Sofia's POV
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Kahit nahihilo, pinilit kong bumangon.
Argh... ang sakit ng ulo ko. Hindi ko maalala kung anong nangyari sa akin kagabi.
Isang katok sa pinto ang nagpalingon sa akin doon. "Ate, pwede ba akong pumasok?." Hindi ako sumagot, bagkus naglakad ako patungo sa pinto.
Pagbukas ko pa lang ng pinto, isang nag-aalalang mukha ng kapatid kong si Leah ang bumungad sa akin. Nagtaka pa ako nang makita itong may dalang isang tray ng soup pero sinenyasan ko itong pumasok.
Naglakad naman ito patungo sa kama. Isinara ko naman ang pinto pagkatapos niyang pumasok. Nakita ko pang inilapag niya ang tray ng soup sa mini table na kalapit ng bedside ko.
"Ate, may problema ba?" aniya at umupo sa kama ko.
"Bakit mo nasabi? At para saan 'yang soup na dala mo?" turo ko sa soup na dala niya.
"Para sa iyo 'yan... pinabibigay ni Mama." Tumaas ang isa kong kilay. Magtatanong pa sana ako pero inunahan niya na ako. "Huwag kang magtaka, Ate. Ako 'yong nagsumbong kay Mama na umuwi ka nang late kagabi."
Sabi niya at umiwas ng tingin. What?! Sinabi niya 'yon kay Mama? Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin pero ang kapatid ko ay yumuko lang.
Bumuntong-hininga ako at tumabi sa kanya. Gusto ko sana siyang pagalitan doon, kaso hindi naman yata iyon makatarungan dahil lang sa isinumbong niya ako kay Mama.
Naramdaman niya naman na tumabi ako kaya inangat nito ang mukha sa akin. Huminga ako nang malalim bago magsalita.
"Bakit po kayo laging umuuwi ng gabi at lagi po kayong lasing tuwing umuuwi dito sa bahay?" malungkot nitong sambit sa akin, pero ang mga mata ay nakatingin sa pader. Nakaramdam naman ako ng awa. Hindi ko nga rin alam sa sarili ko kung bakit ba ako nagpapakalasing. Siguro dahil lang sa boredom ko o minsan sa stress sa work.
Bumuntong-hininga ako bago nagsalita.
"Alam mo, bunso... huwag mo akong tularan na iinom lang dahil sa pagod sa trabaho o kaya sa boredom. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo dahil 'yang pag-aaral mo ay makakabuti at magpapalaya sa atin sa kahirapan, lalo na kung sasamahan mo pa ito ng sikap at pangarap," mahaba kong bilin kay bunso.
"Really, Ate! So it means yayaman ako?" masiglang sabi ni Leah.
"Hindi, bunso. Ang sabi ni Ate, kapag nakapagtapos ka na ng pag-aaral, malaya ka nang makapagtrabaho nang maayos."
Siyempre, magkakaroon ka pa ng bagong kaalaman tungkol sa mundong ito at hindi mawawala ang pagsubok sa buhay," dagdag ko.
"Bakit naman po may pagsubok?" takang tanong ni Leah sa akin.
"Dahil ang pagsubok sa buhay natin ay ito ang magsisimbolo sa atin upang huwag tayong sumuko, kahit may mga times na hindi na natin kaya at feeling natin suko na tayo... doesn't mean hindi na tayo magpapatatag at babangon; kaya nagkaroon tayo ng mga pagsubok sa buhay dahil may reason at upang bigyan tayo ng lesson kung paano natin iyon masosolusyonan nang may pananampalataya at paniniwala tayo kay Lord," paliwanag ko. Kita ko pa ang pagkamangha nito sa mga sinabi ko.
Hindi na ito umimik, bagkus ay nagpaalam na ito sa akin na lalabas na. Ngumiti ako at narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang soup sa gilid ko saka napagpasyahang inumin.
"Oh, Doc, nandito na pala kayo. Sakto, may naghihintay sa inyo doon," bungad ni Stella pagkapasok ko pa lang.
Kasalukuyan akong nasa ospital at naatasan bilang in-charge ngayong araw. Hindi pa nakakarating si Henry kaya ako na lang ang nag-aasikaso ng mga pasyente niya.
YOU ARE READING
He Doesn't Belong In A Wrong Way (Agnasio Series #2)
RomanceAlexander Louise "Alex" Parker, a closeted gay man, never expected to fall for Sofia, the girl who's tormented him since childhood. Hindi akalain na mahuhulog sya sa isang babaeng kinaiinisan nya mula pa noon, at ang babaeng nagpahiya sa kanya mula...
