CHAPTER 26

352 23 2
                                        

KAEL's POV

Masakit pala.

Sobrang sakit pala.

Na makita mismo ng mga mata mo na may ibang nagmamay-ari na sa mahal mo.

Ako dapat yun e. Ako dapat ang nakakatanggap ng halik ni Vance at hindi ang babaeng yun. Sa akin lang siya dapat ng buong-buo.

Kung hindi lang ako naging mahina at nagpadala sa tukso.

Kami pa sana.

Masaya na sana kami ngayon.

Hindi ko mapigil ang sarili ko sa pag-iyak dahil sa sikip ng dibdib ko. Sobrang sakit ng dibdib ko.

Kinakapos na ako sa hangin dahil sa labis na pag-iyak.

"Bro......" Narinig ko ang boses ni Jackson na puno ng simpatiya.

Gusto kong magalit. Gusto ko siyang sisihin kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang lahat ng tungkol kay Vance pero wala na akong lakas.

Alam ko rin naman na hindi siya nagkulang sa paalala sa akin pero ako itong gago.

Kasalanan ko lahat. Siguro nga nararapat lang na mangyari 'to sa akin.

Umupo si Jackson sa semento at nakita ko pa ang pagpahid niya sa mga luha niya.

"Alam ko may naging kasalanan din ako. Tatanggapin ko kung magagalit ka sa akin." Aniya.

"Gago ka." Mahina at humihikbing sumbat ko.

"Pero mas gago ka. I tried to save your relationship with Vance but you didn't listen to me." Sabi ni Jackson at wala naman akong maisagot kasi tama siya e.

"Binigyan ka na kasi ng second chance. Nakuha mo na siya for the second time pero pinatalo mo pa rin." Napabuga ng hangin si Jackson na para bang naninikip ang dibdib niya.

"Anong dapat kong gawin bro? Mahal ko si Vance. Sobrang mahal na mahal....."

Napahagulgol ulit ako at naramdaman ko na lang ang mga tapik ni Perseus at Jayden sa likod ko. Nakaupo na sila sa tabi ko habang si Noemi ay nakatayo at hawak ang kamay ni Perseus.

"Wala ka ng magagawa Kael. Mag-move on ka na lang at sundin ang huling bilin ni Vance." Prangkang sagot ni Noemi sa akin.

"Sshh love. Ano ka ba!" Saway ni Perseus sa kanya.

"I'm just telling the truth okay? Si Kael ang may mali dito, huwag na nating pagtakpan pa. Kung talagang totoong mahal mo si Vance hindi ka magpapadala sa pang-aakit ng kalbong yun!" Litanya ni Noemi.

"Babae ako. At kung ako ang nasa posisyon ni Vance ay baka hindi lang yan ang aabutin niyong dalawa sa akin." Dugtong pa ni Noemi kaya napatayo ulit si Perseus para patahimikin ang girlfriend niya.

"Tara na. Kung anu-ano na naman ang lumalabas diyan sa bibig mo." Sabi ni Perseus.

"Tsk pwede ba? Alam mo Kael sobrang bait pa ni Vance sa lagay na 'to. Iniisip pa rin niya ang kapakanan mo sa kabila ng ginawa mong panloloko sa kanya." Hirit pa ni Noemi.

"Noemi ano ba!" Bulyaw ni Perseus.

"It's okay. Okay lang bro huwag mo nang sigawan si Noemi." Pag-awat ko kay Perseus kasi tumaas na ang boses niya.

"She's right. Masakit pero kailangan kong marinig lahat ng yan. Inaamin ko rin naman sa sarili kong nagkamali ako." Sabi ko na lang.

Troublemaker meets His Only Exception 2Where stories live. Discover now