakangiti pa rin ito sa akin.


"O, hijo, nasabi mo na ba sa mga magulang mo?" tanong niya sa akin.

"Opo, siguradong pupunta sila," maikli kong sagot ng medyo i-adjust ko ang aking sarili sa pagkakaupo sa kama.


Naikwento na namin kay Congressman Inigo lahat... pati na rin ang tungkol sa pinaggawa ng asawa niya. Nagpasensya na lang ito. Halatang sobrang kinagulat niya ang binalita namin, pero natatakpan ito ng maamo niyang mukha. Kung pag-uusapan natin kung sinong sira ulo ang gumawa nito sa akin, hindi pa nila alam. Sabi ni Pedro kanina, itsetsek palang daw sa surveillance camera at ibabalita kung sino. Sa katahimikan, bigla kong naalala si Lucy.


"Kumusta na pala si Lucy?" tanong ko naman kay Pedro na nasa aking tabi.


Tumingin ito sa akin mula sa pagkakatitig niya sa cellphone niya. Nakita kong naglalaro siya ng Candy Crush Saga. Hmm.


"Ayos na daw siya boss," medyo huminto ito, "Sabi nila, medyo seryoso nga lang yung natamo niya. Ang balita sa akin, nakita daw sa surveillance camera na isang matandang babae daw ang humampas ng babasagin na vase sa ulo nito."


"Ma-matandang babae?" nauutal-utal na sabi ni Annie na kanina pa tahimik.


Medyo napatingin ng awkward si Pedro sa mag-ama sa aming harapan, "Oo, sabi nila si Mrs. Inigo daw iyon."

Katahimikan. Nawala ang ngiti ni Congressman Inigo. Napatayo naman si Annie at nagpaalam na mag-c-cr. Napakunot-noo na lamang ako. Bigla na lang nag-ring ang phone ni Pedro, napatigil sa may pintuan si Annie, bigla atang na-curious kung ano. May message. Binasa ni Pedro . Halatang nagulat. 

"Bo-boss, kilala na kung sino ang tumarget sa iyo," halata sa boses ni Pedro na hindi ito sigurado.

Mas lalong kumunot ang aking noo, ini-expect kong si Mrs. Inigo na naman iyon... pero...

10 Days with Ms. Preggy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon