Sofia's POV
Ilang minuto kaming nagtitigan. Inis akong tumingin sa lalaking nasa harapan ko.
“Hoy lalaki! Wala pang nangahas na sabihan akong walang alam at bingi! Hindi ako basta-bastang babae na hindi nakapag-aral nang maayos dahil pinalaki ako ng aking mga magulang nang may respeto at galang. Walanghiya ka!” Susugod na sana ako nang hawakan ni Henry ang kamay ko.
Nabigla ako nang makita siya. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya; marahil ay hindi ko napansin dahil sa baklang kaharap ko na minamaliit ako dahil hindi ko siya agad napansin at nabunggo ko siya nang hindi ko namamalayan. Pero hindi ko intensyon na gawin iyon sa kanya!
Ngumisi lang ito nang nang-uuyam at tumingin sa akin nang may bakas na pagkakairita.
Tumaas ang gilid ng labi nito na ikinainit ng dugo ko. Tinaasan lang ako nito ng kilay, subalit pinigilan ko ang sarili kong huwag manakit dahil hawak-hawak ni Henry ang kamay ko at pinipigilan ako sa gagawin ko sa dragon na nasa harapan ko.
“Talaga lang ha? Miss, kung may problema ka sa mga pinagsasabi ko, then go. Hindi ko na iyon kasalanan. Gusto mo pa samahan kita sa korte?” tanong nito na may halong pag-aasar.
Nanlilisik ang mga mata kong ipinukol sa baklang walang galang na nagsabi nyon.
“Wala kang galang! Wala kang karapatan na husgahan ang pagkatao ko dahil hindi mo ako pinapakain! At isa pa, meron ka bang kahit katiting na galang sa ulo mong putik ka?” nakangisi kong tanong sa kanya, pero imbes na mainis ito, ngumisi lang ito.
Napakunot-noo pa ako nang balingan nito si Henry na ngayon ay hawak-hawak pa rin ang kanang kamay ko. Naramdaman ko pang pinisil nito ang kamay ko kaya binalingan ko na si Henry ng nagtatakang tingin.
Pero si Henry ay parang tuod lang sa gilid ko at animo’y hindi makapagsalita. Nabalik ang tingin ko sa bakla nang tumikhim ito at mas lalo pang lumawak ang nakakainis na ngisi nito.
“Sorry po, Madam Alexa, paumanhin po sa bibig at aksyon ng kaibigan ko. Pangako na hindi na po ito mauulit.” biglang paumanhin ni Henry at yumuko bago ako hilahin palayo sa walang galang na baklang iyon.
Mas lalo lang kumunot ang noo ko nang makita ang mga nurses din at ilang doctora ay bumalik na sa kanila-nilang mga trabaho nang balingan ito ng baklang minaliit ako! Putik!
Nang nasa kalayuan na kami ni Dr. Henry ay binitawan na niya ang kamay ko. Hindi ito ang taong mandidiri sa isang kagaya ko dahil alam ko na ang ugali nito at sa ngayon ay alam kong galit na ito sa akin dahil pinanlakihan ako nito ng mata.
“Hindi mo ba alam, babaita ka? Si Madam Alexa iyon.” nanggigigil nitong anya sa akin na ikinataka ko. Ano bang dahilan kung bakit siya nagagalit sa akin, eh may taong nanlalait sa akin for the first time in my job here at iyon ang putik na baklang iyon!
“Ano bang pinagsasabi mo, Henry? Eh ako nga itong minamaliit ang pagkatao tapos nagagalit ka na lang basta-basta nang walang dahilan? Tapos, ano iyon? Bakit ka yumuko sa kumag na baklang iyon?!” inis kong sambit kay Henry pero pinandilatan lang ako nito ng mata.
“Manahimik ka ngang babaita ka! Hinaan mo ang boses mo baka may makarinig sa’yo!” mahina nitong bulong, subalit bakas pa rin sa boses ni Henry ang inis.
Humalikipkip akong tiningnan siya na ngayon ay parang namomoblema at may nagawang mali. Inilingan ko lang ito at ibinanewala.
“Girl, hindi mo ba alam? Siya ang may-ari ng hospital na ito! At dito mismo kung saan ka nagta-trabaho.” bulong ulit nito at mas nilapit pa ang tenga. Kaya nagulat ako sa mga sinabi niya.
Nanlalaking matang tumingin ako sa kanya at natakip ang bibig. “Really? He’s the owner of this hospital? Hindi ako naniniwala. Baka eme-eme mo lang iyan?” baliwalang sambit ko dito na ikinataas ng kilay ni Henry sa akin.
YOU ARE READING
He Doesn't Belong In A Wrong Way (Agnasio Series #2)
RomanceAlexander Louise "Alex" Parker, a closeted gay man, never expected to fall for Sofia, the girl who's tormented him since childhood. Hindi akalain na mahuhulog sya sa isang babaeng kinaiinisan nya mula pa noon, at ang babaeng nagpahiya sa kanya mula...
