Chapter 1: First Kiss

8.4M 129K 86.3K
                                    

"Look, girls, papunta na rito 'yong Apat!"

Papalapit na nga sina Jeydon sa lugar namin kaya parang mga kabute 'yong fangirls nilang nagsilitawan. Akala mo, may dumating na artista, e estudyante rin lang naman sila roon, ah?

"Hi, Jeydon!" sabi no'ng babaeng pumunta sa harapan nila. "I'm Stella, by the way." Inabot niya 'yong kamay niya kay Jeydon.

Imbes na makipagkamay siya ro'n sa Stella, tinitigan lang niya 'yong kamay niya na may blangkong ekpresyon sa mukha.

"Can you get away from me? Ugly creature."

Nagtawanan 'yong tatlo sa sinabi ni Jeydon. Lahat sila, pinagtawanan 'yong Stella. Kawawa naman siya. Umatras na lang siya para makadaan si Jeydon at 'yong tatlo. Pusta ko, hindi na siya papasok pa ulit sa school sa kahihiyan.

"Bagay lang sa kanya 'yan! Ambisyosa!"

"How dare she? Hindi sila bagay ni Papa Jeydon. Masyado siyang gwapo."

Gwapo? Oo, gwapo nga, masama naman ang ugali.

Akala mo kung sino siya, porket siya raw ang hari ng school na 'yon. Isang malaking kalokahan! Ewan ko ba kung bakit ang daming nagkakagusto sa mokong na 'yon, ang sama-sama naman ng ugali. Sinayang lang niya 'yong hitsurang binigay sa kanya.

Bakit gustung-gusto ng mga babae 'yong mga bad boy? 'Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko. Oo, kinakausap ko 'yong sarili ko pero hindi ako baliw. Wala akong kaibigan sa school, e.

Sabihin na lang nating forever alone ako. Para kasi sa mga schoolmate ko, isa lang akong nerd, weirdo at manang. Walang kwenta kung makikipagkaibigan sila sa 'kin. Psh! E di, huwag! Hindi ko naman sila kailangan.

Masaya namang mag-isa, e. Tahimik lang ang buhay. Kahit kapatid ko si Charles Gonzales, isa sa Apat, hindi pa rin 'yon naging dahilan para maging sikat din ako sa school. Hindi kami palaging nag-uusap sa school, hindi ko alam kung ikinakahiya niya ako o sadyang hindi lang nagkikita 'yong landas namin.

Sa totoo lang, isa siyang malaking bully sa buhay ko pero masaya na ako na naging kapatid niya ako. Dahil sa kapatid ko siya, hindi ako na-bully masyado sa school, hindi katulad ng ibang katulad kong nerd.

Tiningnan ko 'yong relo ko.

Pumunta na ako sa class kong magsisimula in five minutes. Tumakbo na lang ako na para bang wala nang bukas. Ayokong ma-late, 'no?

Pagkarating ko ro'n, nando'n na 'yong classmates ko pati 'yong teacher ko. Lahat sila ay napatingin sa 'kin. Nagulat ako noong tumawa nang malakas 'yong teacher ko.

Alam kong ako 'yong pinagtatawanan niya dahil sa 'kin siya nakatingin.

"Candice, mahangin ba sa labas?"

Dahil sa sinabi niya, nagtawanan pati classmates ko. For sure, 'yong buhaghag kong buhok lalo pang naging buhaghag.

Akala ko, students lang ang may masamang ugali sa school. Pati pala teacher. Loko 'to, ah! Naku naman. Kasalanan ko bang tumakbo ako papunta roon para hindi ako ma-late sa klase niya? Hindi ko na lang siya pinansin.

Daily routine na yata ng buong school 'yon, e. Hindi man ako 'yong inaasar nila, nasanay na ako sa ugali nilang ganoon. Tsaka isang taon na lang naman ang titiisin ko roon sa school at ga-graduate na ako ng high school.

Pagkatapos ng isang oras na torture sa class ng mapanlait kong teacher, nag-bell na rin sa wakas. At siyempre, lahat sila, excited na sa lunch.

Ako? Hindi ako katulad ng isang tipikal na estudyante—sa library lang ako pumupunta.

The Four Bad Boys And Me (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon