Chapter 3

2 1 0
                                        

"Nandito na po ako" ani ko bago pumasok sa bahay. Agad akong naglakad papunta sa kusina para tignan kung may tao. Andoon si Mama, abala sa pagluluto.

Naglakad ako malapit dito para sana kumuha ng tubig at aalis agad pero nagsalita ito.

"Magkukulong ka nanaman sa kwarto mo? Mamaya na at kakain na, sabay sabay na tayo" sabi nito bago inilapag ang ulam sa mesa.

"Busog pa po ako eh" tugon ko dito kaya agad itong tumingin sakin.

Inatras niya ang upuan, senyales na dapat akong umupo kaya wala na'kong nagawa kundi ibaba ang bag ko at umupo.

"Kakain na! Bumaba na kayo" sigaw niya bago umupo. Agad namang dumating ang mga tinawag niya.

"Ate, pagawa naman nung project ko sa Math!! hindi ko maintindihan eh" bago pa ako sumubo ay agad na nagreklamo ang isa kung kapatid kaya naibaba ko ang kutsarang hawak ko.

"Diba inexplain ko na sayo yon, Aji? busy kasi ako kaya ikaw muna sana ang gagawa" ani ko dito pero sumimangot lang ito.

"Pagbigyan muna ang kapatid mo, Mayah. Eh, tutal kaya mo naman 'yan kaya gawin mo na," sabat ni Papa, kaya napahinga ako ng malalim at pilit ipinamukha sa kanila na okay lang sa akin.

"S-sige po" wika ko nalang bago kinuha yung Notebook at isinantabi sa gilid.

"Kamusta ang araw? Okay ba?" tanong ni Papa habang sinasandokan ang plato ko kaya tumipid ako ng ngiti.

Keep it normal....

"Okay lang naman po, medyo pagod lang kasi madaming ginawa" pagkukuwento ko kaya tumango tango nalang ito.

"Kamusta naman si Denden? pasimula ni Mama kaya binilisan ko na ang pag-kain.

"Okay naman po siya, Ma" walang gana kong sagot.

"Naku, baka pinapagod nanaman niya yung sarili niya sa kakaaral lagi-" mahina pero padabog akong tumayo bago kinuha ang pinagkainan at ilagay sa lababo.

Pano ako?

"Mauna na po akong matulog, Ma, Pa. Inaantok na po kasi ako eh" paalam ko bago tipid na ngumiti at umakyat na.

Tahimik kong isinara ang pinto ng kwarto, bago ko ini-lock ang pinto at dahan-dahan akong tumayo, nagpahid ng luha sa mata saka lumakad patungo sa mesa ko bago inabot ang mga libro at notebook.

Binuksan ko yung notebook, kinuha ang ballpen, at nagsimula mag-highlight ng mga importanteng points. Bawat sagot sa libro, parang hindi ko masyado maintindihan, pero okay lang. Tutal okay lang naman.

Kahit na hindi ko siya maintindihan, nagsusulat lang ako.

..................

Nagising ako at agad tiningnan ang orasan-7:30 na pala. Nagulat ako at agad na tinignan ang paligid ko. Nasa mesa pala ako nakatulog. Nakatukod ang ulo ko sa notebook ko, at ang nahulog na ang mga librot' ballpen ko.

"Ahh!!! Kainis, late na ako! Anong oras ba ako natulog?" sabi ko, galit na galit sa sarili ko.

Tiningnan ko ang mga hindi pa natatapos, at yung mga naka-highlight na hindi ko na pala natapos.Napabuntong-hininga ako bago ginulo ang buhok at patakbong kinuha ang twalya ko.

Bumaba ako ng hagdan, hindi pinansin ang kalat sa paligid, at mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero ngayon lang akong nahuli.

Hindi ako sanay na malate, lalo na't ako pa 'yung laging maaga. Sinubukan kong magmadali, pero tanghali na pala, at alam kong wala na akong makukuhang jeep.

"Shit, late na talaga ako" sabi ko habang tinitignan ang mga kotse sa kalsada. Ang bilis ng oras at sumasabay pa yung init kaya mas lalo akong naiirita.

Buti na lang, may trysikel na dumaan at agad akong tumakbo papunta doon. Nang umupo ako, nakahinga ako ng malalim.

Ayos, makararating pa ako

Pagdating ko sa harap ng gate ng school, mabilis kong tinanggal ang ID ko at ipinakita sa guard. Nakapasok na ako, pero ramdam ko na ang kaba. Nagtuloy-tuloy na ako, tumatakbo habang nagsusulat sa notebook ng mga dapat kong tapusin na gawain.

Habang nagmamadali akong dumaan sa hallway, bigla akong nabangga ng isang tao.

"Ahh!" napasigaw ako, at halos matumba sa lakas ng pagbunggo ko sa kung sino. Pagtingin ko, agad akong nawalan ng gana sa lahat.

"What the hell. Di ka tumitingin sa dinadaanan mo" sabi niya, ang tono ay may halong inis.

"Sorry, excuse me" mabilis na sagot ko, sabay ang mabilis na pagkolekta ng mga gamit ko.

"That was a surprise. The always first comer girl and always ready in the class being a latecomer and rushing activitie" sabi pa niya, na may konting pang-aasar. Pero hindi ko na siya pinansin.

Mabilis kong pinulot ang mga gamit ko at naglakad palayo. Hindi ko na kailangang makipagtalo sa kanya ngayon. Hindi ko pa matanggap na ngayon lang ako nalate. Pagpasok ko sa classroom, agad akong yumuko.

"Sorry po, Ma'am, nalate po ako," sabi ko habang tinataas ang kamay ko.

Nagulat din ang teacher ko at tinanong, "Well that was new for you. May nangyari ba?"

Napayuko ako, hindi ko alam kung paano sasagutin. Hindi ko na kayang magpaliwanag pa, kaya tumahimik na lang ako.

Hindi ko rin napansin na kasabay ko palang pumasok si Denvill at nagso-sorry din.

"Sorry po, Ma'am, late po," sabi niya sa teacher, sabay lingon sa akin. Panay ang tingin ng mga kaklase ko sa amin ni Denvill, siguro nagtataka sila kung anong nangyari pero hindi ko na ito pinansin. Nagmadali akong lumapit sa upuan ko.

Pero nang makarating ako sa upuan ko, napatigil ako. May ibang nakaupo.

"Uy, 'di ba 'yan ang upuan ko?" sabi ko nang may kaunting inis, pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit may ibang nakaupo doon.

"Dito na ako ngayon" Napatangin ako, at tumaas ang kilay ko.

Nagmamadali akong lumapit at sinabi, "Puwede bang tumayo ka? Diyan ako naupo." Pero umiling lang siya at sinabing...

"Hindi na, dito na ako. Dito na ko ngayon." Napalunok ako. Napatingin ako kay Sir.

"Ma'am?" sabi ko, at tinanong ko siya ng mataas na tono.

"May bago tayong seating arrangement, Ms. Ledezma," sagot ng teacher ko.

"Ikaw at si Denvill na ang magkatabi, okay?"


"Magkatabi kami ni Denvill?!" Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero hindi ko maiwasang ma-irita.

Bakit ko kailangan magkatabi pa kami?

Hindi ko na nga gusto at kinamumuhian si Denvill, tapos ngayon magkatabi pa kami sa upuan.

Lumingon ako kay Denvill, parang wala lang naman sa kanya at agad na umupo sa isang espasyong upuan. Hindi ko gusto yung nangyaring seating arrangement na 'to.

A+ in getting youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora