Nakaramdam ako ng pagkataranta. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Meron pa kasi sa parte ko ang nagdodoubt na pagkatiwalaan si Miria. All this time siya pala iyong taong nakakatakot na mala-stalker ang dating na matagal nang nagmamanman saamin. Napalingon ako kay Itay nang hawakan niya ang kamay ko.

"Ito na ang oras. Kailangan mo nang sumama sa kaibigan mo. Alam kong totoo ang mga sinasabi niya kaya umalis na kayo ngayon din." Sa pagsabi iyon ni Itay ay nandiyan na nanaman ang luha ko."Paalam, Cielle. Patnubayan kayo ng diyos, anak."

Gusto kong isama si Itay sa pag-alis kaya inalalayan ko pa siya pero umiling lang siya.

"Tay pakiusap naman oh. Sumama na kayo. Hindi ko po kayang wala kayo. Papasanin ko na lang kayo sa likod ko. Tara na po." Umiiyak kong pagmamakaawa sakanya. Umupo pa ako sa harap niya para ilagay na ang mga kamay niya sa likod ko. Nagmamakaawa pa akong tumingin kay Miria para buhatin siya ngunit hindi parin kumilos si Itay.

"Mahihirapan na kayo sa pag-alis niyo kapag sumama pa ako. Hindi na ako makalakad. Mahihirapan lang kayo. Magiging pabigat lang ako. At diba nga sinabi ko nang magiging ayos lang ako rito."

Sobrang sakit. Hindi ko kinaya kaya napahikbi ako.

"Bakit ba ayaw niyo, tay? May oras pa tayo pero bakit ayaw niyo parin? Alam naman ninyong hinding hindi ako magsasawang alagaan kayo at kahit kailan hindi kayo naging pabigat para saakin. Halina po kayo." Pinipilit ko parin siya ngunit nanatili lang siya.

Bumubuhos ang luha ko ngayon at talagang hindi ko matanggap na ganito na lang ang lahat. Bakit sa isang iglap ay nangyayari ito? Ano nga bang nangyayari? Litung-lito na ako.

Nabubuhay lang kaming simple tapos biglang may mga ganitong pangyayari na? Nagjo-joke ba sila? Hindi ako prepared.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at tinignan ko ito. Nakita ko ang malungkot na mga mata ni Miria habang nakatingin saakin. Hindi ko alam pero ramdam ko na totoo ang ipinapakita niya. Marami akong gustong tanungin sakanya pero hindi na ito umaayon sa oras.

Nakita ko siyang umiling at tuluyan nanaman akong humikbi. Ang sakit na sarili kong Tatay ay magagawa kong iwan dito nang wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyayari?

"Pakiusap, anak. Para na lang saakin. Umalis na kayo. Huwag kang mag-alala. Magiging maayos lang ako." Kita sa mata ni Itay na desedido siya sa kung ano mang desisyon niya, pero ako hindi.

Mabigat ang loob ko na kahit ipilit ko pa kay Itay ay hinding hindi siya sasama saakin. Naisip kong ayaw niya na siguro akong makasama kaya ganito.

Ayoko siyang sundin. Gusto kong umalis kasama siya kahit naguguluhan man ako. Ang dami kong katanungan.

Itay, ano ba talagang nangyayari? Pero hindi ko man alam ang dahilan ay sinigurado niya na kaagad na masasagot lahat ito sa oras na makaalis na ako.

Napakahirap ng lahat ng ito.

Sobrang bigat sa puso.

Hindi ko kayang mag-paalam.

Tinignan ko si Itay at hindi ko napigilang yakapin siya. Bakit pakiramdam ko ito na ang magiging huling yakap ko sakanya?

"Mahal na mahal ko po kayo." Wika ko

Nang bumitaw na kami sa isa't-isa ay tila ba'y bumagal ang lahat nang hinawakan na agad ni Miria ang kamay ko at hinayaan ko na lang ang aking katawan na magpatianod sa paghila niya.

Bago makalabas man lang ng kwarto ay muli akong tumingin kay Itay at nakita siyang nakangiti.

Bumuhos muli ang luha saaking mga mata.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now