It was hard to look at someone knowing that you can't reach them. Kung dati hindi lang kami pwedeng mag-usap sa publiko, ngayon pakiramdam ko kahit kami lang dalawa ang magkasama, hindi na namin pwedeng gawin. Hindi ko masabi kung ilan at kung kailan pero pakiramdam ko, sobrang daming nagbago.

Kaya naman kahit mahirap, pinutol ko iyong tinginan namin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nakarating ako sa stock room at abala ako sa pagkuha ng mga tali nung marinig kong nagsara iyong pinto. Shit!

Agad akong tumakbo roon at nakita ko si Parker. Hindi ko na muna siya pinansin at saka pilit kong binuksan iyong pinto pero wala na. Naka-lock na kami!

"Hindi mo ba alam na sira iyong lock ng pinto na 'to?" naiinis na sabi ko sa kanya. Baka mamaya pa kami makalabas nito o kung kailan may maisipan na dumaan dito! Either way, we're stuck here!

Pinagsisipa ko iyong pinto—hoping na baka bumigay iyon at bumukas.

"Ouch!" sigaw ko dahil namali ako ng sipa at pakiramdam ko nabali iyong isa sa mga buto ko sa paa. Great! Ngayon dagdag pa ito sa problema ko! Agad akong dinaluhan ni Parker at saka tinignan iyong paa ko. "M-masakit," I said right after I winced in pain.

Dahan-dahan niyang ipinatong iyong paa ko sa binti niya. Tinanggal niya iyong sapatos ko. My breathing was hitched up. Ang sakit!

"You twisted your ankle," sabi niya.

"Hindi halata!"

Akala ko sasagot siya dahil sobrang rude ko pero tumahimik lang siya. Mayroon siyang ginawa sa paa ko na napasigaw ako sa sobrang sakit. "It'll get better, trust me," sabi niya. Trust. Big word coming from someone like him. "Madalas akong magkaroon ng ganito dahil sa soccer," pagpapatuloy niya. Ayokong makinig sa kanya. Kung hindi lang din naman niya ipapaliwanag sa akin kung sino si Bianca Agustin sa buhay niya, 'wag na lang siyang magsalita. Hindi ako interesado sa bagong kasinungalingan na lalabas sa bibig niya.

Nung natapos na siya, akala ko aalis na siya sa tabi ko pero hindi. He stayed. The proximity was too much for me to handle. Masyado siyang malapit. Masyado kaming malapit.

"Do you have your phone?" I asked him after the deafening silence. Umiling siya. Paano na kami makakalabas nito ngayon? Sigurado naman ako na ni hindi mag-aalala si Carl na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakabalik. Ano na ang mangyayari? Maghihintay na lang kami kung kailan may pupunta dito? Kailan pa 'yun?

Kapag minamalas ka nga naman, oh!

"Sirain mo kaya 'yung pintuan?"

"What?" sabi niya habang nakakunot ang noo.

"Kaya mo naman, e." Nakita ko kaya kung gaano kabigat iyong mga barbell na binubuhat niya. For sure kaya niyang sirain itong pintuan. "Para makaalis na tayo."

Sinubukan kong tumayo para naman masimulan niya na na sirain iyong pintuan nung hinatak niya ako pabalik.

"Let's talk," sabi niya.

"Mamaya na kapag sira na 'yung pinto." Pinilit ko na kumalma kahit na sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Alam ko matagal at ilang beses ko na hiniling na sana mag-usap kami pero ngayon na nangyayari na siya, kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa mga maaari kong malaman... Paano kung mahal niya iyong Bianca? Kakayanin ko ba? Paano kung may iba pa akong malaman? Ano ang mangyayari sa akin?

Kahit ano'ng paghahanda ang gawin ko, hindi pa rin ako handa. Hindi kailanman yata ako magiging handa.

"Imo..." pagtawag niya sa pangalan ko.

"Mamaya na kasi."

"Let's fix this."

