Uno

3.8K 75 21
                                    

No prologue sorryy! Enjoy! Si Nadine sa media hihi
*****

"Ayan ayos ba storya ko Yassi?" kilig ko pagkasabi lahat ng nabasa niyo ay katha ko lamang. Isa akong babaeng nagiilusyon na makasal sa gwapong gwapong 4th yr student na si James.

"Ay teh jusko! Iba ka! Grabe ka mangarap!" napairap na lamang ako sa sinabi ni Yassi, pero sabagay tama si Yassi grabe ang illusion ko, dahil mag iilusyon nalang ako sa taong alam kong kahit kelan di ko marereach.

First year palang kasi crush ko na si James. Ngayong 4th year ito ako umaasa pa rin kahit alam ko nang di niya ko mapapansin sa sobrang sikat niya. Hello Nobody ako tapos Campus Prince siya!

Napasalumbaba nalamang ako nang maisip ko na tama sobra na nga akong illusionada.

"Hay Nadine! Andyan naman kasi si Kiko eh. Ayaw mo pa! Ang gwapo gwapo kaya niya! Talented pa!" sambit ni Yassi lalo lang ako napasimangot dahil doon.

Hindi ko naman kasi type si Kiko pero naawa ako sa kanya dahil consistent pa rin siya kahit na ang tagal ko nang tinataboy. Ewan ko ba basta walang sparks eh.

"Hay Yassi, di ba pwedeng support ka nalang sa pangangarap ko." sabi ko at ngumuso, binatukan lamang ako ni Yassi.

"Teh, gising rin kasi pag may time." sabi niya at tumawa napa simangot nalang ako, kahit kelan talaga tong bestfriend ko role niya ay para gisingin ako at itulak kay Kiko.

*****

"Nadine pwede mo ba ko samahan sa mall?" pagtatanong ni Yassi at dahil bored ako pumayag naman ako.

Papunta kaming Trinoma para manood ng movie, si Yassi ang bumili ng tickets at ako naman ang bumili ng snacks nang bigla akong may mabunggo isang lalakeng nakashades.

"*boogghhssshh*" natapunan ko siya ng coke sa damit niya. Tinanggal niya ang shades niya at.. O MY GOSH SI JAMES!

"What the heck!" napatulala na lamang ako dahil hindi ko na alam ang aking gagawin.

"Miss ano ba naman! Tignan mo naman dinanadaanan mo!" nanatili pa rin akong tulala at nang marealize ko winawagay-way niya na ang kamay niya sa harap ko.

"Ahh ehh sorry po! Sorry po talaga!" sabi ko with matching yuko pa, sobrang hiya ang nararamdaman ko, okay at konting kilig as in slight lang.

"Omg, James lets go na! Magpalit ka nalang." sabi ng isang babaeng kagandahan, at hinila na siya. Awww girlfriend niya kaya yun? Sana wag naman huhu!

"Nadine hoy!" pangungulat ni Yassi saakin.

"Waahhhh Yassiii! Si Jamess waaahh!" sabi ko ng may halong kilig, lungkot at hiya.

"Oo nga nakita ko kasama niya si Sheena yung Campus Princess. Balita ko they are dating yata." sabi niya na parang nagiisip pa.

"Hay nako tama na nga manuod nalang tayo ng movie tara na!" sabi ko kay Yassi, baka maiyak pa kasi ako ng di oras eh. Nakakainis :3

****
Nagtext saakin ang mama ko na umuwi na raw ako dahil darating raw ang mga bussiness partner nila at kailangan daw nila ako upang may makausap naman daw ung anak nung ka bussiness partner nila. Bat ako pa pwede naman si kuya eh, malamang di nanaman umuwi yun. Mabarkada kasi si kuya kaya ayun.

"Yassi, I need to go home na, see you tomorrow bye!" pagpapaalam ko kay Yassi.

Maya-maya lamang ay nakarating na ako sa bahay. May kotse sa labas ng bahay namin kaya malamang andun na ang mga amigo ni mama. Amigo para unique hahaha! Pagkapasok ko syempre pumasok ako sa gate tas sa pinto at pagpasok ko....

"IKAW?" Sabay namin banggit ni James. Now wth? Siya ang anak ng bussiness partner nila mama? Omg. Bat ngayon ko lang nalaman waaaahhhhh!

Book 4: Reality Between UsWhere stories live. Discover now