Chapter 5

132 0 0
                                        

Miyerkules na ng hapon, at narito ako sa aking opisina, abala sa pag-tsek ng mga record. Si Nurse Stella naman ay abala doon sa anak ni Mrs. Villafuente. Ganoon pa rin ang lagi niyang kuwento, minsan daw ay gusto na niyang sabunutan iyon dahil sa inis, pero hindi niya raw magawa dahil baka masisante pa siya at mawalan ng trabaho. Si Doc. Henry ay abala rin sa kanyang mga pasyente kaya heto ako, nag-iisa. Habang abala sa pag-tsek ng papel ay napatigil ako nang may marinig na boses, at pamilyar ito.

"Hi, Doc," rinig kong tinig mula sa labas. Nakita ko pa ang pag-awang ng pinto at ang pagsara nito. Kunot-noo kong binalingan ng tingin ang taong pumasok, at walang galang nitong inihagis ang maliit niyang bag sa sofa."

"Wow, 'di ko alam na ang ganda pala ng opisina mo," anya ng babae. Pagkatapos umupo, isinandal nito ang magkabilang binti sa malambot kong sofa habang iginagala niya ang paningin sa kabuoang loob.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko. Napatigil ito sa ginagawa at binalingan ako nito nang nanlalaki ang mga mata. Napatakip pa ng bibig ang babae na animo'y may nasabi akong hindi maganda.

"Really! Yan lang ang sasabihin mo sa akin?! Pagkatapos kong maghirap sa ibang bansa at pati ang pag-uwi ko ay kasing hirap din dahil ayaw akong pauwiin ng amo kong panot, yan lang ang sasabihin mo," anya niya at kunyaring naiiyak sa harapan ko.

"Are you really my best friend?" she said dramatically. And she wiped her tearless eyes.

"Sino ba ang nagsabi sayong pumunta ka at mag ibang bansa, aber?" tanong ko sa kalmadong boses.
Napatigil ito sa pagpupunas ng peke nitong mga luha at tiningnan ako ng hindi makapaniwalang tingin.

"Ikaw ba talaga ang bestfriend ko kasi kung hindi ibalik mo ang bestfriend ko!" Naiiyak nitong saad at akma na sana ako nitong hahawakan ngunit hindi nya na naituloy ng bigyan ko sya ng kaltok sa ulo.

Napatigil siya sa pag-iyak at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Aray! Para saan naman iyon?" umirap ako at hindi ko napigilang kutusan siyang muli. "Pangalawa mo na iyan," halos maiyak na niyang saad pero hindi ko iyon pinansin. Hawak pa rin niya ang ulo niyang kinutusan ko."

"Sira, ako pa rin ito, 'no? Sadyang OA ka lang masyado kaya nakutusan kita nang wala sa oras."

"Sadista ka talaga, ano?" napapairap niyang tanong pero inilingan ko lang ang babae at ibinalik ang tingin ko sa mga hawak kong papel.

"Ikaw na rin ang nagsabi," kaya hindi na siya nakasagot at sumimangot na lang. Nakita ko pa siyang ngumuso kaya pinigilan ko ang pagtawa, saka ibinalik ang tingin sa mga hawak kong papel. Saglit akong napatigil sa pagtingin sa record ng iba't ibang pasyente ko nang may mapagtanto. Tiningnan ko siya at may naisip.

Since nandito na rin naman ang babaeng ito, bakit hindi ko na lang siya utusan na ibigay itong mga natapos kong i-check na record tungkol sa mga pasyente ko? At ipapatingin ko na rin ito kay Doc. Henry, baka may mga na-miss akong detalye

"Hoy, Stacy," tawag ko sa kanya pagkaraan ng 20 minuto, subalit nagbingi-bingihan ang babae. "May ipapabigay lang sana ako kay Henry," pang-aasar ko, "Hula ko bagay siya sa iyo, matangkad siya at guwapo. Diba type mo ang ganoon?" Inarapan niya lang ako at umiwas ng tingin.

Napangisi ako sa kapilyuhang pumasok sa isip ko.
"Diba paborito mo ang blueberries? Bibilhan sana kita, kaso parang ayaw mo eh," saad ko. Lumingon siya sa akin at nakita ko pang kumislap ang mga mata niya dahil sa saya nang banggitin ko ang blueberries.

Para siyang batang nabilhan ng lollipop nang bigla itong magtatatalon.
"Talaga?! Gusto ko! Gusto ko ng blueberries!"

Lumapit siya sa akin at ngiting-ngiti nitong niyakap ang mga braso ko. "Pero sa isang kondisyon," sabi ko na nagpakunot-noo sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Doesn't Belong In A Wrong Way (Agnasio Series #2)Where stories live. Discover now