"Okay ka lang? Nahilo ka ba?" Nag-aalala niya akong inalalayan paupo sa couch.

"Nahilo ako bigla. Sorry dada. Umalis ka na muna, kailangan ko yatang ipahinga 'to." Sabi ko na nakahawak pa sa sintido ko.

"Y-You sure? Babantayan kita baba." Sabi niya.

"No. Ayokong mag-cutting class ka. Sige na, anong oras na din baka ma-late ka pa." Pagtataboy ko kay Kael.

Nagpumilit pa siya pero hindi ko siya pinayagan.

Pagkaalis ni Kael ay doon pa lang bumuhos ang luha ko.

I can smell Ophelia's perfume in Kael's uniform. Kung hindi sila nagdikit bakit napunta ang scent ni Ophelia sa kanya?

Bakit kaya lagi na lang niya akong binibigyan ng dahilan para masaktan?

Wala naman akong ibang gusto kundi ang mapabuti lang ang kalagayan niya.

Ilang oras pa ang ginugol ko sa pag-iyak.

Hindi ko kayang tanggapin.

Every steps I make seems to lead me farther from where I want be. To his arms.

He's my second home.

He's my light.

But I guess I'm keeping the light on for nothing. Nothing.

I believed in a bright future that he promised.

But all I see now is endless darkness.

Ang tanga ko. Para umasa ulit sa parehong tao.

Sana nga mali ako. Sana nga hinala ko lang lahat 'to. Because letting go has been my greatest lesson. And giving chances is not my power anymore.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si papa. Alam ko namang marami siyang gagawin pero hindi ko na yata talaga kaya.

He answered my call.

"Nandito ako sa maliit na bahay pap...."

My voice shattered.

I let the tears of lament speak what I've been going through right now.

Hindi pinatay ni papa ang tawag. Hinayaan niya lang ito hanggang sa narinig ko na lang na bumukas ang pinto.

Tumabi siya sa akin at kinuha ang cellphone ko.

I cried my heart out in his arms.

Walang salitang lumabas mula sa kanyang bibig pero alam kong nasasaktan na siya sa mga nakikita niya ngayon.

Ilang minuto pa bago ako kumalma.

"Hindi kita ipinaubaya sa kanya para lang lumuha ng ganito." Biglang nagsalita si papa.

"Don't just be a part of someone's story, be the ink that writes your own plot." Makahulugang sabi ni papa.

"Masakit papa. Our relationship was beautiful, but I guess it's never meant to last." Sagot ko.

"Endings are not the end Vance, it is sometimes a chance for you to make a better one."

"You're not obligated to stay in a situation where you're hurt. Balang araw masasabi mo na lang sa sarili mo na hindi pala lahat ng nawala ay kawalan." Sabi pa ni papa.

I nodded. I fully understand what he was trying to say.

Siguro nga umiiyak ako ngayon. Pero isinusumpa ko na sa araw na mapatunayan ko lahat na tama ako, ni isang patak ng luha hindi nila makikita sa mga mata ko.

Troublemaker meets His Only Exception 2Where stories live. Discover now