TSDNO : PART 8 - Racing

15.9K 438 2
                                    

Ehm POV :

Sunday. This is the day that I've been waiting for. A rematch with Caide and Dwaine. I woke up early just to make sure na makakarating ako sa Antipolo before the call time. And I did it. Marami ng tao pagdating ko. Actually, halos lahat ng nandito adik sa drag racing. Drag racing is a very expensive game kaya lahat ng sumasali dito may kaya sa buhay. I've been into this game since my college days. At syempre, hindi yon alam ng family ko, alam ko namang di ako papayagan kapag sinabi ko. Noong nag-aral ako sa New York, mas lalo akong nahalina sa larong ito. I also entered a betting match against my friends. At bihira akong matalo. Naalala ko pa yong huling laban ko, two million ang napanalunan because of Dwaine and Caide. Hindi ko nga alam kong kusa ba silang nagpatalo o natalo ko lang talaga sila. They are fast racers at nauna sila sakin sa larong to kaya nakakaduda ang pagkatalo nila. I was looking for them ng may biglang bumangga sakin.



"Sorry." a husky voice said. Buti nalang mabilis ang reflexes ng lalaking nakabunggo sakin, kaya di ako natumba. I look at him. The guy stood tall. He had broad shoulders and a face that could launch a thousand ships. Deadly hot and gorgeous. Kung pagbabasehan ang itsura, halatang may sinabi ito sa buhay. Sa tinagal –tagal kong pumupunta dito sa race track, ngayon ko lang siya nakita. Baka bago lang siya. Di naman nakapagtataka yon kasi sumisikat na ang drag racing sa bansa."Did I pass?" nakangiti niyang tanong sakin. Natawa na lang ako.

"Obvious ba?" balik tanong ko sa kanya.

"Not much. By the way I'm Dale." Pakilala niya sakin sabay abot ng kamay niya.

"I'm Ehm."

"Ahmmm, nice name. Very unique, mahirap kalimutan."

"Thank you. Bago ka lang dito?"

"Yes. And I guess it's my lucky day today. Meeting a beautiful woman like you is once in a lifetime." Mas lalong lumapad ang ngiti niya. I blushed. I know my cheeks turns red. Kaw ba naman purihin ng harap-harapan. "You're blushing and it's cute.". Mas lalo ata akong namula sa sinabi niya.

"Oh, you're there!" bati samin ng kaibigan kong si Dwaine. Lumapit siya samin."I was looking for the both of you. Nalibot ko na buong race track, andito lang pala kayo. Wait, magkakilala na ba kayo?" tukoy nito kay Dale. Tumango lang ako.

"Yup, we bumped at each other." Dale said

"Ahm,okay. He's the one I've been telling you Ehm. My cousin who loves racing. Kakauwi lang niya from Canada."

"Ohh, siya ba yong the fast and hilarious cousin of yours." Sabi ko nalang. Naalala ko nga yong sinabi ni Dwaine na darating daw ang pinsan niya na isang sikat na racer sa Canada. Hindi ko alam na dumating na pala ito. Kung sabagay, halos dalawang buwan din akong di nagpakita sa kanila. Tinamad akong lumabas ng bahay mula nung bumalik si Nick. Hanggat maari iniiwasan ko din siya. Para kasing may mali, dati ako yong madalas niyang sungitan pero nung naglaon para nagiging mabait siya sakin at ako naman ang nagsusungit sa kanya. Lalo tuloy akong naguguluhan.

"Yup, the one and only." Pagmamalaki ni Dwaine sa pinsan. Napakamot naman ng ulo si Dale. Humble din ang isang to. Tahimik lang habang nagdadaldal ang pinsan niya. "May change of plan pala Ehm. Dahil nandito si Dale, siya na ang makakalaban mo."

Napanganga ako. International racer ang ipapalaban sakin ng mokong na to, syempre talo ako dito. Pang-local lang kaya ako. . "Are you crazy? Anong laban ko sa kanya? " sabay turo ko kay Dale.

Natawa naman si Dale sakin. "This is my first time na makipagkarera sa isang magandang babae." Parang excited pa nitong sabi. Napakunot noo nalang ako. "Don't worry, di ko gagalingan, slight lang."

My Sweet Desire : Nickolo OrtegaWhere stories live. Discover now