"What—"

"Can't stand seeing you hurt yourself even more," sabi niya.

"Quin, malaki na ako. Kaya—"

He started walking habang buhat-buhat niya ako sa bisig niya. It started to drizzle. Umaga pa naman pero umaambon na... Siguro ay nakikisama ang langit sa nararamdaman ko. Siguro ay umiiyak siya para sa akin kasi hindi ko na kaya pang umiyak para sa sarili ko.

"I know. You don't need help." Nakatingin siya ng diretso sa nilalakaran namin but then he stopped and looked at me. "But I want to help you... so please, Imo? Don't make this any harder than it already is."

Hindi na ako nagsalita pa matapos iyon. Tahimik akong binuhat ni Quin hanggang sa makabalik kami sa booth ko. Iniupo niya ako roon at nakita ko si Tobi na inaasikaso iyong mga babae na bumibili—well, more like flirting, really. Tobi has his wicked ways and I couldn't care quite less. Dahil sa kanya at sa mga kaibigan niya, maraming pumupunta sa booth namin. So really, it was a win-win situation for me. Mabuti na lang at wala si Carl dito. Seriously, parang kabuti ang isa na 'yun. Biglang nawawala, bigla ring sumusulpot.

"Balik lang ako sa booth namin. Call me if you need anything?" he said and I nodded para wala na kaming pag-usapan pa. Tumigil na iyong hamog. He looked at me one last time bago siya tumalikod at nagsimulang maglakad papunta sa booth nila. Ako naman, nagsimula ng ayusin iyong mga naglakat na mga gamit sa lamesa. Tobi knew how to make a sale pero hindi siya maayos sa gamit. Parang dinaanan ng bagyo itong booth namin.

I was in the middle of cleaning up after his mess when he whistled.

"You're pretty, I see it, but damn. You've got quite a long line of guys pining after you," sabi niya bigla. Nakakunot ang noo ko. Ano'ng problema ng isa na 'to?

"'Wag mo nga akong titigan."

But of course hindi niya ako pinakinggan. He continued to stare at me like some creepy perv. "Still can't see it. Ang daming magandang babae but there must be something about you para mabaliw sa 'yo 'yung mga lalaki na 'yun."

Napailing na lang ako. "Ewan ko sa 'yo. Bahala ka sa buhay mo basta 'wag mo na lang akong guluhin."

"You're about to stir a pretty big trouble. Good luck," sabi niya bago niya ako tuluyang tigilan.

Kaunti lang ang mga dumadating na tao at kaya naman ni Tobi na asikasuhin sila kaya naman nanatili na lang ako na nakaupo. I was so bored so I took my phone out. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Parker... yeah I know I should probably call him tungkol kay Quin pero hindi pa ako handa. I should gather my guts bago ko siya kakausapin. I'd probably just break my promise sa oras na marinig ko ang boses niya.

Hindi dapat ako bumigay. Dapat magtira ako ng kaunting respeto para sa sarili ko.

So instead, I logged in on Facebook just to humor myself. I just scrolled. Wala naman akong masyadong pakielam sa buhay ng mga tao. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan nilang ipost online lahat ng nangyayari sa buhay nila. Do they get satisfaction whenever they post every single thing they're doing? What's with the need to snap every food you eat, every place you go to, every thing you do?

Humans. Sometimes I can't understand them.

I was about to log out nung biglang mapunta ang daliri ko sa search. My fingers were trembling... maybe because of what I could discover once I hit search. But curiosity got the best of me. And so I typed the name.

Bianca Agustin.

My breathing was labored as I waited for the result to show. Ano kaya ang itsura niya? Maganda ba siya? Mas magugustuhan ba siya ni Parker kaysa sa akin?

Just The Benefits (PUBLISHED)Where stories live. Discover now