Bigla akong nanlamig. We're so broken and I didn't think we could be fixed by simply talking. Kailangan ko na maging totoo siya sa akin... At kahit na gaanong natatakot ako sa mga pwede kong malaman, sa tingin ko mas mabuti na iyon kaysa magtanga-tangahan.

I'd move on from this—alam ko matagal pero kakayanin ko naman... palagay ko.

"Sino si Bianca Agustin?" pagtatanong ko. Ito lang naman ang kailangan kong malaman, e. Sino ba siya? Ano ba siya sa buhay ni Parker? Kapag nalaman ko na wala naman silang ugnayan na dapat kong ikakaba, matatahimik naman ako, e. I just needed to assure myself that everything's fine...

Na mali si Quin. Na hindi ko kailangang protektahan ang sarili ko. Na hindi si Parker ang mananakit sa akin.

Everyone's telling me to save myself from him but how can I save myself from the person I love? From the person I expect not to hurt me?

I tried to face him and I saw how color escaped his face.

"Mahal mo ba siya?"

I was ready for the blow. I was ready to get hurt that moment. I was ready for anything... but please, don't hurt me, Parker. 'Wag.

"No."

Dapat akong maging masaya, hindi ba? Hindi niya raw mahal si Bianca pero bakit hindi ko magawang gumaan ang pakiramdam ko? Bakit pakiramdam ko mayroon pa ring mali?

"Sino siya, Parker? Pinsan ba siya ni Quin? Totoo ba iyon?"

He was looking at me. Kitang-kita ko na nahihirapan siya sa mga itinatanong ko pero pareho lang naman kami, e. Nahihirapan din ako. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito kaya naman kahit kinakabahan ako sa mga pwede kong malaman, nagtatanong pa rin ako.

Matagal akong naghintay. Ilang minuto ng katahimikan na hindi ko binasag. I was willing to wait so long as I get the truth in return. Naging totoo ako kay Parker and I was expecting nothing less... Tanggap ko na itinatago niya ako sa publiko pero hindi ko kailanman matatanggap kung niloloko niya ako. That was when I draw the line.

Hindi ako pinanganak para gawin niyang kabit. I deserve better.

"Imo..." hirap na hirap na sabi niya. Kahit ang mga mata niya ay nahihirapan na rin. Pareho lang naman kami na nahihirapan pero kailangan namin ito. We can't live lying to ourselves.

"Look, Parker, just tell the truth." Every word tasted bitter inside my mouth. I never loved the truth but I needed to live with it—no matter how cruel it could be.

"I don't want to hurt you."

"Parker, I am already hurting. Nasasaktan ako sa bawat pagsisinungaling mo sa akin. Nasasaktan ako tuwing nawawala ka at hindi ko alam kung nasaan ka. Nababaliw ako sa kakaisip kung ano ba ang itinatago mo sa akin..."

Gusto kong umiyak sa punto na ito pero wala na akong maiiyak. Naubos na pala. Puro sakit at awa sa sarili na lang ang nararamdaman ko.

"I'm sorry," sabi niya pero hindi naman nabawi nun lahat ng paghihirap na naramdaman at mararamdaman ko.

"Parker, sino ba kasi siya? Bakit hindi mo masabi sa akin? Hindi mo naman siya mahal, 'di ba?" he nodded. "Bakit hindi mo na lang sabihin para hindi na tayo nahihirapang dalawa?"

Hinawakan niya iyong kamay ko pero agad ko naman iyong binawi. It felt wrong.

"Imo, please. Bigyan mo pa ako ng oras. Sasabihin ko sa 'yo kapag naayos ko na."

I gave him enough time. Sobra pa nga yata.

I stood up and limped away from him. I was hurting physically but the emotional damage he caused me again was too much for me to handle. How can someone hurt you this much? How can someone who claims to love you hurt you to this extent? Sobrang ipokrito lang.

"Then I guess you leave me with no choice, Parker."

Nakatingin siya sa akin. He knew this was inevitable. He asked for this and I was just giving it to him.

"Let's take a break."

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon