Chapter 4: Treat Me

Magsimula sa umpisa
                                    

Kumaripas ako ng takbo. At hindi ako nagkamali. Sinusundan nya nga ako!

Narating ko ang iskinita. At lumiko pakanan at pakaliwa. Hanggang...

"Miss...naliligaw ka ba? Ngayon ka lang namin nakita dito sa lugar namin e."

Kinilabutan ako. Hindi ko sya kilala. At matagal na akong hindi nakikipagkilala o nakikipag-usap sa ibang tao...kaya kinakabahan ako. Pero naglakas loob ako para humingi ng tulong sa kanila.

"Yun lang ba Miss? Swerte ka, at mabait kaming mga taga-rito. Halika dito ka muna sa loob ng bahay namin magtago hanggang sa makalagpas ang taong humahabol sa'yo." may masama akong kutob sa mga tingin nya sa akin. Kaya tumanggi ako.

"Salamat na lang po, pero...aalis na po ako." kabado akong ngumiti sa kanila at handa nang tumakbo. Pero humarang sila sa unahan ko. Hinila ako ng isang lalaking nakakasulasok ang amoy halo ng alak at sigarilyo.

"Miss ang ganda mo naman lalo na sa nalapitan." nakatitig sya sa mukha ko.

"Ahm..a-aalis na po ako."

Itinulak nya ako sa may pader at inamoy-amoy ang leeg ko.

"Hmm...hindi ka lang pala maganda, mabango ka rin."

Nangatog ang mga tuhod ko. "A-aalis n-na po ako." Ulit ko habang nanginginig ang aking boses.

"Aalis ka na agad, e nag-iinit pa lang ako?"

Hinawakan nya ng puno ng pagnanasa ang aking binti...pataas ang kanyang mga kamay.

"TU-TULONG! TULUNGAN NYO A--"

Isang mabaho, madumi at nakadidiring kamay ang tumakip sa bibig ko. "Miss naman. tinatawag mo pang lalo palapit sa'yo ang taong pinagtataguan mo." Unti-unting nangilid ang mga luha ko sa aking mga mata. "Maging mabait ka lang at magenjoy sa susunod na mangyayari."

Nagpatuloy ang isa nyang kamay sa paglibot sa aking binti. Pataas at pababa. Sukang suka ako sa nangyayari ngayon! Ipinikit ko na lang ang mga mata kong luhaan at piping sumisigaw ng saklolo. PLEASE! PLEASE SOMEONE SAVE ME!

Malalakas na kalabog ang sunod kong narinig. Pagsisigawan. Mura. Tunog ng sakit at pamimilipit. Mukhang may labanan na nangyayari.

Pero dahil sa sobrang takot nanatili akong pikit hanggang sa naging kabingi-bingi ang katahimikan at may mala-anghel na boses ang nagsalita.

"Miss. Ayos ka lang ba?"

Mumulat ako at nasilaw sa sinag ng araw. Isang lalaking ang nakaukod at iniaabot ang isang panyo para abutin ko. Kinuha ko iyon ng walang pagdadalawang isip at umiyak pang lalo habang nakatakip ang panyong iyon sa mukha ko.

"Hindi ka dapat nagpupunta sa mga delikadong lugar gaya nito. Kung hindi ako dumating baka kung napano ka na. Halika na, baka bumalik pa ang mga 'yun ng may kasamang resbak. Hindi pa man din ako sanay ng may ipinagtatanggol habang lumalaban."

Tumingin ako sa kanya. Walang reaksyon ang mukha nya. May itsura. Disente tingnan. Kaya panong...nalabanan nya ang mga lalaking 'yun kanina?

Sino ba sya?

Bakit nya ako tinulungan?

At bakit hindi ako natatakot na sumama sa kanya?

"Miss...?" Iniabot nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo.

Nangingig ang aking mga kamay na inabot ang kanyang mainit na palad. Naramdaman ko tuloy na parang umabot ang init ng kanyang kamay hanggang sa aking pisngi.

Nakatayo na ako sa tabi nya hawak ang kanyang kamay. Pero nakatingin lang sya sa akin at hindi humahakbang paalis.

"Sumakay ka na sa likod ko. Mukhang isang hakbang lang e bibigay na yang mga tuhod mo." sabi nya habang umiiling.

Tumingin ako sa tuhod ko. nangangatog iyon ng malakas. Hindi pa rin nawawala ang kaba at takot na naramdaman ko dahil sa mga lalaki kanina.

Tumango ako bilang pagpayag. Isang ngiti mula sa kanya at para akong walang timbang na binuhat nya sa kanyang likuran.

"Ang gaan mo naman Miss! Parang wala ka pang isang guhit sa timbangan! Hehe."

Mas lalong uminit ang pisngi ko dahil doon. "Sa-salamat...sa..p-pagl-ligtas..." nangingig kong sabi.

Bigla syang lumingon at muntikan ko nang mahalikan ang kanyang pisngi! Napaurong tuloy ako at mas lalong humaba ang kanyang ngiti. "Thank you is nice. But treating me is better."

"T-treat you?" naguguluhan kong tanong.

Napalitan ng tension ang kanyang ekspresyon at ibinaling nya rin kaagad ang ulo nya sa unahan.

"Treat you to a meal?" muli kong tanong. Nahihiya siguro syang ulitin na nagpapalibre sya?

Tumungo sya habang naglalakad at mahinang sumagot. "Yeah. Dinner."

--------

a/n: o alam nyo naman kung sino si Mister Savior di ba?

At napansin nyo sana na "mabait" yung character ni Len kay Sulli. Kasi pag sya si Master Allen, serious and confident ang ugali nya. Kapag sya si Ruthless Boss, sya ay medyo tipid magsalita, bored ang tono, mayabang at iritable.

Sana gets nyo rin ang gusto kong iparating na...iba ang meaning ni Len nung sinabi nyang "treating me is better" ;)

Next chapter: Work For Me

WT:4-16-13 P:4-17-13 E:2-4-14

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon