_Updated_
Kaliwa't kanan ang mga estudyante na nasa hallway kaya maingay. Naglalakad ako ng may bumunggo sa'kin kaya nalaglag ang mga libro ko. Habang pinupulot ko ang mga libro'y naging tahimik ang paligid sa wari'y may dumaan na anghel. May isang libro pa sana akong kukunin ng may mag-abot nito kaya nag-pasalamat ako na hindi tumitingin at binilisan ang lakad dahil late na ako sa klase.
Kunting diskasyon na may kasamang talambuhay ng Professor at tapos na ang klase. Panay tanong nila kung ano-ano hanggang maubos ang oras. Minsan naiisip ko na yun ang paraan nila para hindi magturo ang aming Professor.
Matapos ang unang klase ay vacant namin sa susunod na subject dahil busy raw ang Professor namin. Habang nakatingin ako sa bintana may umupo sa aking tabi kaya tinignan ko siya na nakangiti sa'kin.
"Ikaw yung nabunggo ko kanina diba?" Siya siguro yung nag-abot sa akin ng libro. "Ikaw nga yun....Ako nga pala si Mariel" sabay abot niya sa akin ng kamay kaya tinanggap ko ito bago ngumiti.
"Salamat sa pagkuha ng libro ko" Ngumiwi naman siya bago umiling.
"Hindi ako ayon.....si Jackson Sarmento yung nag-abot ng libro. Pwedeng pa sabay kapag lunch break na kasi wala akong kasama" Kaya pala malaki at ma-ugat ang kamay kasi hindi siya iyon.
Tumango lang ako at ibinalik ulit ang tingin sa labas. Pagdating ng lunch break ay tumayo na ako para pumunta sa cafeteria kasama si Mariel. Magka-iba ang sched namin ni Myla kaya wala akong ka sabay tuwing lunch break.
Habang kumakain kami nagku-kwento si Mariel tungkol sa policy ng Universidad de Mendez at sa mga student council. Pagkaraan ng sandali'y may naglapag ng burger tyaka coke sa lamesa namin kaya napatingin ako kung sino
May sasabihin sana ito kaya lang napatitig ito sa likuran ko at dali-daling kumaripas ng takbo. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi pinansin ang burger tyaka coke kahit nakaka-attempt. Hindi naman ako kumakain na bigay ng ibang tao lalo't hindi ko kilala.
"Hello! Pwedeng maupo? wala na kasing vacant" Tumango ako na hindi tinitignan ang nagsalita.
Tumikhim naman si Mariel kaya napatingin ako sa kanya na nagtatanong. Ngumuso naman siya pa harap kaya tumingin ako sa harapan. Napatitig sa magkaibang kulay na mata at malamig na tingin. Napaiwas ako ng tingin dahil sa intensidad niyang tumingin na tila abot hanggang kaluluwa.
"I'm Jared and you are?" Sabay abot ng kamay sa akin.
"Callia at ito naman si Mariel" Tumango-tango itong ngumiti bago tumingin sa kanyang katabi.
"Ito naman si Jackson" Naglahad siya ng kamay kaya kahit nag-aalinlangan naman ay nakipag-kamayan ako. Maglalahad sana ng kamay si Mariel ng ibinaba ni jackson ang kanyang kamay kaya humalakhak si Jared.
"Pasensya kana, may pagka-mapili kasi siya" Nahihiyang tumango naman si Mariel kaya niyaya ko na siyang umalis dahil sa akwardness.
Nagpa-alam muna kami bago umalis, tumungin ako kay Jackson na ganon parin tumitig na tila ba may nais sabihin.
Habang naglalakad kami papunta sa building nagtanong ako kay Mariel kung ganoon talaga makitungo si Jackson.
"Ganon ba talaga maki-tungo si Jackson sa lahat ng studyante dito?" Tumango ito kaya lang bagsak ang balikat.
"Kaya ang swerte mo kasi ikaw lang ang nakipag-shake hands sa kanya at siya pa ang nag-insist! Ang daming nagkakagusto sa kanya at nanalangin na sana tumingin ito pabalik pero sayo lang siya tumingin at tumitig ng matagal!" Tila kinikilig ito habang nagsasalita.
"Hindi naman siguro" Pag-apila ko na ipinagkibit balikat niya lang.
Pagkabalik namin sa room ay siya namang pagdating ng Professor namin. Mabilis ang oras at mag-uuwian na kaya nag ayos ako ng mga gamit ko.
PAGKALABAS ko'y naghihintay si Myla na may sasabihin daw pa tungkol sa scholarship.
"May sasabihin daw si Mayor sa Sabado tungkol sa mga eskolar." Tumango ako.
"May nasagap ako... ka sabay mo daw si Jackson kumain!?" Pinanlakihan niya ako ng mata at humawak sa balikat ko.
"Sumabay lang sila kasi wala ng bakanteng lamesa" Napalabi ako dahil sa tingin niyang hindi naniniwala.
"Weh? Pero ang swerte mo kasi pihikan yun sa mga tao, kung baga pili lang makisama at mahal kung tumingin!" Tumingin ako sa kanya na nginisihan lang ako at tumawa.
"Hay nako... Ang daldal at agap mo maki-chismis bat di nalang jurnalism yung kinuha mo?" Umirap naman siya.
"Grabe ka naman... Ayaw mo yun updated ka palagi" Muntik na siyang mapatid dahil sa kadaldalan.
"Yan kasi hindi ka tumitingin sa daan... Kung tungkol man sa akin ang chismis wag na lang" Sino bang matutuwa kung palagi kang laman ng chismis.
"Oo na ba ka sakalin mo pa ako" Inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Humalakhak siya't umiling sa pag-irap ko. May saltik talaga ang isang ito kaya minsan ang sarap sakalin... pero huwag na baka unahan pa ako.
_Mers_
