TSDNO : Part 18 - True Feelings...

13.1K 428 10
                                    

Mark Pov :

"Is Ortega coming? Lagi nalang late yong taong yon. Fuck, he loves to see us waiting." ani Lance sabay lagok sa alak na iniinum. 

"Don't asked something if you already knew the answer. Alam mo namang laging late yon dumating. Malamang kasama na naman niya yong baliw niyang girlfriend." - Dwight

"Dami ngang nagbago sa kanya eh, mas naging babaero. Every week iba-ibang modelo yong kasama. Buti natatagalan siya ni Tricia. - Lance

"Not only that bro, the last time i checked mas naging masahol pa siya sa mga empleyado niya." - Dwight

"Yeah right! He changed into a monster. Dati dragon lang tawag ng mga staff niya sa kanya, ngayon monster na." natatawa ko namang sabi sa kanila.  Yan kasi yong narinig kung usap-usapan dun sa office. Oo, magkasama kami sa isang building dahil sa partnership ng company namin, pero magkaiba kami ng staff. Wala namang kwento dun na hindi nakakarating sakin. "He's a ruthless monster, bro."

Nagsipag-ilingan lang yong dalawa. Alam kong malaki ang kinalaman ng kapatid ko sa pagbabago ni Nick. Hindi man niya aminin sakin ng deretso, ramdam kong nasaktan siya sa pag-alis noon ni Ehm. Mula nga noon, ayaw niyang marinig man lang ang pangalan ng kapatid ko. Lagi syang umiiwas sa tuwing nasisingit ang pangalan nito sa usapan. Minsan nga bigla na lang magdadabog o di kaya biglang magpapaalam. Kaya naman, iniwasan na rin namin bumanggit ng kahit ano na tungkol sa kanya. Sa tagal naming magkakasama, alam na namin ang takbo ng bituka ng bawat isa. 

Tulad nalang nitong si Dwight. Isang taon siyang hindi nagparamdam samin. Akala nga namin patay na siya eh. Joke lang. Isang araw, nagulat nalang kami ng bigla siyang sumulpot dito sa bar ni Nick. Sa sobrang pagkamiss, nabugbog nga namin tong ugok na to. Idadahilan pang may inasikasong importante, eh alam ko namang umalis siya dahil nasaktan siya nung nalaman niyang nagkakamabutihan na si Nick at si Ehm. Sayang, kung sila na lang sana ng kapatid ko ang nagkamabutihan sana masaya na sila pareho. Ako pa kasi lokohin niya, style nya bulok. Pero sa loob ng isang taon na yon, alam kong unti-unti na siyang nakakamove-on sa kapatid ko. 

"By the way, is it true na babalik na daw si Ehm?" - Lance

"Yes." matipid kung sagot.

"After 5 long years, huh! Ano na kayang itsura ngayon ng baby ko?" - Dwight.

"Makababy ka naman Dwight. Pag-aari mo? Alam na ba ni Ortega na babalik na si Ehm." - Lance

"Not yet. For sure, wala naman siyang pakialam dun. He doesn't care. Ni ayaw nga niyang pag-usapan o marinig man lang kahit pangalan ni Ehm. Tsaka sa dami ng mga babae niya at idagdag nyo pa si Tricia, malabong mapansin pa niya si Ehm." ani ko. Sa totoo lang kinakabahan ako sa pagdating ng kapatid ko. Gulo to pag nagkataon.

" Are you guys talking behind my back again? Late lang ako, ginawa nyo na naman akong topic."

Napalingon kaming tatlo. He's here. Our monster friend.

"What took you so long, bro? Lagi kang late ah. Sang cave kana naman nagsususuot?" tanong ni Lance habang nakikipagfist bump kay Nick. 

"Personal business bro." sagot niya kay Lance. Tinapik lang niya kami sa balikat ni Dwight, bago siya umupo sa tabi ko.

"How personal? Pleasure or business?" deretsahang tanong ni Dwight.

"Both, I guess! Anong meron, bat biglang nagkaayaan.?"  - Nick

"Courtesy of Mark." sabay na bigkas ni Lance at Dwight.

Tumingin  silang lahat sakin.  Uminum muna ako bago ako sumagot sa kanila. "Anniversary ni Mommy & Daddy sa Sunday. You are all invited, isama nyo na mga date nyo kung meron man."

My Sweet Desire : Nickolo OrtegaWhere stories live. Discover now