Wala naman akong balak na iwan sila. Never.

"Tita, wala naman po akong balak iwan 'yung mag-ama. Hanggat wala pong pisikalang nagaganap. Hindi po ako aalis." nginitian ko si Tita.

Kapag talaga pinisikal ako ni Daniel aalis talaga ako. Hindi ako magpapaka martir nuh. Iiwanan ko siya. Ano siya sinuswerte?

"Kapag pinisikal ka ni Daniel ako mismo ang magpapakulong doon." biro ni Tita. "Pero wala ba talagang pisikalan?" tanong pa ni Tita.

"Wala po talaga. Kung meron man po, siguro nabalitaan niyo na lang na wala na ako't lumayas na." sagot ko na ikinatawa ni Tita.

"Buti naman. Basta ako, nandito lang para sa inyo. Kung may problema ay huwag mahihiyang lumapit. Tsaka nagtatanong ako ng mga nangyayari hindi para makialam. Ha? Sige na anak, tuloy mo na 'yan." umalis na si Tita at naiwan ako dito sa kusina.

Lahat sila suportado sa amin ni DJ. Feeling ko pine-pressure nila ako. Pakiramdam ko umaasa silang may mas ilalalim pa ang relasyon namin ni DJ.

Hindi ko pa nga alam kung may improvement sa nararamdaman ko.

Mahal ko na ba talaga siya?

Umupo ako sa dining table matapos kong ayusin ang mga plato at pagkain sa mesa.

One more thing, everytime na tinatawag ako ni Tita ng "anak". Nao-awkward ako. Tapos si Papa last week tumawag kay DJ kasi nangangamusta, daw. Pero ang dating sa akin binabantayan ako dito tapos may Seth pang sumbungero.

Bantay sarado kami, bakit ba kasi?

Wala naman kaming gagawing kababalaghan kung iyon ang iniisip nila.

No. Mali, hindi ganoon 'yun. Bakit din namin gagawin 'yun. Yuck lang.

Inihilamos ko ang kamay ko sa muka ko. I feel so stressed.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" biglang imik ni Daniel mula sa pinto na kadugtong ng grahe. Naglinis siya nga sasakyan.

"Hindi. Ok lang ako." tumayo ako at kumuha ng tubig at ininom ang kalhati.

"Sure?" tanong niya. Kinuha niya ang baso ko at uminom din doon.

"Oo nga. Kain na." aya ko sa kanya.

"Magdadamit lang ako. Tatawagin ko na din si Mama." tumalikod ako sa kanya para kumuha ng malamig na tubig sa ref.

Napasinghap ako dahil naramdaman kong hinapit niya ako palapit sa kanya kaya napasandal ako sa likod niya.

"I love you, so much. Alam kong wala pa akong napapatunayan sa'yo. Pero hindi ako susuko sa'yo. I love you Mommy. Mahal ko kayo ni Baby." bulong niya sa tainga ko tapos hinalikan niya ng madiin ang pisngi ko.

Hindi na nawala ang ngiti ko habang binubulong iyon sa akin. Hindi lang naman ito ang unang beses pero paulit-ulit pa din ang epekto. Kinikilig pa din.

--------

"Kath, please. Ayokong pumasok." tinulak-tulak ko siya papasok ng CR.

"Daniel John!! Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?" inis na sabi ko sa kanya.

Halos 30 minutes ko na siyang ginigising pero hindi din naman niya ako pinapansin.

"Kaaaath." paawang sabi niya.

"'Wag mo akong ma-Kath-Kath diyan. Magtrabaho ka ngayong araw. Kung ayaw mo naman, 'wag na lang. Ako ang magbibihis at magtatrabaho." pagtataray ko pa.

Nakakasira ng umaga. Ang ganda-ganda ng tulog ko dahil sa mga sweet na sinabi niya tapos siya din naman pala ang sisira? Jusko.

"Hindi. Papasok na nga po." tumalikod na ako para lumabas na ng kwarto niya nang biglang may humalik sa pisngi ko.

