----------
JACKSON's POV
Nakabalik ako sa SB High saktong tumunog ang bell. Dumaan pa kasi ako sa isang flower shop at bumili din ako ng chocolates.
"Tadaaaa..." Masiglang sabi ko na inabot kay Jayden ang bitbit kong regalo.
"A-Ano yan? Akala ko ba nagpunta kang hospital?" Namumulang tanong niya. Tinutukso kasi siya ng mga kaklase namin.
"Alibi ko lang yun. Gusto talaga kitang bilhan ng regalo hehe." Sabi ko.
"Para kang sira! Nakakainis ka!" Sabi ni Jayden na kunyari ay nakabusangot na tinanggap ang bulaklak at chocolates.
"Hm? Si Kael nasaan?" Kunot-noong tanong ko.
"Wala pa honeybun. Nagpunta yun kila Vance." Jayden replied.
"O-Okay." Sabi ko na lang.
Lumipas ang mga oras at last subject na namin pero wala pa rin si Kael. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Sir excuse me po! I need to pee." Pagpapaalam ko sa guro.
Tumango siya kaya mabilis akong lumabas ng classroom.
Nagpunta ako sa garden at tinawagan ang number ni Kael. Nagri-ring lang pero hindi sumasagot.
"Tangina naman Kael!" Naibulalas ko sa sobrang pagkapikon.
Tinawagan ko ang contact na binigay sa akin ni Vance. Mabilis niya itong sinagot.
"Hello po sir Jack." Sagot nito.
"Check Vance's small house. Tignan mo kung nandun ang sasakyan ni Kael." Utos ko.
Narinig ko ang pagtakbo niya. Siguro lumabas siya ng bahay.
"Sir wala pong naka-park na kotse dun." Aniya.
Napakuyom ako ng kamao.
Saan kaya sumuot yung hayop na yun?
"Go to Suson's residence. Magdala ka ng kasama at magbantay kayo doon. Yung isang grupo ay mag-abang sa bahay ni Ophelia. Report to me ASAP!" Utos ko.
"Yes sir." Sagot niya at pinatay ang tawag.
Inis na inis akong bumalik sa classroom. Pinapahirapan niya ako sa mga pinaggagagawa niya. Huwag ko lang talagang malaman na gumagawa siya ng kalokohan tangina niya.
Dumating ang uwian pero wala pa ring nagre-report sa akin. Inihatid ko si Jayden sa bahay nila at balak kong puntahan si Kael sa bahay niya.
Habang nagda-drive ay tumawag ang leader sa mga tauhan ko na ibinigay ni Vance.
"Hello sir Jack?" Sabi niya.
"Ang tagal mong tumawag. Anong balita?" Kinakabahan kong tanong.
"Sir kakarating lang po ni Kael. Tumawag din ang kabila na almost 20 minutes nang nakauwi si Ophelia." Ani niya.
Napahigpit ang hawak ko sa phone. "Sige salamat. You can go back to the mansion now." Utos ko at pinatay ang tawag.
Halos paliparin ko na ang kotse ko makarating lang sa bahay ni Kael.
Nakakagago na talaga siya.
Dumating ako sa bahay ni Kael at kaagad na nag-doorbell. Takang-taka siya sa biglaang pagbisita ko.
Sa gate pa lang ng bahay ay may nakita na ako sa balikat niyang suot ang nakalaylay na sando na nagpakulo ng dugo ko. Kaya naman pagkapasok namin sa bahay nila ay hinablot ko ang braso niya at binigyan siya ng malakas na suntok sa panga.
Bumagsak siya sa sahig.
"Gago ka ba? Para saan yun Jackson?" Galit niyang sigaw sa akin na pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.
"Hindi na kita kilala gago ka! Inulit-ulit ko sayo na lumayo ka kay Ophelia!" Sabi ko at sinalubong ang masamang tingin niya sa akin.
"Ano bang problema mo? Ano bang pinagsasasabi mo? Nagta-trabaho lang ako dito!" Sabi niya at tumayo siya. Tinulak niya ako kaya napaatras ako.
"I'm giving you last warning Kael. Kahit magkaibigan pa tayo hinding-hindi kita kakampihan sa katarantaduhan mo!" Duro ko sa kanya.
"Are you threatening me? Wala akong ginagawang kasalanan!" Pagmamatigas niya.
"I doubt that. Hindi ako nagkulang sa paalala sayo tandaan mo yan." Mga huling sinabi ko bago ko siya iniwanan.
I'm having a hard time. Importante siya sa akin pero hindi ko rin kayang hayaan na lang na magmukhang tanga si Vance.
Business at safety naming lahat ang nakasalalay sa magiging desisyon ko at hindi ko alam kung anong pipiliin ko.
Alam kong may nangyayari na sa kanila ng babaeng yun. At sigurado ako doon. That mark on his shoulder says it all.
Ibinagsak ko ang pinto ng kotse ko dahil sa sobrang galit. Paulit-ulit ko pang hinampas ang manibela bago ako nakapagdesisyon na umalis na.
Should I report this to Vance?
O baka kaya pang pakiusapan si Kael. Baka kaya pa siyang pagsabihan.
Fck this! Ako ang naiipit.
Pagkarating sa bahay namin ay kaagad akong dumiretso sa kwarto ko.
Tinawagan ko ang tauhan ko.
"Sir Jack bakit po?" Sagot niya.
"Huwag niyo munang sabihin kay Vance ang nangyari. Hayaan niyong ako ang magsabi sa kanya." Utos ko.
"Yes sir. Babalik po ba kami bukas doon?" Tanong nito.
"Yes. Yes please. Sundan niyo siya kahit saan siya magpunta." Utos ko.
"Yes sir." Sagot nito.
Pinatay ko ang tawag at sinunod kong tinawagan ay si Jayden.
"Hello honeybun?" Napangiti ako nung marinig ko ang boses niya.
Ang sarap magmahal kapag alam mong wala kang sinasaktan. Kaya hindi ko maintindihan si Kael kung bakit nagagawa niya ang mga bagay na yun.
He's not the Kael I've known before. He changed.
"Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog hehe." Sabi ko. Ilang oras pa kaming nag-usap ni Jayden bago ko binaba ang tawag.
VOUS LISEZ
Troublemaker meets His Only Exception 2
FanfictionYes I love you. I did love you. But what happened in the past remains in the past. The rain stopped and I'm waiting for the next rain drops to continue my happiness with someone else. Goodbye first love.
CHAPTER 16
Depuis le début
