"Aughhhh!!! kainis!!" pasigaw kong dabog habang walang tigil na ginugulo ang buhok ko.
Ang lalaking yun. Lagi nalang akong iniisahan sa lahat ng bagay na gusto ko ako ang panalo.
Kumuha ako ng papel at pilit na i solve yung mali ko sa assignment kanina dahil alam kong hindi nanaman ako tatantanan ng utak ko hanggat hindi ko nakukuha ang tamang sagot.
"Alam mo teh, tanggapin muna kasi na mas magaling siya sayu" wika ng kasama ko pero hindi ako papayag sa sinabi niya.
"At bakit? Magmumukha akong talunan at mas lalo akong aasarin ng lalaking yun" pagmamaktol ko bago tumayo. Inayos ko ang buhok ko bago ngumiti na parang baliw.
"Gusto pala niya ng gyera ah, segi..ang demonyong to ang dudurog sa nagmamagaling anghel na yun!!" iniwasiwas ko ang ballpen ko paitas bago tumingin sa langit.
"Ituturok ko sa kanya ang makapagyarihang ballpen ko ng malaman niya na hindi ako basta basta" tumigil ako ng humagikgik ng tawa ang kasama ko.
"B-baliw ka na ata teh hahaha" tawa nito habang hawak hawak ang tiyan. Binato ko to ng ballpen sa hawak ko kanina.
"Jasper Pellaver!! ang eme ko kahit kailan" sigaw ko bago umalis sa harapan nito. Agad naman itong sumunod sa sakin dala ang bag ko.
........................
" So class, the formula for this equation is x equals negative b plus or minus the square root of b squared minus four times a times c, all over two times a. Did you get it?" tingin samin ng teacher namin pero walang sumagot. Puro lang sila kamot sa ulo, may natutulog, nag cichikahan, at kumakain ng patago.
"U-uh ako po, Oo" taas ko ng kamay para hindi ito mawalan ng pag asa.
"Me too, Ma'am" nagtaas din ng kamay ang lalaki kaya umirap ako.
tss... pasikat.
"Well, verry good for you two. Is there anyone? who got it?" naghahanap ng pagasang wika ni Ma'am pero wala talaga.
"Kung wala, uh Maia and Denvill can you solve this one? kung sino mauuna, exempted sa long quiz ko" agad akong tumayo ng marinig yun. Pati siya ay tumayo nadin para sumagot.
Alam namin na pag si Ma'am ang nagpapa-long quiz, wala nanamang connect sa tinuturo niya kaya kukunin ko na ang pagkakataong to syempre.
Agad namang nabuhayan ang kaklase namin ng makita kaming dalawa sa harapan. Ito na ang paraan ko para makabawi sa kanya.
"Magsisimula na ang away!!"
"Manok ko si Den!!"
"Go, Mai!!"
Bago humarap sa pisara, nagkatinginan muna kami. Nginitian ako nito pero tinignan ko lang ito ng may halong pagmamayabang.
Nagsimula na kaming magsagot. Tumahimik din ang buong klase, hinintay kung sino ang mauuna saming dalawa. Ang pagkuskos lang ng chalk ang maririnig samin kaya tumingin ako dito. Nakatingin din pala ito sakin habang may timpid ng pang bubully kaya minalditahan ko ito.
Habang tumatagal, bumibilis na ito kaya nakaramdam na ako ng kaba habang nagsusulat. Pati buong paligid parang sinusubok ako kaya habang nagsusulat, tumitingin ako sa lalaki para malaman kong nasan na siya.
Malapit na siyang matapos....
Hindi pwede....hindi
Kalmado lang itong nagsusulat habang ako, parang nakikipag karera sa pinaka mabilis na kabayo sa buong mundo.
Malapit na....
kunti nalang......
Teka....patapos na siya....!
Hindi pwede!!!!
Agad kong binaba ang chalk na hawak ko bago nagtaas ng kamay sa harapan ng mga kaklase ko. Naghahabol padin ako hangin, kahit nagsulat lang naman ako.
"Grabe.....pano yun?" parang di makapaniwalang sabi ng isa naming kaklase kaya nagtaka ako.
Tinignan ko ang lalaki at nakaramdam ulit ng kaba. Nakataas narin ang kamay nito at parehas kami ng sagot. Kita sa dulo na madiin ang pagkakasulat ng tuldok dahil may tumalsik pa sa gilid.
Sinong nauna?
"Wow, that was awesome you two!!" pumalakpak si Ma'am bago lumapit samin at umakbay.
"S-sinong nauna samin, Ma'am?" ako na ang nagtapang para tanungin ito kaya humarap ito at pinagtabi kami. Tinapik tapik at inayos ang uniform namin bago ga ng malalim.
"Good job!! I'm so proud. Class,.who is the winner?" sigaw nito bago humarap sa mga kaklase namin.
"SABAY SILA!!!!" sabay sabay na sigaw nila kaya agad akong napangiti pero nang marealize ko ay tumingin ako sa katabi ko.
"That's good. I thought you lose again" nagpamulsa ito bago humarap sakin.
"Asa ka namang magpapatalo ako sayu. Naka-tyamba ka lang naman" patul ko dito pero tumawa lang ito dahilan para mapatahimik ako.
hah???
"Kung ganun, yung tyamba na'yun eh muntik kanang matalo. Look at you now, you're sweating because of that simple quadratic equation" wika nito. May kinuha ito sa bulsa at nilabas ang panyo bago biglaang kinuha ang kamay ko, dahilan para mabigla ako at hindi makalaban.
Umupo na ito sa pwesto at yumuko na gaya nang dati niyang ginagawa sa buong klase. Tinignan ko ang panyo na binigay nito bago umirap sa hangin at umupo na.
Kung maka-asta, kala mo anghel talaga.
NAKAKAINISS!!!
