CHAPTER 16

329 22 3
                                        

VANCE's POV

Pagkaalis ni Jackson at ni Lieutenant ay nagpasya akong pupunta sa maliit na bahay. Alam ko kasing kapag hindi ako nakita ni Kael sa school ay didiretso siya doon.

"Apo teka sandali...." Tawag ni lola sa akin.

"Bakit po lola?" Tanong ko at lumapit ako sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi ko at nginitian niya ako ng matamis.

"Whatever your decision will be I'm always here to support you." Aniya.

"Pasensiya ka na kung sa tingin mo ay niloloko ka ni Ophelia." Dugtong pa ni lola.

"Alam kong pinagkakatiwalaan mo si Ophelia lola. Kaya ngayon pa lang magso-sorry na ako kung may magawa man ako sa kanya." Naiiyak kong sabi.

She nodded.

"Don't worry. Hindi naman ako papayag na masaktan ka ng kahit na sino. Kung mapapatunayan nating nagtraydor si Ophelia, ipaubaya mo siya sa akin." She said. Panatag ang loob ko kasi alam kong kakampi ko sila ni papa.

"Saan ka nga pala pupunta?" Bigla ay tanong niya.

"Sa maliit na bahay la. Baka nandun si Kael." Sagot ko.

Tumango siya at hinayaan na akong umalis.

Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko sa labas ang kotse ni Kael at ang kotse ni Ophelia.

Pinakalma ko ang sarili ko para hindi ako makagawa ng eksena. Ayokong masira ang plano kong hulihin sila.

"Dada.....?" Tawag ko. Naka-lock ang pinto at wala akong dalang susi.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at sinalubong ako ng yakap ni Kael.

"M-May sakit ka ba? Bakit hindi ka pumasok sa school?" Tanong niya.

Tinignan ko si Ophelia na busy sa kakapindot ng cellphone niya.

"May pinuntahan kami ni papa. Ikaw bakit nandito ka?" Sabi ko nung kumalas ako sa yakap niya.

"To visit you siyempre. Kamusta? Hindi ba masakit ang katawan mo?" Paglalambing niya sa akin.

"Medyo. Iba yung galaw mo kahapon e." Sagot ko. Pumulupot ako sa leeg ni Kael para ipakita kay Ophelia kung sinong nagmamay-ari kay Kael.

"Sorry. Na-miss ko kasi ikaw baba." Sabi ni Kael na mas hinapit pa ako papalapit sa katawan niya.

I chuckled. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako makaramdam ng kilig sa mga pinagsasasabi ni Kael.

"Ophelia....." Tawag ko sa babae na kaagad din naman niya akong tinignan.

"May lakad ka ba? Gusto ko sanang ma-solo ang boyfriend ko." Sabi ko sa kanya at binigyan siya ng pekeng ngiti.

Tumayo siya at inayos ang suot niya.

"Ah yeah. Hinintay lang talaga kitang dumating. Sige mauuna na ako." Sabi niya.

Sinadya kong halikan si Kael sa labi nung dumaan siya sa gilid namin.

"Parang gusto ko ng isang Kael ngayong tanghali hehe." Pagpaparinig ko pa kay Ophelia.

Tumawa si Kael. Isinarado niya ang pinto pagkalabas ni Ophelia.

"Baba tara....." Nagmamadaling hinila ako ni Kael papunta sa kwarto.

Pero bago pa man may mangyari sa amin ay nagpanggap akong nahihilo. Kunwari ay nawalan ako ng lakas at napaupo ako sa semento.

"Baba uy......"

Troublemaker meets His Only Exception 2Where stories live. Discover now