CHAPTER 3

354 28 1
                                        

KAEL's POV

Sunday afternoon at wala ng ibang inatupag si daddy kundi ang uminom ng uminom ng alak. Paalis ako at papunta sa meeting place ng barkada pero naabutan ko si mommy sa sala na may kausap sa phone.

"Ayos ah? Wala na lang talaga tayong pakialamanan ngayon mom?" Sarkastikong tanong ko.

"Hold on a sec." Sabi niya sa kausap niya. "What? Masama na bang kumausap ng ibang tao?" Sabi niya sa akin.

"Oo masama! Lalo na kung sa ibang lalaki. Your husband is in distress and yet here you are, flirting to the other...."

Mabilis na tumayo si mommy at sinampal ako. Napakuyom na lang ako ng kamao para hindi ko siya masaktan pabalik.

"How dare you! Umalis ka na kung saan ka man pupunta! Hindi yung nagmamarunong ka e wala ka namang alam!" Bulyaw niya sa akin.

"Oh I know everything mom, hindi lang ako nagsasalita for the sake of this family!" Sagot ko.

"Yun naman pala e, manahimik ka na lang!" Sabi niya at tinalikuran ako. Pumunta siya sa kusina at kinausap ulit ang katawagan niya sa phone.

Banas na banas akong lumabas ng bahay at nagpahatid sa condo ni Perseus. Akala ko magiging maayos na ang lahat, pero bakit mas lalo pa yatang naging miserable ang buhay ko ngayon.

Mawawala na sa akin ang lahat at hindi ko alam kung mababawi ko pa pati na si Vance. Si Vance na dahilan kung bakit nag-iba ang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Habang buhay kong pagsisisihan na hinayaan ko siyang mawala sa akin.

Nakarating ako sa building na wala sa tamang huwesiyo. Pinuntahan ko ang unit ni Perseus at saktong bukas iyon kaya pumasok na ako kaagad.

"Hey kamusta?" Sinalubong ako ni Jayden at ni Noemi.

"Mas lalong magulo, tangina hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi ko at pagod na pagod kaong umupo sa couch.

"Gaya nga ng sinabi ko kay Perseus, don't lose hope Kael. Magagawan din natin ng solusyon lahat ng problema natin." Sabi ni Noemi.

"Ewan ko, kahit anong sabihin niyo hindi gumagaan ang pakiramdam ko e. I need him right now." Sabi ko na ang tinutukoy ay si Vance. Pumikit ako kasi namumuo ang mga luha ko sa mata.

Umupo sa tabi ko si Jackson at tinapik ang likod ko.

"Let's just change the topic, pag-usapan natin yung masquerade ball sa birthday party ni Noemi." Napadilat ako sa sinabi ni Jackson.

"You're having a masquerade ball Noemi?" Gulat kong tanong.

Noemi sighed. "Unfortunately yes, at ang magiging partner ko lang naman ay ang hayop na Caloy na yun! Ugh! Naiirita talaga ako sa kanya!" Sabi ni Noemi.

"Fck! Napakayabang talaga nung hayop na yun! Bugbugin na lang natin yun para hindi makadalo sa party." Galit na sabi ni Perseus.

"Tsk no! May promise ako kay Vance, ayoko na ng ganyan." Sabi ko.

"E anong gagawin natin? Invited pa naman kayo lahat." Bumusangot si Noemi.

"E 'di pupunta kami, ipapakita natin sa hayop na yun na hindi tayo affected." Sagot ko. "Pero baka pwedeng tulungan niyo muna akong hanapin si Vance? May 1 week tayo para maghanap."

Nagkatinginan sila sa sinabi ko. "Ano? Ayaw niyo ba? Ayaw niyo akong tulungan?" Kunot-noong sabi ko.

Huminga ng malalim si Jackson. "Bro, hindi naman sa ayaw pero kasi....." He paused.

Troublemaker meets His Only Exception 2Where stories live. Discover now