Lumingon ako at nakita ko na lamang na tumatakbo si DJ palayo.

Sumosobra sa halik ang loko. Tsk.

Daniel's Point of View

Ayoko talagang pumasok. Pero nagagalit na ang mapapangasawa ko kaya kailangan.

Nagising na lang din ako na nakaalis na pala si Mama. Maagang umalis dahil daw may activity si Lelay at kailangan ang magulang doon. Napaka buting magulang ni Mama at sobrang swerte ko na anak niya ako at siya ang nanay ko.

Binuksan ko ang gate para ilabas na ang kotse. Lumabas ang mag-ina ko galing sa loob.

"Bye, baby. 'Wag nang magkakasakit ha para hindi na mag-alala si Mommy. Be a good boy." hinalikan ko sa pisngi si Jordan. "Mahal, ingat din. Kapag may problema tawagan mo lang ako. Ha? Bye na. I love you." hinalikan ko siya sa noo.

Sumakay na ako sa sasakyan.

"Ingat sa pagda-drive." bilin ni Kath bago ako makalabas ng gate.

Kahit hindi ko alam kung papano ko sisimulan ang panliligaw sa kanya. Magsisikap pa din ako.

------
Kakarating ko lang sa table ko at laking pagtataka ko na kahit isang papeles ay walang nakalagay.

"Welcome back po Sir. Kung kung maaari daw po ay pumunta kayo sa opisina ni Sir. Adison." sabi ng sekretarya ni Sir? O Papa? Basta siya.

Ibinaba ko lang ang gamit ko at dumiretso na doon.

Kakatok na sana ako pero bigla naman bumukas. Binuksan niya.

"Pasok, anak." sumunod ako sa kanya.

May hawak siyang dalawang basong kape. Ibinigay niya ang isa sa akin.

"Mas maganda sana kung beer pero umaga pa lang eh. Saka may trabaho pa." sabi pa niya.

Umupo siya sa couch pati na rin ako.

"Sana mas nagawa natin ito noon-"

"Ano ho ba talaga ang gusto niyong pagusapan, Sir?" putol ko sa kanya. "Sagutin niyo na lang ho ang mga tanong ko. Bakit mo kami iniwan ni Mama?"

Alam ko naman na papunta din ito doon sa pagiwan niya sa amin ni Mama ang usapan.

Nagsimula siyang magkwento. Para paikliin ang kwento niya. May una nang pamilya si Papa bago pa kami dumating sa buhay niya. Pero hindi naman sila kasal 'nung una niyang naging asawa, kakahiwalay lang daw nila noong nagkakilala sila ni Mama. Una pa lang ay tutol na ang lola ko sa relasyon nilang dalawa kaya gumawa ito ng dahilan para maghiwalay sina Mama at Papa. Pinakasal siya sa una niyang asawa pero kalaunan ay namatay din. Hindi na niya kami binalikan dahil akala ni Papa may iba nang pamilya si Mama.

"Bakit hindi kayo nagpakilala sa akin?" tanong ko pa.

"Hindi ko iyon nagawa dahil, natatakot akong magalit ka sa akin. Baka itaboy mo ako. Pinangunahan ako ng takot. Hanggang sa hindi ko na namalayan na ang daming taon na nasayang. Nagsisisi ako doon. Sobra. Sorry." naririnig ko ang mga mahihinang hikbi ni Papa.

Lumapit ako sa tabi niya at tinapik ang balikat niya. Usap lang talaga ang kailangan para maayos ang isang problema.

"Ama na din po ako. Naiintindihan ko kayo." inakbayan ako ni Papa at nagkatawanan saglit.

Ang sarap pala sa pakiramdam ng may tatay ka. Sana naranasan ko ito dati pa.

"Salamat. At 'wag mong iisipin na hindi kita mahal. Dahil hinding hindi mawawala ang pagmamahal ng isang magulang sa anak."

~'~'~'~'~'

VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.

❤Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now