Chapter 1

17 0 0
                                        

"Bibigyan kita ng isang milyong dolyar layuan mo lang ang anak ko!"

Isang milyong dolyar?!

"Oo, isang milyong dolyar. Tanggapin mo man o hindi wala kang magagawa kundi hiwalayan sya" mayabang nyang isinaad habang nagsusulat ng cheke na may lamang isang milyong dolyar.

"Hindi kami tumatanggap ng isang daughter-in-law na ipinalaki sa isang mahirap na orphanage, ano nalang ang sasabihin samin ng ibang tao kapag nalaman nila na ang anak kong galing sa pamilyang Lastro ay magaasawa ng mahirap na babaeng walang background?"

Napabuntong hininga sya,

"Intindihin mo nalang kung gaano kabigat ang problemang ito... Para sayo din ito"

Itinapon niya sa mukha ko ang papel na may lamang pera sabay kuha ng kanyang mamahaling bag bago siya tumayo sa kaniyang upuan.

Kasalukuyang nasa restaurant kami na pagmamayari ng kanilang pamilya.

Sandali akong nanahimik sa aking pwesto bago ako magsalita.

"Teka lang ma'am," sabi ko sabay hablot sa kaniyang kamay habang naglalakad siya papaalis ng restaurant.

"Ano ba bitawan mo ako! Ayokong hinahawakan ako ng ibang tao nang basta basta mas lalo na sa taong katulad mo!" Inis na pasigaw nyang sabi. Pinipilit nyang kumawala sa higpit ng kapit ko. Dahil sa eksenang ginawa nya mas lalo kaming naka attract ng attensyon ng maraming tao.

Hinay kong pinakalma sya dahil mas lalo lang itong magpapadagdag sa gulong nangyayari ngayon.

" Pero ma'am pano nalang yung kasal namin? Hindi ko naman pwedeng i-cancel nalang yun ng biglaan kasi bukas na sya magaganap" pilit ko sa kanya.

"Wala ka nang magagawa doon dahil ang aking anak ay engage na sa anak ng pamilyang Miller. Magaganap na din ang kasal nila next week kaya kung ako sayo itigil mo na yang walang kwentang kasal."

" Pero ma'am ako ang gumastos halos lahat sa kasal na ito, hindi ko naman pwedeng i-cancel nalang ito ng biglaan!" muling pagpupumilit ko sa kanya na baka sakaling mabago pa rin ang isip nya.

Alam ko namang ayaw sa akin ng pamilya ni James at kahit kelan hindi nila akong trinatong belong sa pamilya nila.

"Iha, buhay ni James ang nakasalalay dito at bilang isang ina niya ayoko siyang mahirapan mas lalo na kapag kinasal na kayo. Ano nalang magiging trato ng ibang tao sa kanya?"

Ganon na ba talaga kababa ang tingin nyo sa akin?

" Pero.... Mahal po ako ni James.."

Unti unting lumalabas ang mga luha sa aking mata.

" Sige tignan natin, tawagan mo si James ngayon."

Huh?...

" Tawagan mo" taas tingin niyang sabi. "Patunayan natin kung mahal ka nga nya"

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya. Nagbibiro ba sya? Sa tagal naming pagsasama hindi naman biglaang mawawala ang nararamdaman niya sa akin.

Kinakabahan kong hinanap sa loob ng aking bag ang phone ko at dinial ang number ni James. Ilang segundo lamang at nag-ring ito nang biglang narinig ko ang boses niya sa kabilang linya. Mahina lamang ito pero may narinig ako na boses ng isang babae na tila pamilyar sa akin.

Wtf? Sino yung babaeng kasama niya?

" Hello, James, about sa-" hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang magsalita siya.

" Lia sorry kung sasabihin ko ito pero i-cancel na natin itong kasal na toh. Kunin mo yung pera at umalis ka nalang"

Tila parang gumuho ang mundo nang sabihin niya iyong mga salitang iyon. Umimik ako nang marinig ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang lalabas sa aking bibig.

Your 'typical drama novel' becomes reality?!Stories to obsess over. Discover now