Isa??? Annie???

6K 100 5
                                    

Day Five


May 21, 20**


Dear Ma and Pa,


While writing this e-mail, I am currently in a subway fast food chain somewhere in Luzon. I'm not practically sure where because my head isn't functioning well. It seems all I read are just straight blurry lines. I think this is the effect of travelling in a SUV for too long. Anyways, Ms. Pablo already informed me that basing with the information given to us, Andrew's mother's name is Isa Inigo. If they're not mistaken she is currently residing in Cagayan. So basically, that's the reason why we hit the road. 

Sorry, I think I need to cut my message. My head just hurts so bad. Sorry.


Your Son,


Marcus.


***


"Lucy," narinig kong sabi ni Ms. Pablo sa may likuran namin ni Pedro sa may SUV. Pinapaharurot ni Pedro ang sasakyan sa may highway since wala namang gaanong sasakyan ng mga oras na iyon. Tinignan ko siya sa may rear mirror, nagtataka bakit niya sinabi ang pangalan niya.

"Hm?" narinig kong kumento ko.

Tumingin si Ms. Pablo sa akin sa may rear mirror. Nagsalubong ang aming mata. Medyo napakunot-noo ako.

"Napansin ko," simula ni Ms. Pablo, "na lagi na lang Ms. Pablo ang tawag mo sa akin. Nakalimutan mo bang sinabihan na kitang Lucy na lang itawag mo sa akin."

Medyo ngumisi lang ako, akala ko naman kasi kung anong seryoso. Tumango na lang ako sa kanya at tumingin na sa labas ng bintana. At basta na lang, ang alam ko, nakatulog na ako at linipad na ang utak ko.


***


Tumagataktak ang pawis ko pagbaba ko ng SUV. Di ko inaasahan ang init ng lugar. Ilang oras rin yung biyahe namin at saktong mag-a-alas dose ng mga oras na iyon. Ramdam ko ang gutom at malaking pagnanasa na uminom ng isang tangke ng tubig. Nagmadaling hinatak ako ni Ms. Pablo... hindi, ni Ms. Lucy sa malapit na McDonalds na halatang de-aircon. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag pagkatapos kung maramdaman ang pagbulusok ng malamig na hangin sa aming pagpasok sa lugar. Hindi talaga ako sanay sa mainit na lugar. Lumaki nga ako sa malamig na lugar ng Mountain Province at sa malamig na estado ng Alaska. At ang mainit sa akin ay isang malaking HINDI.

"Ayos ka lang?" narinig kong tanong ni Lucy na siya namang pagsunod ni Pedro sa amin sa may Mcdo. Tagatak rin ang pawis nito kahit sanay na ito sa init ng Maynila.

"Maraming salamat," yun ang na-i-sagot kay Lucy habang nakatingin sa kanya. Pagkatapos ng ilang segundo ng pagtitigan namin, umiwas siya ng tingin, naiilang siguro. Pero napansin ko ang konting tinta ng pula sa magkabilang pisngi niya. Wala na lang akong kumento doon. 

"Kakain po ba kayo? May bakanteng table po doon," narinig kong sabi ng isang may katandaang babae sa amin, parang nasa edad kwarenta pataas.

Halatang siya ang branch manager ng fast food chain na iyon dahil na rin sa suot niya at maliit na clip sa may kaliwang chest pocket niya. Pinagmasdan ko ang pangalan doon. Demie. Para sa may katandaan, medyo weird ang pangalang Demie. Napa-iling ako sa isipan ko. Para tuloy siyang pabagets...

"Ah opo," sagot ni Lucy sabay hatid sa amin ni 'Demie' sa may bakanteng mesa. Umupo na kami agad at nagtanungan kong anong o-orderin. Pagkatapos makapili, ako na ang tumayo para mag-order. Pagpunta ko sa may counter, may kahabaan ang pila. Ayaw na ayaw ko talaga sa pila. Nang narinig ko na naman ang pamilyar na boses ni Demie.

10 Days with Ms. Preggy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon